#BecauseILoveYou
CHAPTER 38
Sa loob ng classroom...
Nakaupo ako sa aking upuan. Nakapatong sa desk ko ang notebook na nakabukas ang likod na bahagi. Kanina ay nagda-drawing lamang ako ng doodle pero tumigil din ako dahil sa pagkakatulala ko.
Bigla kasing sumagi sa isipan ko ang mga naging usapan namin ni Ericka. Sa totoo lang ay nasaktan ako sa mga sinabi niya pero at the same time, naliwanagan din ako sa tunay na ugali niya. Tama nga ang sinasabi ng karamihan na ang katotohanan ang siyang magpapalaya sayo. Masakit man pero kailangang tanggapin.
Hindi ko ikakaila na nasaktan ako na malamang ganun pala si Ericka. Ang pagiging kaibigan niya pala sa akin ay isang malaking kahibangan lang pala. Tinuring ko pa naman siyang isa sa mga kaibigan ko ngunit hindi ganun ang tingin niya sa akin. Nakakalungkot lamang isipin na kahit wala naman akong ginagawang hindi maganda laban sa kanya ay isang kalaban pala ang tingin niya sa akin.
"Hi Miko."
Napatingin ako kay Ericka na bigla akong binati. Dumaan kasi siya sa pwesto ko. Nakita ko ang ngiting nakasilay sa labi niya na nagpapakita na parang wala itong ginawang pagkakamali sa akin.
Napangiti na lamang ako nang tipid sa kanya. Ngayon ko rin napatunayan na magaling siya pagdating sa pagtatago ng tunay niyang ugali sa iba.
Nilagpasan niya rin ako at pumunta sa upuan niya. Napabuntong-hininga ako.
"Ang plastic talaga ng babaeng 'yan."
Napatingin ako kay Cedric na nakaupo sa upuan niya na nasa tabi ko lang. Napangiti ako sa kanya ng tipid. Siguro sanay na si Ericka sa ganun, ang magpakitang tao. Hay! Sakyan ko na lang ang trip niya.
Umiwas ako nang tingin kay Cedric. Napatingin naman ako sa kabilang side ko. Bakante pa ang upuan na nasa kaliwa ko. Wala pa si Kenzo.
Nasaan kaya siya?
Nilibot ko ang tingin sa buong classroom para hanapin siya at nakita ko nga siya, nasa ikatlong row, sa dulo bandang kaliwa nakaupo. Napabuntong-hininga ako. Tuluyan na nga niyang tinotoo ang paglayo sa akin.
Pamaya-maya ay nakita kong nilapitan ni Ericka si Kenzo, naupo ito sa bakanteng upuan na katabi nito at nakipag-usap. Madalas ay si Ericka lamang ang nagsasalita at si Kenzo ay tahimik lang.
Hindi pa ba nahahalata ni Ericka na walang gusto sa kanya si Kenzo? O baka naman wala sa bokabularyo niya ang salitang pagsuko kaya kahit na ramdam niya iyon ay patuloy lamang ito sa paglapit sa taong gusto niya.
Siguro nga ganun ang motto niya.
Hindi ko maiwasang maawa kay Ericka. Oo na... hindi nga naging maganda ang ugali niya pagdating sa akin pero hindi ko naman hiniling na masaktan siya ng dahil kay Kenzo. Kung bakit ba naman kasi ako at hindi si Ericka ang gusto ni Kenzo.
Ok... Naalala ko na naman ang pag-amin ni Kenzo sa akin ng nararamdaman niya. Iniisip ko, ano bang nagustuhan niya sa akin?
Sandali akong natulala at naputol din iyon dahil dumating na ang professor namin at nagsimula na ang klase.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"O Sir... Ikaw pala." Sabi ko kay Sir Dylan na ikinagulat ko dahil sumabay siya sa akin sa paglalakad palabas ng eskwelahan. Uwian na kasi at gusto ko ng makauwi. Hindi ko kasabay si Cedric dahil nauna na itong umalis para pumasok sa part time job niya.
Napangiti si Sir Dylan.
"Uuwi ka na ba?" tanong niya.
Napatango-tango ako.
BINABASA MO ANG
BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETED
Teen Fiction"Minahal kita dahil ikaw ay ikaw." BECAUSE I LOVE YOU by FRANCIS ALFARO ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT, 2020