CHAPTER 25

1K 60 2
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 25

"Doon na lang tayo magkita sa football field a." Sabi ko kay Cedric. Natapos na naman ang isa pang klase ngayong araw at medyo mahaba-haba pa ang oras bago sumapit ang susunod.

Napatango-tango naman si Cedric.

"Susunod kaagad ako doon." Sabi niya. Pupunta muna kasi siya sa library para humiram ng bagong librong babasahin niya.

"Ok..." sabi ko. Tinaas ko ang hawak kong libro na pagmamay-ari niya. "Sa akin na muna 'to a... Kapana-panabik na kasi ang mga eksena kaya kailangan matapos ko ng basahin para hindi ako mabitin." Sabi ko.

Napangiti si Cedric.

"Sige na pumunta ka na doon." Sabi nito.

Napatango-tango ako.

'Yun na nga, naghiwalay na kami. Siya ay naglakad na patungo sa library habang ako naman ay bumaba at lumabas ng building para pumunta sa football field.

Mabuti na lang at lagi kong nate-tyempuhang walang tao sa football field. Kaagad akong pumwesto sa gilid at nag-indian sit. Nilapag sa tabi ko ang bagpack.

Mapapasarap ang pagbabasa ko nito dahil bukod sa mahangin sa lugar na ito ay napakatahimik pa.

Napatingin ako sa librong hawak ko. Napangiti ako saka binuksan ito at hinanap ang pahina kung saan ako huminto.

Hanggang sa makita ko na ang hinahanap ko. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa ng hiniram kong libro na ito ni Cedric.

Isa itong tipikal na kwento ng isang mayaman at mahirap na babae at lalaki. Oo cliche nga kung iisipin pero nadala kasi ako sa kwento lalo na sa paghihirap ng dalawa bago nila nakuha ang approval ng mga taong nakapaligid sa kanila para sila'y mapunta na sa isang relasyon. Nasa parte na ako na kung saan ay puro kilig na ang mga eksena at dayalogong nababasa ko kaya naman hindi ko mapigilan ang mapangiti at mailabas ang kilig na nararamdaman. Habang nagbabasa ako, para rin akong nanunuod ng isang romantikong palabas sa tv. Navi-visualize ko sa isipan ko ang mga eksenang nababasa ko sa libro.

Nadadala na ako sa binabasa ko. Wala na akong nagiging pakiealam pa sa paligid. Sa totoo lang, kung may makakakita sa akin ngayon ay iisipin nilang isa akong kiti-kiti dahil parang ganun na nga ako kung kiligin ngayon. Kahit naman siguro lalaki ako e hindi ko pa rin maiiwasan na kiligin lalo na sa mga ganitong klaseng babasahin na puno ng pag-ibig ang aking nababasa.

"Grabe... ang sweet niya." Sabi ko sa sarili. Sobrang sweet at romantiko kasi ng lalaki sa kwento. Lahat ginagawa niya para sa babaeng pinakamamahal niya. Kung iisipin ko nga, parang walang ganitong lalaki sa reyalidad.

Ewan ko pero napatigil ako bigla sa pagbabasa dahil may naramdaman akong kakaiba. Tumingala ako nang tingin at nanlaki ang mga mata ko halos bumaligtad ako sa kinauupuan ko dahil nakita ko si Kenzo na nasa tabi ko na pala at naka-indian sit rin habang nakatingin sa akin ng may pagtataka sa mukha. Mabuti na lang at nabalanse ko pa ang sarili ko para hindi tuluyang mapahiga.

Nakakagulat naman kasing nasa tabi ko na siya ng hindi ko man lang namamalayan. Kunsabagay sabi ko nga, nadala na ako sa binabasa ko at wala ng nagiging pakiealam pa sa paligid.

"Nakakagulat ka." Sabi ko.

"Ano 'yang binabasa mo?" tanong niya. Nakatingin siya sa hawak ko.

Napatingin naman ako sa librong hawak ko. Muli ko ring binalik ang tingin kay Kenzo.

"A... Hiniram ko ito kay Cedric..."

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon