#BecauseILoveYou
CHAPTER 18
Nasa cafeteria kami ngayon ni Cedric. Magkatabi kaming nakaupo sa mga upuan na nakapwesto sa kanang side ng mesa at nilalantakan ang mga chips na binili namin kanina.
Sa kaliwa namang side, doon nakapwesto si Kenzo, Ericka at Jaime na sumabay sa amin dito. Himala nga at hindi pinili ni Kenzo na mag-isa ngayon pero as usual, bukod sa poker face ang itsura ng mukha niya ay ang tahimik rin niya.
"Grabe... Excited na ako para sa cooking class natin simula bukas." Sabi ni Cedric na ikinangiti naman ni Ericka.
"Oo nga e." Sabi ni Ericka. Sumang-ayon sa sinabi ni Cedric.
"Hay! Sa wakas at makakapagluto na rin tayo sa kusina. Magagamit na natin ang mga itunuro nila sa atin." Sabi ni Cedric.
"Para ka namang hindi pa nakapagluto sa kusina." Sabi ko. Natawa naman si Ericka sa sinabi ko.
"Iba rin kasi kapag sa totoong kusina ka nagluto." Sabi ni Cedric.
"Bakit? Hindi ba totoong kusina ang nasa bahay ninyo?" tanong ko.
Sinamaan ako nang tingin ni Cedric.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin... What I mean is... makakapagluto na tayo sa isang high end kitchen. Nakita mo naman di ba nung naglibot tayo dito nun na ang ganda ng kitchen nila dito... Bukod sa kumpleto na sa gamit, high end pa ang mga appliances. Masarap kayang magluto kapag ganun." Sabi nito.
Kunsabagay may point siya.
"Naku! Baka naman makasunog ka kasi hindi ka marunong gumamit ng mga kagamitang high end." Pang-aasar ko kay Cedric.
"Parang sinabi mo ng ang tanga ko." Sabi ni Cedric. Halata ang inis. "I'm sure naman na tuturuan tayo no." Sabi pa nito.
Napatango-tango ako.
"Pero hindi ba kayo kinakabahan? Iba daw kasi ang magtuturo sa atin pagdating sa cooking class." Sabi ni Ericka na ikinatingin namin sa kanya.
"Oo nga... Balita ko teacher assistant siya ni Prof." Sabi naman ni Jaime.
"Baka mamaya masungit iyon." Sabi ni Ericka.
"Edi magsungit siya... lagot siya sa akin." Sabi ni Cedric.
Natawa naman ako. Napatingin ako kay Kenzo na ang tahimik lang talaga habang kinakain ang hawak nitong tsitsirya.
"Ikaw Kenzo... Marunong ka ba talagang magluto kaya mo kinuha ang kursong ito? Sa itsura mo kasi... mukhang hindi." Sabi ni Cedric kaya siniko ko siya. Napatingin tuloy sa akin si Cedric.
"Ano ba?" masungit nitong tanong.
"Yung mga tanungan mo." Sabi ko.
"Nagtatanong lang naman a." Sabi ni Cedric.
Tiningnan ko si Kenzo. Nakatingin siya sa amin ni Cedric.
Muli namang tiningnan ni Cedric si Kenzo.
"So Kenzo... may talent ka nga ba sa pagluluto kaya ka nag HRM o trip mo lang?" tanong ni Cedric.
"Ito kasi ang ayaw ni Papa." Maikling sagot ni Kenzo na ikinagulat naming lahat.
"Ha? Ayaw ng Papa mo?" tanong ni Cedric.
Sa halip na sumagot, umiwas na lamang nang tingin si Kenzo saka muling kumain.
BINABASA MO ANG
BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETED
Teen Fiction"Minahal kita dahil ikaw ay ikaw." BECAUSE I LOVE YOU by FRANCIS ALFARO ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT, 2020