CHAPTER 1

40 3 0
                                    

Arkisha's POV

tok!tok!tok! kishaaaaaa! hindi mo ba bubuksan ang pintuannnnnnnnn mo! sigaw ni daddy na nasa labas ng kuwarto ko.

bumangon ako mula sa kinahihigaan ko at tinali ang magulo at sabukot na buhok ko saka sinuot ang tsinelas at akmang bubuksan ang pintuan ng bigla kong nahagip ang salamin ko sa gilid ng aking kama "Oh porket bakasyon puyat ka nanaman no? kala mo kinaganda mo yan pshh " sambit ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.

tok!tok!tok! "sino ba kausap mo jan kisha? malamig na yung almusal mo ayaw mo pang lumabas jan" hay nako si daddy nga pala nasa labas aish
nakalimutan ko, imbis na magsalita ay naglakad na ako palapit sa pintuan upang buksan ito at tumambad saakin ang naka simangot na mukha ni daddy.

"oh ano? puyat ka nanaman?nako ikaw talagang bata ka!" niyakap ko nalang sya at sinabing "sorry na daddy hehe kain na tayo diba malamig na yung almusal dali tara na don" hinila ko na siya upang hindi na siya magratatatatatttt nanaman ng ganitong oras HAHAHHAAHA sa kanilang dalawa kase ni mommy siya ang mas madaming sinasabi eh.

Naabutan kong nagsusuklay si mommy ng buhok na halatang kakaligo palamang niya. "oh nak pinagbunganga mo nanaman yang si daddy mo." lumapit ako sa kanya at inabutan siya ng pandesal. " HAHAHAHAHA nako inaaway ako niyang si Daddy eh."pag kukunwari kong inaaway nga talaga ako at nag pout ako upang maniwala sila ngunit binatukan lang ako ni Daddy at saka siya nagsalita "puro ka kalokohang bata ka maligo ka na diyan" yumuko ako at umaktong nasaktan ako kaya naman nag alala si Mommy "ikaw talaga bat naman binatukan mo anak mo?" lumapit silang dalawa saakin at nakita kong para bang alalalang alalala sila.

Hindi ko na napigilan na matawa kaya naman tumingala na ako at nagsalita. " It's a prank HAHAHAHAHAHA di naman masakit e kahit ulitin mo pa Daddy." saad ko na humanda na agad tumakbo dahil uulitin nga ni daddy. " hindi ka pa tapos dito sa kinakain mo!" sigaw niya ng nakakaripas na ako ng takbo.

Pumasok ako sa kuwarto at napagpasyahang humiga at tumitig sa kisame. "Hay nako ano kaya gagawin ko ngayon aishhh bakasyon bakasyon bakasyon akala ko magiging masaya ako sayo hindi pala." bumangon ako at kinuha ang laptop na nasa small table ko, binuksan ko ito at gaya ng dati ay inopen ko ang Facebook account ko nagtaka ako dahil may Friend Request akong natanggap at nag-aaral din siya sa school na pinapasukan ko, nacurious ako kaya instalk ko siya "Ros Lexxer Eilinger." hmmm cool name ah pagkakausap ko sa aking sarili, iiscroll ko na sana ang mouse ng biglang may tumawag.

Bago ko ito sagutin nilogout ko muna ang fb acc ko at shinutdown ang laptop, napag alaman kong si Nicole Vervia pala ito ang bestfriend ko na napagsasabihan ko lahat ng problema at kalokohan sa buhay. Sinagot ko ito at naglakad papunta sa harap ng cabinet ko. " hoy babaeng walang mata bat ang tagal mong sagutin ha? tumatae ka ba? naliligo? nagsusuklay?" pagtatanong nya mula sa kabilang linya.

ISLY.Where stories live. Discover now