CHAPTER 42

883 69 1
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 42

"Mauuna na akong umalis sayo... may dadaanan pa kasi ako bago pumasok sa school ok kaya huwag mo na akong intayin pa sa harapan ng bahay ninyo."

Napanguso ako sa nabasa kong text mula kay Cedric. Napaisip rin ako kung saan naman siya pupunta ng ganito kaaga.

Napabuntong-hininga na lamang ako saka itinago ko sa bulsa ng suot kong pants ang aking cellphone. Muling tumingin sa salamin na nasa harapan ko at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa nakikita kong itsura ko sa salamin. Napakalaki na talaga ng ipinagbago nito simula ng magpa-plastic surgery ako. Ilang buwan na ba ang lumipas? A... mga tatlong buwan na rin pala.

Isa pa sa dahilan kung bakit ang saya-saya ko ngayon ay ang isipin kong kami na ni Kenzo. Talaga bang kami na? Baka naman nananaginip pa ako... Kinurot ko nga ang sarili ko pero mas lalo lamang akong napangiti dahil narealize kong totoo talaga ang mga nangyari kagabi. Sinong mag-aakala na ang isang gaya niya ay magiging bahagi hindi lamang ng buhay ko kundi pati na rin ng puso ko?

Oo na... para na nga akong kiti-kiting kinikilig sa tuwing iisipin ko siya. Ewan ko ba pero kahit na ganun si Kenzo, kahit na isa siyang dakilang seryoso at hindi palangiting tao ay nagagawa niya pa ring patalunin ang puso ko at kilitiin din ito.

Napabuntong-hininga ako. Tinapos ko na ang pag-aayos ko sa harapan ng salamin saka umalis na sa harap nito. Kinuha ko ang aking bagpack saka lumabas na ng kwarto ko.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Kumain ka ng marami hindi 'yung pandesal lang ang kinakain mo." Sabi sa akin ni Mama na kasabay ko ngayon sa almusal. Isang oras pa kasi bago ang pasok niya sa trabaho at malapit lang naman dito sa bahay ang workplace niya kaya naman hindi siya masyadong nagmamadali.

"Alam niyo naman Ma na hindi ako kumakain ng almusal... pinipilit ko na nga lang para kahit papaano malamanan itong tiyan ko." Sabi ko.

" 'Yan nga ang mali sayo e... breakfast is the most important meal of the day dahil sa binibigyan ka nito ng mas maraming energy na magagamit mo sa buong maghapon kaya dapat kumakain ka ng marami." Sabi ni Mama.

Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Mama. Inubos ang natitira ko pang pandesal saka uminom ng tubig.

"Alam mo anak... napapansin ko lang na ang aliwalas ng mukha mo ngayon. May nangyari bang maganda sayo?" tanong sa akin ni Mama.

Nilapag ko sa mesa ang baso ng tubig saka tumayo na ako mula sa inuupuan ko.

"Pasok na ako Ma." Sabi ko. Kailangang umiwas sa tanungan at baka mas lalo pa siyang makahalata.

Nilapitan ko si Mama at hinalikan siya sa tuktok ng ulo. Nakita ko siyang napangiti na lamang.

"Mag-ingat ka anak." Sabi na lamang nito.

Napangiti ako saka tumango.

Naglakad na ako patungo sa pintuan ng bahay. Napabuntong-hininga ako.

"Malalaman mo rin Ma kung bakit." Sabi ko saka napangiti.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Kenzo na nakatayo sa bandang gilid ng bukana ng compound namin. Nakapamulsa ang mga kamay habang diretso ang tingin sa kung saan. Hindi ko naman kasi inaakala na maghihintay siya diyan... hinihintay nga ba niya ako? Kung ganun... e bakit siya nakatayo diyan?

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon