Kanina pa nakatulala si kisha sa kaniyang kisame dahil mag-isa nanaman siya sa bahay, tinawagan niya si nics kung kailan ito uuwi at laking tuwa niya na papunta na pala ito sa kanilang bahay. Naligo muna si kisha at pumunta sa sala upang intayin ang kaniyang kaibigan. Ilang oras na ang nakalipas pero wala pa rin si nics. May kumakatok sa pintuan kaya naman dali dali niya itong binuksan ngunit laking gulat niya ng si Lexur ang tumambad sa kaniyang harapan.
"oh? ginagawa mo rito?" biglang pumasok si Lexur at umupo sa sofa.
"aalis tayo! bilisan mo magbihis ka ng maayos." at saka ito sumandal sa sofa at pumikit.
" huh? anong aalis ka jan hindi puwede."
"bilisan mo na wag ka na puro satsat jan!"
" bahala ka jan iniintay ko si nics."
"sino naman yung nics nayon?"
" wala kang pake! lumabas ka na nga umuwi ka na!"
" hindi ako lalabas dito at lalong hindi ako aalis kung hindi mo ako sasamahan!" wala nang nagawa si kisha kundi magbihis ng pang alis at itinext si nics na wala siya sa bahay at may emergency.Nakasimangot si kisha habang nakasakay sila sa taxi ni Lexur papunta sa kanilang pupuntahan. Nakarating sila sa isang bilihan ng mga accessories at pumasok sila rito. Nagiikot ikot si kisha ng makita niyang nakatitig sa kaniya si Lexur. " huwag mo nga ako tignan nakakairita ka!" tinawanan lamang siya ng binata at saka ito binulungan. " huwag ka na sumimangot, mas maganda ka kapag naka ngiti ka." hindi alam ni kisha ang sasabihin kaya naman lumayo nalang ito sa binata.
Walang napili ni isa si kisha sa pag iikot nila sa bilihan ng accessories dahil hindi naman siya nagsusuot nito kaya naman naisipan nalang nilang kumain. Tahimik na kinakain ni kisha ang binili nilang pizza, samantala si Lexur naman ay kanina pa hindi maiwasang titigan si kisha. Nang matapos sila kumain ay naglakad lakad sila panandalian sa isang park na kakaunti lamang ang tao. Umupo sila sa damuhan at saka sumandal sa puno, nagsalita si Lexur kaya naman napatingin sa kaniya si kisha. " kapag ba hindi ka mapakali sa isang tao ibig sabihin may gusto ka sa tao na yon?" pagtatanong niya. " depende para saakin kase kapag hindi ka mapakali sa isang tao hindi ibig sahihin non may gusto ka sa kaniya puwede namang pinapahalagahan mo lang siya kaya ganun." tumango tango si Lexur at napaisip sa sinabi ni kisha at muling nagsalita. " nagkagusto ka na ba sa isang tao?" tumawa si kisha ngunit kung mapapansin ay pilit lamang ang tawa niya. " ano ba namang tanong yan, siyempre naman pero yung pagkakagusto ko na yon isa rin pala sa pagkakamali ko dahil masyado akong nagpaniwala ang ending ako yung nasaktan." nakatitig lamang si Lexur sa kalangitan. " tsk. ewan ko ba minsan madaya rin ang tadhana at panahon, kung kailan nagkagusto ka sa tao na yon saka mo naman malalaman na may gusto pala siyang iba. " tumayo si kisha at pinagpagan ang damit. " puwede bang umuwi na tayo? baka kase inaantay na ako ni nics. " tumango si Lexur at saka sila naglakad papunta sa sakayan upang makauwi na.
YOU ARE READING
ISLY.
General FictionTwo handsome and caring boys fell inlove with a girl named Arkisha. sino kaya ang pipiliin ni Arkisha? ang unang nagparamdam sa kaniya na gusto siya o ang isa na nagsabi ng nararamdaman kung kailan huli na.