Lexur's POV
Ilang araw akong nakatunganga rito sa bahay at hindi alam ang gagawin, tinatawagan ko si mommy pero hindi ito sumasagot. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at saka naligo. Pagkatapos kong maligo ay naisipan kong puntahan si kisha para inisin ulit siya.
Nakarating ako sa labas ng bahay nila at naisipan kong mag doorbell muna para hindi naman siya magulat na andito nanaman ako. Pangalawang doorbell ko na pero wala pa rin si kisha. Nag doorbell ulit ako at sa wakas lumabas na rin siya, nakasuot siya ng pajama at tshirt na sky blue sabukot din ang mga buhok niya na para bang kakagising lang kaya natawa ako nung lumapit siya sa gate.
" kakagising mo lang?"
" anong ginagawa mo rito?" pagsasalita niya na hindi manlang sinagot ang tanong ko.
"ahmmm, tara sa park?"
"park? ang aga aga park hindi pa ako kumakain."
"edi tara kain tayo, treat ko." inirapan niya ako at saka inaya munang pumasok sa bahay nila, umupo ako sa sofa habang nakatingin sa kaniya.
"maliligo lang ako jan ka lang, pag nagutom ka may pagkain sa ref."
"ahh sige, maligo ka na bilisan mo."
naglakad na siya palayo sa akin kaya naman naglibot muna ako sa bahay nila, naglalakad ako ng makita ko ang picture ni kisha noong bata siya. Kinuha ko ito at saka pinicturan."ang cute mo pala talaga kisha kahit nung bata ka pa ." pagsasalita ko habang nakatingin pa rin sa litrato niya at nakangiti. Naglakad ulit ako ng makita ko naman na may pintuan na may nakasaluta na " Yellblink Music Room" kaya naman pumasok ako at natulala ako sa ganda ng loob nito, simple lang pero maganda. Gagalawin ko na sana ang ibang gamit dito pero bigla namang may nagsalita sa likod ko.
"galing ah, sino nagsabing puwede kang pumasok dito ha?"
" bakit bawal ba?" pagsasalita ko habang nakataas ang dalawang kilay.
" importanteng tao lang ang puwedeng pumasok dito. medyo nasaktan naman ako sa sinabi niya.
" so hindi pala ako importante sayo." naglakad ako palabas at sinundan naman niya ako.
" sus, arte naman nito nagdrama pa tara na alis na tayo."
" sabihin mo muna importante ako."
" importante ako." nainis na ako kaya naman lumabas na ako ng tuluyan sa bahay nila at naglakad palayo.
Naramdaman kong may humahabol sa akin kaya naman tinignan ko kung sino.
" oh kisha? bat hinahabol mo ako."
" eh kase diba sasamahan kita kumain."
" huwag na hindi naman ako importante sayo." binatukan niya ako kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"masyado mong sineseryoso ang mga sinasabi ko bwiset! tara na kase wag ka na mag inarte sige ka hindi na kita sasamahan." napaisip naman ako sa sinabi niya dahil siya nga pala ang pinunta ko rito tapos ngayon nag iinarte ako hays.
YOU ARE READING
ISLY.
General FictionTwo handsome and caring boys fell inlove with a girl named Arkisha. sino kaya ang pipiliin ni Arkisha? ang unang nagparamdam sa kaniya na gusto siya o ang isa na nagsabi ng nararamdaman kung kailan huli na.