CHAPTER 14

1.2K 75 1
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 14

Nakatayo ako sa tapat ng nakabukas kong cabinet dito sa loob ng aking kwarto. Iniisa-isang tingnan ang mga damit na meron ako. Sa totoo lang, medyo nahihirapan akong mamili ngayon ng susuotin ko.

Napabuntong-hininga ako. Alam ko na hindi ako ganito. Hindi naman ako masyadong mapili sa damit na susuotin. Kung saan ako komportable, doon ako.

Pero kasi... si Kenzo ang kasama ko. Ang napakagwapong si Kenzo.

Muli kong tiningnan ang mga damit na meron ako. Hanggang sa tila nagising ako sa isang panaginip.

"Teka nga... Bakit ba ako nahihirapang maghanap ng damit na susuotin? Hindi naman date ang pupuntahan ko? Hindi naman kami magde-date ni Kenzo... Arghhhhh!" naiinis kong sabi sa sarili sabay pukpok sa ulo ko. "Project ang gagawin namin at hindi date! Bumalik ka nga sa sarili mo Miko." Sabi ko pa.

Napailing-iling pa ako saka kumuha na lang ng damit na susuotin ko. Kahit ano na lang dahil alam ko naman na lahat ng damit na meron ako ay bagay sa akin. Hindi dapat ma-impress sa suot ko si Kenzo. Hindi!

Polo shirt na kulay navy blue at skinny na black pants ang napili ko. Puting sneakers naman ang kinuha ko bilang panapin sa paa. Ayan! Pwede na 'yan!"

Napabuntong-hininga ako bago nagpasyang maligo.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sa paglabas ko ng elevator ng mall ay tila parang naging slow motion ang galaw ng lahat. Sa aking paningin, naging blurred ang paligid at tanging si Kenzo lamang na nakasandal sa poste habang nakatingin sa hawak nitong cellphone ang nakikita ng aking mga mata.

Huminto ako sa paglalakad. Medyo malapit na ako sa kanya. Grabe, napakagwapo talaga niya. Puting longsleeve na polo ang kanyang suot na nakataas hanggang siko ang sleeves at naka-tuck in ito sa pantalon niyang hapit na kulay itim at yakap na yakap sa mahaba nitong legs. Itim din ang sneakers na suot nito. Para sa akin, simple lang ang get up niya pero hindi maitatanggi na nag-uumapaw talaga ang kanyang karisma.

Oo, discreet ako pero kung lagi kong nakikita si Kenzo... tiyak na lalabas din ang tunay na kulay ko.

Hanggang sa mukhang nakaramdam siya na may nakatingin sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon sa kinaroroonan ko. Kahit na seryoso ang itsura ng mukha niya... hindi ko pa rin maiwasang...

Nagkatitigan kami sa mga mata. Ang mga mata niyang mapupungay at kumikinang ay ako lamang ang nakikita.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya.

Naputol ang pagde-daydream ko. Umiwas ako nang tingin saka tumingin kung saan-saan.

"Oo." Sabi ko. Bumalik din ang tingin ko sa kanya.

"Nakabili ng ticket pero ilang minuto pa ang hihintayin natin bago magsimula ang pelikula." Sabi ni Kenzo.

Napatango ako.

"Tara." Sabi ni Kenzo saka tinalikuran ako at nagpunta sa food counter.

Sumunod na lang ako sa kanya.

"Dalawang lemonade saka isang bowl ng popcorn." Sabi ni Kenzo sa nakatokang tao sa counter.

"Ok Sir." Saka inihanda na ang order ni Kenzo.

Nakita kong naglalabas na ng pera si Kenzo kaya naman nilabas ko rin ang wallet ko.

"Magkano iyong ticket saka 'yung pagkain?" tanong ko.

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon