CHAPTER 15

1 2 0
                                    

Matt's POV

Sasamahan ko sana si Mashantie kahapon nang pumunta siya sa Mall pero inutusan ako ni mommy na ako muna ang maiwan sa bahay dahil umalis din siya. Nung umuwi si Mashantie ay  nakatingin siya saakin na para bang may tinatago kaya naman pinilit ko siyang tanungin, Dumiretso siya sa kuwarto niya na hindi manlang ako pinapansin kaya sinundan ko siya at pinilit na tanungin.

" Mashantie, may tinatago ka ba kasi saakin?"
" ha? w-wala ah."
"kilala kita, ni hindi ka nga makapagsalita ng maayos oh."
" oo na oo na! bilhan mo muna ako ng fries daliii." nagpa deliver ako ng fries para sabihin niya na saakin kung ano man ang tinatago niya.
" kuya nakita ko kase si ate nics, inaya ko pa nga siya kumain hahaha."
" what? bakit naman hindi mo ako tinawagan para nakapunta ako ron." inirapan niya lang ako at saka tumalikod.

"eh nagmamadali ata siya eh kikitain yung boyfriend." nainis ako sa kaniya kaya naman papasok na sana ako sa kuwarto ng muli siyang magsalita.
" joke lang HAHAHA, ang ganda niya pala talaga."
" siyempre naman wala namang pangit sa kaniya."
" wushuuu kuya ah ang harot." pumasok na ako sa kuwarto at saka  tumalon sa kama.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si nics. Pupuntahan ko sana siya sa kanila kaso baka wala naman siya roon. Naligo nalang muna ako dahil mamaya ay kailangan ko pang ayusin ang kuwarto ko.

Kisha's POV

Tanghaling tapat ay tumawag si mommy at sinabi saakin na uuwi raw sila rito dahil kukuha ng ilang damit para sa outing nila ng mga ka business partners nila. Naligo na ako para mamaya ay fresh, tinawagan ko na rin si nics para rito na siya mag dinner.

Ilang oras na ang nakalipas at mag pa five pm na kaya nag-bihis na ako ng shirt na pink at black na skinny pants. Nag pulbos nalang ako at nag lagay ng konting liptint dahil nasa bahay lang naman ako. Tumawag na rin saakin si nics na papunta na siya. Nagchat naman saakin si mom na bumili muna sila ng kakainin namin sa dinner pero malapit na sila sa bahay.

Dumating sila mommy and daddy at nakita kong naka sunod na rito si nics. Nagtataka ako kung sino pa ang iniintay namin dahil hindi pa kami nagsisimula kumain.

"mom? matagal pa ba yon?"
" parating na raw siya nak."
" tita sino po ba yung iniintay natin?"
magsasalita pa sana si mommy pero may biglang kumatok sa pintuan kaya naman binuksan ito ni daddy. Nagulat ako dahil nakita ko si Lexur sa pintuan at dumiretso sa puwesto namin at tumabi sa akin. Nagkatinginan kami ni nics at pati siya ay may pagtataka sa kaniyang mukha. Nagkukwentuhan sila mommy pati na rin si Lexur samantala ako ay tahimik lang dito at binibilisan kumain para bumalik nalang sa kuwarto.

"kisha? bakit ba parang madaling madali ka kumain?"
"ah kase may gagawin pa po kami ni nics, diba nics?" tinignan ko si nics.
" ah opo tita kase may hindi pa po kami natatapos ni kisha."  akala ko ay ligtas na kami dahil tumango na si mommy pero nagsalita si daddy.
"ligpitin niyo muna ni nics yung kabilang kuwarto kase dito muna matutulog si Lexur." nasamid ako sa kinakain ko nung sabihin iyon ni daddy.

"what? diba ayos naman yung tinutulugan niya sa bahay nila?"
" hahaha ikaw talaga anak, gabi na kasi at saka aalis na kami ng mommy mo kaya rito muna si Lexur para safe kayo."
" kaya naman po namin ni nics."
" huwag ka na magsalita jan, ayusin niyo na ang higaan sa kabilang kuwarto." wala akong nagawa kundi sumimangot at mainis.

Inaayos namin ni nics ang kuwarto na sinasabi ni daddy ng bigla niya akong pagtawanan at asarin nanaman kay Lexur. " yieee parang kailan lang kinukwento mo pa saakin yan tapos ngayon nandito na sa bahay niyo." hinagis ko sa kaniya ang unan at saka inayos muli ang mga kumot. " magtigil ka nga nakakainis ka."  tinawanan niya lang ako ng tinawanan at muling nagsalita. " sus guwapo naman pala yung si Lexur ah bakit parang ayaw na ayaw mo siyang makita?" sinarado ko muna ang pintuan dahil naramdaman ko na parang may nakikinig saamin. " hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero basta ewan ko bilisan mo na jan dun na tayo sa kabilang kuwarto magoonline pa ako.

Lexur's POV

Kitang kita ko ang pagkagulat ni kisha nung nakita niya ako mula sa pintuan. Ang mga magulang niya ang nagsabi na dun na ako matulog sa bahay nila dahil baka raw gabihin ako, pumayag nalang ako dahil nakakahiya rin naman kung tanggihan ko pa. Pagkatapos naming kumain ay pinapunta niya ako sa kuwarto na sinasabi niyang ayusin daw nila kisha at nung kaibigan niya. Papasok na sana ako pero narinig ko silang nag-uusap. "yieee parang kailan lang kinukwento mo pa saakin yan tapos ngayon nandito na sa bahay niyo." saad ng kaibigan ni kisha. . " magtigil ka nga nakakainis ka." sa tingin ko ay naiinis na talaga si kisha. " sus guwapo naman pala yung si Lexur ah bakit parang ayaw na ayaw mo siyang makita?" iniintay ko ang sagot ni kisha pero biglang may nagsarado ng pintuan kaya umalis muna ako ron at saka pumunta sa C.r para hindi nila mapansin na kanina pa ako nasa labas ng kuwarto na iyon. Lumabas ako ng C.r nung natunugan kong wala na sila sa loob ng kuwarto kaya pumasok na ako at saka humiga sa kama.

Lexxer's POV

Hindi nanaman ako makatulog dahil sa kakaisip sa pangyayari kahapon, wala akong ginagawa ngayon kundi humiga sa kama at titigan ang kisame. Naisipan kong ichat si kisha pero hindi ko magawa dahil baka mamaya ay boyfriend niya ang may hawak ng account niya. " hays, kisha sana pala sinabi ko na sayo na ako yung taong nagbigay sayo ng calligraphy pen." pagsasalita ko habang hindi pa rin mapakali sa kama. Nagpost nalang ako sa facebook ng ' hope you like it' at nagbabaka sakaling mabasa ito ni kisha.

Sa pag aantay ko na may mag notif sa akin ay kumuha muna ako ng tubig sa baba at saka umakyat muli. Hindi ko alam pero natuwa ako ng makita ko ang pangalan ni kisha sa notif ko at nilike niya ang post ko. Pero sa pagkakataon na iyon ay naisip ko na baka nilike niya lang talaga at wala siyang pakialam  kung sino man ang pinatatamaan ko samantalang siya naman talaga iyon. Pinili ko nalang ilogout ang acc ko at saka natulog para mabawasan manlang ang mga iniisip ko.

END OF CHAPTER 15.
huhu Lexxer umamin ka na kase kay kishaaaaa HAHAHAHAHA.
hope you like this chapter! muwahhhhr :>

ISLY.Where stories live. Discover now