CHAPTER 17

1.1K 59 2
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 17

Nasa loob kami ng classroom ni Cedric kasama ang iba pa naming kaklase. Pare-parehas kaming naghihintay sa pagdating ni prof na wala pa hanggang ngayon kaya naman kanya-kanyang kwentuhan muna at ang iba ay kung ano-ano rin ang ginagawa.

Si Cedric, ayun at nakaupo sa kanyang upuan na nasa kaliwa at katabi ko lamang saka may binabasang libro. Nagfe-feeling genius na naman habang ako, ito at nakaupo rin sa aking upuan, nagda-drawing ng doodle sa likod ng aking notebook.

Hindi ko mapigilang matawa sa itsura ng dino-drawing ko. Aminado naman ako na sa larangang ito ay hindi ako magaling. Wala kasi akong magawa kaya ito na lang ang pinag-aaksayahan ko ng oras habang naghihintay kay prof.

"Para kang baliw diyan."

Napatingin ako kay Cedric na nakatingin na pala sa akin. Napangiti ako. Tinaas ko ang notebook at ipinakita sa kanya ang drawing ko.

"Ikaw 'to." Sabi ko saka nakakalokong ngumiti ako.

Umasim ang mukha ni Cedric.

"Gago ka a! Alam kong hindi ako masyadong gwapo pero cute pa rin naman ako... Ang layo-layo ng itsura ko diyan." Inis niyang sabi.

Tinawanan ko siya.

"Alam mo naman na hindi ako marunong mag-drawing e." Sabi ko.

"E bakit mo pa ako dinrawing? Nang-aasar ka ba?" tanong pa nito.

Mas lalo akong natawa. Umiwas ako nang tingin sa kanya saka nagpatuloy sa pagda-drawing.

"Baliw ka talaga." Narinig ko pang sabi ni Cedric.

"Pwede bang palit tayo ng upuan?"

Napatigil ako sa pagda-drawing at napatingin kay Kenzo ng marinig ko ang boses niya. Oo, kilala ko ang boses niyang mas malamig pa sa yelo at malalim pa sa balon ang timbre.

Nakita ko si Kenzo na nakatayo sa harapan ng upuan na nasa kanan at katabi ko rin. Nakapamulsa at nakatingin sa kaklase naming si Tim na nakaupo doon at nakatingin din kay Kenzo.

"Ha?" tanong ni Tim. Nerdy-nerdy ang dating niya pero kung tatanggalin ang salamin niya, masasabi kong may itsura din siya.

"Doon ka na lang maupo sa upuan ko at ako diyan sa upuan mo." Sabi ni Kenzo. As usual, poker face ang expression ng mukha niya.

Nagkatitigan sila Kenzo at Tim. Palipat-lipat naman ang tingin ko sa dalawa. Ewan ko ba pero nagtataka ako sa ikinikilos ni Kenzo. Bakit kailangan niya pang makipagpalit ng upuan?

"O-Okay." Teka, takot ba si Tim sa kay Kenzo? Bakit nanginginig ang boses?

Umalis si Tim mula sa upuan niya, kinuha ang bagpack saka doon na naupo sa upuan ni Kenzo. Si Kenzo naman, napatingin sa akin sandali saka umiwas rin at naupo na sa katabi kong upuan.

Doon ko rin napansin na tumahimik ang paligid. Napatingin ako sa mga kaklase namin na sa pwesto na pala namin nakatingin. Nakita ko rin si Ericka na nakangiti, nag-aalangan tuloy akong napangiti rin bilang sukli sa ngiti niya.

Muli kong tiningnan si Kenzo. Cool na cool ang pagkakaupo at nakahalukipkip ang magkabilang braso saka nakadekwatro pa. Nakatingin ang mga mata nito sa harapan na parang walang nakikitang iba kundi ang malaking white board.

"Hoy!"

Napatingin ako kay Cedric na siyang tumawag sa akin. Pabulong lang pero sapat na para marinig ko.

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon