#BecauseILoveYou
CHAPTER 30
"Hay! Napagod ako sa pagluluto natin kanina." Sabi sa akin ni Cedric. Breaktime na at kakatapos lamang namin kumain kaya ito at tambay ulit ng football field. Parehas kaming naka-indian dito sa gilid.
"Oo nga e... Pero mabuti na lang at masarap ang kinalabasan ng luto natin kaya nakakuha tayo ng mataas na marka." Sabi ko.
"Siyempre... ang grupo kaya natin ang pinakamagaling." Pagmamayabang na sabi ni Cedric.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Bakit ka natatawa? Totoo naman ang sinabi ko a." Sabi ni Cedric.
Napailing-iling na lamang ako.
"Oo nga pala Miko... pwede ba akong makiusap sayo?" tanong ni Cedric.
"Ano naman 'yun?" tanong ko.
Napangiti nang tipid si Cedric. Napabuntong-hininga rin ito.
"Ilang araw na rin akong hindi pumapasok sa part time job ko ng hindi man lang nagpaalam... gustuhin ko mang personal na kausapin si Peter para sa pag-alis ko pero sa totoo lang, hindi ko pa kayang harapin siya kaya naman sana ikaw na lang ang pumunta dun sa restobar niya at kausapin siya sa tuluyan kong pag-alis. Baka mamaya kasi naghihintay pa siyang pumasok ako." Sabi nito.
Nakatingin lamang ako kay Cedric. Alam ko na mahirap sa kanya ang pinagdaraanan niya ngayon lalo na ang ginagawa niyang paglayo pero sa tingin ko 'yun ang mas makakabuti para sa kanya.
Napangiti ako nang tipid saka tumango-tango.
"Huwag kang mag-alala... Ako ng bahala." Sabi ko.
Napangiti si Cedric.
"Salamat... maasahan talaga kita." Sabi nito.
"Oy! May kapalit ang pakiusap mo." Sabi ko.
"Ano namang gusto mo?" tanong niya.
Napangiti ako.
"Libre mo akong miryenda mamaya." Sabi ko.
"Yun lang ba... edi sige." Sabi ni Cedric.
Natawa na lamang ako. Kailangan na maging masaya ako para maging masaya rin si Cedric.
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW...
Nasa bar counter si Peter at pinapanuod mula sa cellphone na nakakonekta sa CCTV ng bar niya ang footage kung saan kitang-kita niya doon ang pangungupit ng kanyang waitress slash kahera sa benta na nasa kaha. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkabadtrip lalo na at bigla ring hindi na pumasok at nagpakita ang babaeng iyon sa kanya.
Nakaupo naman sa mataas na upuang nasa harapan ng counter si Kenzo at umiinom ng alak habang nakatingin sa kaibigang madilim ang pagmumukha.
"Naisumbong mo na ba 'yan sa mga pulis?" tanong ni Kenzo. Alam na niya ang problema ng kanyang kaibigan dahil nasabi na nito sa kanya.
Napatingin si Peter sa kaibigang si Kenzo. Napatango-tango ito.
"Oo Bro... Hindi talaga ako makapaniwalang magagawa niya iyon. Wala kasi sa itsura niyang isa pala siyang mangungupit." Sabi ni Peter.
Napangisi si Kenzo. Muling uminom ng alak.
"Pero may isa pa akong inaalala..." sabi ni Peter. Nakikinig naman sa kanya si Kenzo. "Yung waiter ko na si Cedric... hindi ko maiwasang ma-guilty kasi hindi ko siya pinaniwalaan sa nakita niya... kung ano-ano pang sinabi kong hindi maganda sa kanya... Hays!" sabi pa nito na naiinis sa sarili.
BINABASA MO ANG
BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETED
Teen Fiction"Minahal kita dahil ikaw ay ikaw." BECAUSE I LOVE YOU by FRANCIS ALFARO ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT, 2020