Nakatulala ngayon si Kisha at iniintay si nics na magbihis dahil pupunta sila sa mall at bibili ng damit, sinusulit na nila ang pag-alis dahil nalalapit nanaman ang kanilang pasukan. Natapos na magbihis si nics kaya naman lumabas na sila at natagpuang kanina pa pala nag-aantay ang sasakyan nila nics at ang driver nila.
"ma'am nicole, saan po tayo?" pagtatanong ng driver namin.
" sa mall po." tumango ang driver nila at saka pinaandar ang sasakyan.
°°°
Nang makarating sila ay dumiretso agad sila sa bilihan ng damit ni kisha. Nagsukat sila ng nagsukat ng damit, habang nasa dressing room si nics ay nakita naman ni kisha si Matt kaya naman dali dali nito itong nilapitan at tinawag kahit na hindi sila gaanong close." Matt right?" tinignan siya ni Matt na may pagtataka sa mukha.
"yep, why?"
" si nics nasa loob hehe."
"talaga? anjan siya?"
" oo dali ron tayo sa couch." sumunod naman si Matt dahil gusto niya ulit makita si nics.
Pagkatapos ng ilang minutong pag-iintay ay nagbukas na ang pintuan kung nasaan nandoon si nics kaya naman inintay ni Matt at kisha na lumabas ito. Nakatalikod si nics habang nakasuot ng dress na sky blue, tinatanong niya si kisha kung okay lang ba ang suot niya pero si Matt ang sumagot kaya nagulat siya at napaharap.
"a—anong ginagawa mo rito?" pagtatanong ni nics na para bang gulat na gulat.
"HAHAHA don't worry napadaan lang ako."
"napadaan? pano mo nalaman na nandito ako?" tinignan niya si kisha na parang nagtatanong kung bakit nandoon si Matt pero nag peace sign lang sa kaniya si kisha kaya naman inirapan niya ito.
" nics bagay na bagay tayo, este yung dress sayo." pagsasalita ni Matt kaya naman tuwang tuwa si kisha dahil nakita niyang naiinis na si nics.
Pumasok si nics sa dressing room at iniwan ang dress na bibilhin niya sana, nagmamadali siya lumabas at hindi na inintay pa si Matt at kisha kaya naman sumunod ang dalawa.
" uyy nics, kala ko ba kakain tayo?"
" huwag na uuwi na tayo nasisira ang araw ko!" bigla naman nagsalita si Matt kaya hindi nakapag salita si nics.
"treat ko tara?" imbis na si nics ang sumagot ay si kisha nalang.
" sige! tara na nics daliii." wala nang nagawa si nics kaya naman hinawakan na ni kisha ang braso niya at naglakad na sila.
Habang umoorder si Matt ng kakainin nila ay hindi maiwasan ni nics na magsalita ng magsalita kay kisha.
"hoy! bakit ba kase sinabi mo pa sa kaniya na kasama mo ako?''
"nics, hindi ko sinabi sadyang naamoy ka lang niya kaya nalaman na andon ka." saka ito tumawa ng tumawa.
"naamoy? seriously? ano yon hayop."
"HAHAHAHAHAHAHA joke lang naman kase manahimik ka anjan na siya papalapit na. bigla naman inayos ni nics ang buhok niya kaya muli itong pinagtawanan ni kisha.
Kumakain sila ng tahimik at wala manlang nagsasalita kaya naman si kisha na ang bumasag sa katahimikan.
"Matt may girlfriend ka na?"
"Haha, wala ah isang babae lang naman ang gusto ko." napatingin naman agad ito kay nics kaya inirapan ito ni nics.
"ah sino? puwede ko bang malaman? pang aasar ni kisha.
"yung babaeng nasa harap ko ngayon." hindi na mapigilan ni nics na mainis kaya umusad siya sa isang upuan.
" ayan,iba na gusto mo kase wala ng babae ang nasa harap mo." pagsasalita ni nics kaya parang napahiya si Matt, pero umusad si Matt sa isang upuan kaya magkaharap na ulit sila ni nics.
"ayan, kaharap ko na ulit siya." hindi na napigilan ni nics ang sarili kaya napangiti na siya at umiling nalang.
Natapos silang kumain kaya naglakad lakad muna silang tatlo ni kisha. Habang naglalakad ay hindi naman maiwasan ni kisha na asarin ng asarin si nics kay Matt.
Nagpunta sila sa Arcade at naglaro ng basketball, habang naglalaro ay hindi manlang maka shoot si nics kaya nagulat siya ng biglang pumunta si Matt sa likuran niya at saka hinawakan ang kamay niya na may hawak na bola. Itinaas ito ni Matt at saka ishinoot, nanigas naman sa kinatatayuan si nics kaya napalunok nalang siya ng laway.
" ayieeeee, SANA ALL." pagsasalita ni kisha kay nics at Matt kaya naman binatukan siya ni nics habang pinipilit na hindi tumawa. Nagtagal pa sila sa arcade ng ilang oras kaya naman ang kaninang pagkakailangan ni nics at Matt ay napalitan ng kulitan at asaran.
Nilibre sila ni Matt ng Krispy Kreme kaya naman tuwang tuwa si kisha gayun din si nics. Masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan ng bigla namang may tumawag kay Matt.
"wait for a while." lumayo muna si Matt sa kanila kaya naman nag-usap muna si kisha at nics.
"ikaw nics ah pabebe."
" HAHAHA hindi ah nainis lang kase ako kanina kase di ko expected na makikita ko siya."
"nako pero gusto mo rin naman siya makita aminin mo na."
" hahaha oo na, oo na pero sino kaya ang kausap niya bakit kailangan niya pa lumayo saatin?" kinagat ni kisha ang donut at saka nagsalita.
"yieee selos ka naman." inirapan ito ni nics at kinain nalang din ang donut na hawak hawak niya.
Bumalik si Matt sa table nila at saka umupo at kinain ang donut.
"Sino yon Matt?" pagtatanong ni kisha.
"ah, si Triana." pagsasalita niya at saka kinagat ang donut.
"Triana? kaano ano mo?" siniko ni nics si kisha kaya naman napatingin si Matt.
"ah, Matt sensya ka na rito kay kisha ang daming tanong."
"hahaha, ayos lang yon."
Hindi na nasagot ni Matt ang tanong ni kisha dahil naubos na nila ang kinakain at saka naisipang umuwi na. Nagpaalam si Matt kay nics at kisha at nagpasalamat naman ang dalawa kay Matt.
Hindi mawala sa isip ni nics kung sino si Triana dahil pamilyar ang pangalan na ito sa kaniya. Sumakay na si kisha at nics sa sasakyan at saka ito dumiretso sa kanilang bahay.
Nagpaalam na si nics kay kisha dahil naihatid na niya ito sa kanilang bahay. Kumaway si kisha kay nics at sinabihan ito na mag-iingat sa pag-uwi kaya tumango nalang si nics bilang sagot. Umandar na ang sinasakyan nila kaya pumasok na si kisha sa bahay.
END OF CHAPTER 21.
Hope you like this chapter! thank you for supporting " ISLY."
YOU ARE READING
ISLY.
General FictionTwo handsome and caring boys fell inlove with a girl named Arkisha. sino kaya ang pipiliin ni Arkisha? ang unang nagparamdam sa kaniya na gusto siya o ang isa na nagsabi ng nararamdaman kung kailan huli na.