CHAPTER 18

1 2 0
                                    

Ito nanaman ako mag-isa sa bahay dahil naalala kong wala na nga pala sila mommy and daddy dahil pumunta na sa outing nila. Tinawagan ko si nics pero hindi siya sumasagot, naisip ko na baka busy siya. Nagtimpla muna ako ng milo dahil maaga pa naman. Napagpasiyahan ko na maligo na at pumunta mag-isa sa mall para makapag libot libot muna. Nang matapos na akong maligo ay inilock ko na ang pintuan at pati na rin ang gate at sumakay sa taxi.

Lexxer's POV
Nandito kami ni tito sa mall dahil ititreat niya raw ako. Nagpaalam ako sa kaniya na may bibilhin pa ako at saka sinabing mauna na siya umuwi. Naglalakad ako ngayon malapit sa nbs nang biglang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil nakita ko si kisha. Gusto ko siyang lapitan pero pumasok siya sa isang bilihan ng cake na katabi ng nbs. Pumasok ako roon at nakita ko siyang nakaupo sa dulo at nag-iisa. Lalapitan ko na sana siya pero nauna nanaman ang kaba at takot ko.Lumabas ako at bumili muna ng maiinom.

Kisha's POV
Nandito ako ngayon sa paborito naming pagbilan ni nics ng cake. Nagcecellphone ako pero wala akong magawa kundi mag scroll ng mag scroll kaya pinatay ko muna ito at saka ko pinagpatuloy ang pagkain ko sa cake. Tumingin ako sa labas at pumikit pikit dahil para bang nakita ko si Lexxer kaya naman binilisan ko kumain at lumabas ako para sundan kung si Lexxer nga ang nakita ko.

Naglalakad na ako ng bigla akong may nabunggo kaya naman nag sorry muna ako ron, pagtingin ko ay wala na ang kamukhang kamukha na lalaki ni Lexxer. Tumalikod ako para maglakad na muli ng bigla namang may humila sa braso ko at napag alaman kong si Lexxer nga ito. Omg hawak niya pa rin ang braso ko habang nakangiti saakin.

" H-hi kisha!" pagsasalita ni Lexxer
" He-hello?" sagot ko naman sa kaniya.

Para kaming timang na nakatayo lang at nakangiti sa isat-isa matapos na magsalita. Hindi ko alam ang gagawin kaya napapalunok nalang ako habang nakayuko sa harap niya.

"kisha, sorry nagulat ka ata."
" hi-hihinde ah."
" may kasama ka ba?"
" ah wala ikaw ba?
" wala rin, tara treat ko kung okay lang sayo."
" ah, eh sigeeee."

Sabay kaming naglalakad at papunta na sa isang restaurant na sinasabi niya.

Lexxer's POV

Hindi ko na nakayanan ang sarili ko dahil nakita ko si kisha na parang sinundan ako kaya naman nung may nakabangga sa kaniya ay bigla akong nagtago, pero nung maglalakad na siya ay naglakas loob akong hawakan na ang braso niya grabe kilig na kilig ang kaloob looban ko nung ginawa ko yon. Humarap siya na parang gulat na gulat saakin. Kahit na nauutal na rin ako sa sobrang kaba ay pinagpatuloy ko lang ang pagsasalita.

Nandito na kami ngayon sa restuarant kung saan ko siya inaya. Nakatingin lang siya sa ibang diresksiyon na para bang hiyang hiya pa rin saakin. Tinatanong ko siya kung ano ang gusto niya pero bahala na raw ako kaya naman umorder na ako para makakain na kami.

"kisha? pasensya ka na ah kung nagulat ka man kanina hehe." pagsasalita ko habang siya naman ay patuloy lang sa pagkain.
"hahaha wala yon."
" alam mo wag ka na mahiya saakin, dapat nga ako ang mahiya sayo."
" hahahaha bakit naman?"
" sa mga pinagsasabi ko sa chats HAHAHA."

Nagiging maayos na ang pag-uusap namin, hindi na kagaya kanina na nagkakahiyaan pa. Umorder pa ako ng ice- cream para naman habang nag-uusap kami ay may kinakain pa rin kami.

"Uyy, ano ba kasi yung sasabihin mo saakin noon?" pagtatanong ni kisha saakin.
" ang totoo niyan ako yung nag- hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinawagan ako ni tito. Nag excuse muna ako kay kisha para lumabas at kausapin si tito. Sinabi ni tito na samahan ko raw siya dahil wala ang katuwang namin sa pagdedeliver. Ayaw ko man iwan si kisha ay wala akong nagawa kundi magpaalam sa kaniya, Pumayag naman siya dahil may pupuntahan pa siya. Lumabas na ako at kumaway kay kisha mula sa labas ng restaurant.

Kisha's POV

Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin nang tanungin ako ni Lexxer kung ano ang gusto kong kainin. Noon una ay nagkakahiyaan pa kami mag-usap pero naging maayos na rin naman na. Tinanong ko siya about sa sasabihin niya saakin pero biglang naputol ang sasabihin niya ng may biglang tumawag sa phone niya at aalis na raw siya. Kahit na nakakalungkot isipin na panandalian ko lamang siya nakausap ay pumayag na ako na umalis na siya dahil sa tingin ko ay importante ang kaniyang pupuntahan. Umuwi na ako ng bahay at tinawagan si nics na bukas ay pumunta siya saamin dahil ikukuwento ko ang mga nangyari kanina.

END OF CHAPTER 18.

Hope you like this chapterrrrr!!!! Thank you sa walang sawang pagbabasa ng " ISLY" muwahhhhh :>

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ISLY.Where stories live. Discover now