CHAPTER 41

855 63 1
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 41

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW...

"Ano bang sasabihin mo?" tanong ni Kenzo kay Ericka. Diretso ang tingin at seryoso ang mukha.

Sa rooftop ng eskwelahan dinala ni Ericka si Kenzo pagkatapos niya itong salubungin kanina at sabihing gusto niya itong makausap.

Napangisi naman si Ericka. Humalukipkip ang magkabilang braso.

"Nakalimutan mo na ba 'yung huling usapan natin?" tanong ni Ericka.

Napangisi si Kenzo.

"May dapat ba akong tandaan sa mga sinabi mo?" tanong nito.

Natawa si Ericka.

"Ang sungit mo talaga sa akin... kaya mas lalo akong naiimpress sayo e." Sabi nito.

"Walang tatalo sayo pagdating sa larangan na 'yan." Sabi ni Kenzo.

"Talaga ba... e bakit hindi tumatalab sayo?" tanong ni Ericka.

Napailing-iling na lamang si Kenzo sa kahibangan ng babaeng kaharap.

"Anyway... gusto ko lang ipaalala sayo 'yung naging usapan natin nung huli... ano? Papayag ka bang maging akin o hindi?" tanong ni Ericka.

"Nasagot ko na 'yan nung nakaraan... hindi ka yata madaling umintindi." Sabi ni Kenzo. "Sa tingin mo ba kakagat ako sa mga sinasabi mo?" tanong pa nito.

Napangisi si Ericka.

"So ok lang sayo na kumalat sa buong eskwelahan ang mukha ni Miko at malaman rin nilang lahat na siya ang taong nagugustuhan mo at ikaw ang taong nagugustuhan niya?" tanong nito.

"Edi ikalat mo." Sabi ni Kenzo.

"So wala kang pakiealam sa damdamin ni Miko ganun ba? Iniisip mo lang ang sarili mo at hindi ang mararamdaman niya sa oras na pag-usapan na siya ng lahat tungkol sa pangit niyang mukha noon at sa pagkakagusto niya sa taong hindi naman karapat-dapat na magustuhan niya dahil isa siyang pangit." Sabi ni Ericka.

Nagtagis ang bagang ni Kenzo. Kumuyom ang magkabilang kamao nito. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nitong nakatingin kay Ericka.

"Hindi ka ba talaga titigil..."

"Alam mo kung ano ang magpapatigil sa akin..."

"KENZO!"

Kaagad na napatingin sila Kenzo at Ericka sa pinanggalingan ng sigaw. Nagulat sila dahil mula sa pintuan ng rooftop ay nandoon si Miko at nakatayo habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Ericka.

Sa halip na sagutin ni Miko si Ericka ay tiningnan nito si Kenzo.

"Tara na Kenzo." Sabi nito.

Napatango-tango si Kenzo.

"Bastos ka rin e no... Nakita mong nag-uusap pa kami." May himig ng galit na sabi ni Ericka.

"Ikaw ang bastos." Sabi ni Kenzo.

Napatingin si Ericka kay Kenzo. Napangisi ito.

"Ipagpatuloy natin ang pag-uusap..."

"Tara na Kenzo." Pagtawag muli ni Miko na pumutol sa sasabihin ni Ericka. Masama siya nitong tiningnan.

Nilabanan naman ni Miko ang tingin ni Ericka.

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon