Chapter 1 - First Day

1K 16 6
                                    

"Hi I'm Janella Salvador. You can call me Jea for short," nahihiya kong sinabi in front of the class sa unang araw ng klase as a 4th year high school student, saka bumalik agad sa upuan ko at umupo.

"Bago ka lang?" may biglang kumalabit sakin na babae. Tinanguan ko siya.

She flashed me her smile, "I'm Jane Oineza, President of my sections for 3 consecutive years, hoping for this year, too."

Ngumiti ako sa kanya. Maya-maya may lalaking biglang pumasok sa classroom, ang bastos ng way niya, magulo ang buhok kahit decent naman ang pagkakasuot niya ng uniform, para siyang tambay sa kanto. Don't take me wrong, gwapo siya, chinito, pero parang bagong gising kahit ang bango niya pagkadaan sa gilid ko, para siyang naghahanap ng away, parang galit sa mundo at walang pakialam, yung papasok lang siya kung kailan niya gusto.

"Excuse me, Mister.." tanong ng adviser namin.

"Ponce, Ma'am!" sigaw ng ibang mga kaklase ko na kakilala siya.

Umupo si 'Mr. Ponce' sa bakanteng upuan sa likod ni Jane. Ni hindi siya nag-abalang tumingin sa teacher o kahit sa aming mga kaklase niyang nagbuhos ng buong atensyon sa kanya.

"Mr. Ponce, kung unang araw pa lang ng klase ganyan ka na at kung ipagpapatuloy mo pa 'yan, I'm telling you, hindi ka papasa sakin."

I can't believe it, sumandal lang siya sa upuan niya at dumekwatro habang pinaglalaruan sa isang kamay ang ballpen. Nakatingin lang siya sa upuan sa harap niya. Tulala.

"Mr. Ponce, are you listening?!" galit na utas ni Ma'am.

"Ma'am, pagpasensyahan niyo na, maraming problema 'yan," pagsabat nung isa ko pang kaklase, 'yung Jon ata?

"Then he can go to the guidance! Hindi 'yung kami pang mga teacher ang bibigyan ng dagdag na problema dahil lang sa meron din siya, aba, hindi lang siya ang nagkakaroon niyan," pagpaparinig sa kanya nung masungit niyang adviser.

"Sorry po ulit ma'am, kakausapin na lang namin."

Tumango na lang 'yung teacher saka nagdiscuss ng kung ano-anong rules. Kahit minsan napapansin ko siyang nakatingin ng masama kay Mr. Ponce.

"Jane," tinapik ko 'yung balikat niya, "Ganyan ba talaga 'yang nasa likod mo?"

Napaisip siya saglit saka tumango nang narealize ang sinasabi ko, "Ah, oo. Wag mo na lang pansinin."

Nagkibit-balikat ako. Grabe, baka mamaya nagdadrugs to ah?

Nang breaktime na, inaya ako ni Jane sa canteen.

"Janella, si Michelle nga pala," pagpapakilala ni Jane samin, "Mich, si Janella, narinig mo naman kanina nung nagpakilala siya diba? New student."

Ngumiti ng malaki si Michelle sakin, "Oo, narinig ko nga. Jea, okay lang ba?" tinanguan ko siya.

"Bakit ka nga pala lumipat dito?" tanong ni Jane.

"Ah, wala, nagsawa na rin kasi sa dati kong school."

"Ah, okay."

"Ay Mich, samahan mo muna si Janella sa canteen, C.R. lang ako."

Nanliit ang mga mata ko, "Hintayin ka na namin."

Kumapit si Michelle sa braso ko, "Let's go, Jea! Gutom na ako."

"Ahh o-okay."

Pag-akyat namin, grabe, ang haba ng pila sa canteen.

"Jon!" sigaw ni Michelle sa lalaking nagsorry kanina kay Ma'am para doon sa lalaking tulala na ngayon ay nasa unahan na ng pila, "Pasabay!"

Lumingon siya sa amin at lumapit matapos makuha ang binili niya, "Oopps! Nakaalis na ako sa pila," bumelat siya kay Michelle na ikinatawa ko. Asar na asar naman si Michelle kaya pinagsasapak niya.

"Aray! Nagiging violent ka nanaman," humalakhak siya tapos napatingin sakin, "Nako, diyan ka babarkada? Eh baliw 'yan, baka mahawa ka."

Ngumiti ako, "Ayos lang, sanay akong puro baliw ang kasama ko."

Naalala ko sina Julia at Liza na bestfriends ko sa dati kong school. I miss them so bad. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila.

Nginitian ako ni Jon, "Bibili ka ba? Gusto mo pasabay ko na lang kay Julian? Malapit na siya sa unahan."

Nakakahiya man pero tumango na ako, nagugutom na kasi ako. Nag-init nanaman ang ulo ni Michelle at tinalakan si 'Jon', "Bakit siya lang tinatanong mo? Wow ha! Sumosobra ka na, discrimination na to!"

Inirapan siya ni Jon, "Wala akong pake. Kung hindi mo ako binasted agad noon, baka pinagsisilbihan pa kita ngayon lalo na kung sinagot mo ako," matabang na sabi niya.

Oohhh, I smell something fishy. Mukhang may something dito, ah!

Ngumisi si Michelle, "Kung hindi kita binasted agad noon at sinagot kita, baka break na tayo ngayon at may babae ka na agad na iba, edi nawala pa friendship natin, bopols ka talaga!"

"Dami mong alam! Eh ikaw na nga yung seseryosohin ko eh, kita mo wala na akong babae ngayon? Tss."

"Liar! Kabebreak niyo lang ni Ingrid last week!"

"Kaya nga, edi wala nga akong babae ngayon," ngumisi naman si Jon, "Tanga."

"Mas tanga ka!"

Hello, nandito pa po ako! Nakalimutan niyo na ata at nagreminisce pa kayo diyan.

"Whatever! Ano na pong ipapabili niyo?" iritadong tanong ni Jon kay Michelle bago ako tiningnan at nginitian.

"Carbonarra na lang akin tapos C2," nginitian ko rin siya at inabot ang bayad ko.

Kumislap ang mata ni Michelle, "Nachos and Pepsi! Ikaw na muna mag-abono, bayaran kita mamaya. Doon lang kami sa mga lamesa doon!" sabi ni Michelle. Hindi nakaangal si Jon kasi hinila na agad ako ni Michelle papunta sa lamesa.

"Uh-oh, ang tagal ni Jane, puntahan ko na kasi nacCR din ako. Babalikan kita agad!" tumalikod siya.

"Teka! Sama na ako!"

Humarap siya sakin, "Wag na! Baka hanapin tayo nila Jon. Saglit lang ako, promise."

Tumango na lang ako. Ano ba ito, hindi ko sila maintindihan, puro ayaw magpasama.

Maya-maya may narinig akong suminghap sa likod ko, paglingon ko, nakita ko si Ponce na nakaupo mag-isa sa lamesa sa likod ko, mukhang kadarating lang niya. Napaawang ang labi ko nang mapansin na parang may kumislap sa mata niya, luha pala iyon na namuo kaya pinunasan niya agad bago napatingin sakin at nanlaki ang mata niya.

"Anong tinitingin-tingin mo?!"

Addicted To Her  [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon