Maaga nagising si kisha at nics kaya pumunta sila sa kusina para maghanda ng breakfast. Nakita nila na paparating si Lexur kaya naman natahimik sila pero bigla itong nagsalita.
" kisha tulungan ko na kayo magluto."
" a-ah sige ikaw bahala."Nakatingin lang si kisha at nics kay Lexur habang nagluluto ito. Inayos na ni nics at kisha ang mga gagamiting plato, baso at iba pa sa lamesa. Umupo sila at nagkatitigan sabay tingin sa inihaing pagkain ni Lexur.
" walang lason yan wag kayo matakot." pagsasalita ni Lexur.
" infairness ah magaling ka pala magluto." saad ni nics.
"hindi ako magaling sanay lang." kumuha siya ng kanin at saka sinimulang kumain." naks masarap ah." pagsasalita ni kisha habang nakatingin kay Lexur, nakita niyang natatawa si nics kaya inirapan niya ito.
"alin? yung pagkain oh ako? saakin ka kase nakatingin eh."
" bwiset! kumain ka na nga lang jan."Natapos silang kumain at nagpaalam na si Lexur na uuwi na siya sa kanilang bahay, nagpasalamat si Lexur kay kisha at nics at tuluyan na itong umalis. Pagkasarado ng pintuan ay hindi maiwasan ni nics na tumawa ng tumawa.
" ano bang nakakatuwa nics?"
"HAHHAHAHAHAHAA ' naks masarap ah' HAHAHAHHAA."
"may mali ba sa sinabi ko eh masarap naman talaga yung luto niya tsk!"
"ghorl, nakatingin ka kase sa kaniya nung sinabi mo yon kaya natawa ako."Inirapan nalang ni kisha si nics at saka ito pumunta sa kusina upang hugasan ang mga plato. Si nics naman ay nagwalis walis muna sa sala.
Lexur's POV
Papasok na sana ako sa bahay ng makita ko di kalayuan si Lexxer, naisipan ko siyang puntahan pero naisip ko na pumasok nalang sa bahay at magkunwaring hindi ko siya nakita. Naligo muna ako at saka nagpalit ng damit dahil naalala kong kailangan ko na muna palang bumili ng groceries dahil paubos na ang nasa ref.
Palabas na ako ng bahay ng makita ko nanaman si Lexxer at nakatingin siya sa direksiyon ko.Hindi ko alam ang gagawin kaya pumasok nalang ako ulit sa bahay at inintay na maghapon dahil nagbabaka sakali akong wala na siya mamaya.
Lexxer's POV
Hindi ako nagkamali sa hinala ko nung nakaraan dahil nagbalik na nga talaga si Lexur sa kanilang bahay, nakita ko siya kanina na lumabas pero nung nakatingin siya sa direksiyon ko ay dali dali naman siyang pumasok. " oh? sino nanaman tinitignan mo jan chix?" tanong ni tito saakin. " HAHAHA tito naman eh, nakita ko lang po yung kaibigan ko." Sumakay na kami sa sasakyan at tuluyan ng umalis.
Matt's POV
Nagpapatulong ako kay Mashantie na makita si nics pero ayaw niya akong tulungan dahil ako na raw ang dapat kumilos bilang lalaki. " dali na tulungan mo na ako bibilhan ulit kita ng fries." akala ko ay papayaga na siya dahil ngumiti siya saakin pero bigla siyang nagsalita. " utot mo! bahala ka jan kuya." saka niya ako tinalukuran at naglakad palabas. " tskkk! ang damot naman." pagsasalita ko habang pabalik ako sa kuwarto.
YOU ARE READING
ISLY.
General FictionTwo handsome and caring boys fell inlove with a girl named Arkisha. sino kaya ang pipiliin ni Arkisha? ang unang nagparamdam sa kaniya na gusto siya o ang isa na nagsabi ng nararamdaman kung kailan huli na.