#BecauseILoveYou
CHAPTER 36
Nakaupo ako sa bench na nasa tapat ng isang convenience store. Hinihintay ko dito si Cedric na sandaling bumili ng yoghurt drink sa loob. Huminto na muna kami dito para sandaling tumambay bago umuwi sa kanya-kanya naming bahay.
Napatingin ako sa kalangitan. Napangiti ako ng tipid sa nakitang ganda nito. Nababalot man ng kadiliman pero dahil sa buwan at mga bituin na nakapalibot dito ay masasabi kong isa ang kalangitan sa mga pinakamagandang likha ng nasa Itaas dahil na rin sa hindi niya ito hinayaang maging madilim lang.
"O ito na ang yoghurt drink natin."
Napatingin ako kay Cedric na hindi ko namalayang dumating na pala. Napangiti ako saka tinanggap ko ang inaalok niya. Naupo siya sa tabi ko at ngayon ay sabay na naming sinisipsip ang laman ng bote na hawak namin.
"So... pwede mo na ba sa akin sabihin kung ano ang pinag-usapan ninyo ni Kenzo kanina?" tanong ni Cedric.
Kanina pa siya namimilit na sabihin ko na nga sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi.
Umiwas ako nang tingin kay Cedric. Muli kong tiningnan ang kalangitan.
"Ayaw mo talagang sabihin sa akin a..."
"Umamin siya." Sabi ko kaagad na ikinahinto ni Cedric sa pagsasalita.
"Umamin sa ano?" pagtatakang tanong ni Cedric.
Napabuntong-hininga ako.
"Umamin siya sa akin na gusto niya ako." Sabi ko.
Hindi ko narinig na muling nagsalita si Cedric kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin sa akin at may ngiting nakasilay sa labi.
"Mukhang hindi ka man lang nagulat." Sabi ko.
"Halata naman kasi... alam mo bang lagi ko kayong tinitingnang dalawa... Halata sa inyo na gusto niyo ang isa't-isa pero halata rin na tila may pader na nasa gitna ninyong dalawa." Sabi ni Cedric.
Napangiti ako ng tipid.
"So anong respond mo sa kanya? Tinanggap mo ba ang sinabi niya?" tanongni Cedric.
Umiwas ako nang tingin kay Cedric. Napabuntong-hininga.
"Ayokong mahirapan ng dahil sa kanya." Sabi ko.
"Bakit ka naman mahihirapan ng dahil sa kanya?" tanong ni Cedric.
"Ayokong mahirapan at masaktan sa mga sasabihin ng iba sa oras na malaman nilang gusto ko rin siya." Sabi ko.
"Ikaw ba talaga ang ayaw mahirapan o baka naman inaalala mo lang si Kenzo at ayaw mong mahirapan siya ng dahil sayo?" tanong ni Cedric na ikinatingin ko sa kanya.
Napangiti ng tipid si Cedric.
"Gusto niyo ang isa't-isa... mas mahalaga naman iyon di ba kaysa sa sasabihin ng iba?" tanong nito.
Napayuko ako.
"Mas mabuti ng ganito... walang komplikasyon... wala akong maririnig na hindi maganda mula sa iba... ang gusto ko lang naman ay maging malayang makapag-aral na malayo sa panghuhusga ng iba." Sabi ko.
"Hay! Pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Sabi ni Cedric. "Sinabi ko naman sayo di ba? Huwag kang magpapaapekto dahil kung oo... siguradong ikaw lang din ang kawawa at talo... Hindi nila hawak ang kaligayahan mo pero dahil sa ginagawa mo, pinapakita mo lang na mas matimbang sila kaysa sa sarili mo." Sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETED
Teen Fiction"Minahal kita dahil ikaw ay ikaw." BECAUSE I LOVE YOU by FRANCIS ALFARO ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT, 2020