#BecauseILoveYou
FINALE
"YAHOOO!!! TAPOS NA ANG FINALS!"
Natawa ako sa pagsigaw ni Cedric habang palabas kami ng building ng department namin. Parang nanalo lang kasi sa lotto e.
Inakbayan ako bigla ni Cedric.
"Sa wakas at wala na tayong masyadong aalalahanin... next year na ulit." Tuwang-tuwa na sabi niya.
"Oo nga e... halata 'yung saya mo na para kang nanalo sa lotto." Sabi ko.
"Parang siya hindi." Sabi niya.
"Huwag kang masyadong magsaya... dapat makapasa tayo para lubusan ang saya." Sabi ko.
"Oo na..." sabi ni Cedric. "Saan tayo pupunta? Dapat mag-celebrate tayo." Sabi niya.
"Ikaw ang bahala..."
"Uy! Punta tayo sa quadrangle. May concert daw na magaganap."
"Ay talaga? Sige-sige."
Napatigil kami sa pag-uusap at paglalakad ni Cedric. Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at nagkatinginan kami. 'Yung mga tumatakbo kasing babae, narinig namin ang mga pinag-uusapan.
"Anong meron?" tanong ni Cedric.
Napakibit-balikat ako.
"May concert daw... tingnan mo halos lahat ng estudyante papunta sa quadrangle." Sabi ko.
"Sino naman kaya ang magco-concert?" tanong ni Cedric sa akin.
"Aba malay ko." Sabi ko.
Napangiti si Cedric.
"Tara puntahan natin." Sabi nito.
"Akala ko lalabas tayo?" tanong ko.
"Mamaya na... makakapaghintay pa naman iyon." Sabi ni Cedric.
Napatango-tango na lamang ako.
"Tara na." Sabi ni Cedric saka hinila na ako papunta sa quadrangle.
Nang makarating kami sa quadrangle ay halos mapuno na ito dahil sa dami ng mga estudyante na pinapalibutan ang buong paligid. Sa gitna ay makikita ang malaking entablado at sa likod nun ay ang malaking LED screen.
"Magtatapos na lang ang school year pero may paandar pa ang eskwelahan natin." Sabi ni Cedric.
Napatango-tango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Cedric.
Pamaya-maya ay umilaw na ang mga lamp post sa paligid kahit na ang liwanag pa dahil maaliwalas ang panahon. Nagsigawan ang mga estudyante at nagpapalakpakan pa.
"Mukhang magsisimula na yata." Sabi ni Cedric.
"Baka nga." Sabi ko.
Ilang sandali nga lang ay tama nga ang sinabi ni Cedric. May pumuntang tao sa entablado at nilagay ang stand na may mic saka nagmamadali ring umalis.
Pero nanlaki ang mga mata ko dahil ang sumunod na lumabas mula sa entablado ay ang hindi ko inaasahang makita sa ibabaw nun. Anong ginagawa niya diyan?
Naglakad siya papunta sa harapan, malapit sa mic. Sigawan lalo ang mga estudyante lalo na ang mga babae at binabae.
Tiningnan niya lahat ng mga taong nasa paligid. Ngumiti siya sa mga ito na halos ikabaliw ng lahat.
BINABASA MO ANG
BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETED
Teen Fiction"Minahal kita dahil ikaw ay ikaw." BECAUSE I LOVE YOU by FRANCIS ALFARO ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT, 2020