CHAPTER 13

1 2 0
                                    

Nic's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko kung si Matt nga talaga ang nakita ko kahapon. Naligo ako at nagbihis upang mamaya ay makabili ng mga gagamiting ingredients sa gagawin kong graham sa bahay nila kisha dahil kahapon ay hindi ko naman siya nakasama. Sumakay na ako ng taxi at mabilis naman akong nakarating sa store na malapit kayla kisha. Naisipan kong bumili na rin ng mga junkfoods dahil napag usapan namin ni kisha na manonood kami ng movie. Kukuhanin ko na sana ito pero naunahan ako ng isang babae na kasing tangkad ko lang at may kaputian saakin. Nagkatinginan kami at kitang kita ko na gulat na gulat siya ng humarap siya saakin.

"Ate Nicssssss!!!!!" saad niya at saka ako niyakap ng mahigpit.
" wait, who you? bakit kilala mo ako?" pagtataka ko at saka niya inalis ang pagkakayakap niya.
" oww sorry I'm Mashantie , did you know kuya Matt?" bigla naman akong natuod sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pangalan na binanggit niya.

" Ah i know him, girlfriend ka niya?" tinawanan niya ako ng tinawanan kaya naman napa ngiwi ako.
" Hahaha girlfriend? no way! kapatid niya ako ate nics."  gusto ko nalang lamunin ngayon ng lupa dahil hiyang hiya ako sa sinabi ko.
" ah hehehe ganun ba sorry hindi kita nakilala."  pagpapalusot ko dahil buong akala ko ay walang kapatid si Matt.

" it's okay, tara? treat ko hehe."  inisip ko kung sasama ba ako sa kaniya dahil baka nag-iintay na si kisha sa kanila.
" ahmmm di ako puwede kase baka iniintay na ako ng kaibigan ko sa kanila." bigla naman siyang nag pout at saka hinawakan ang kamay ko.
" hmmmp, saglit lang ate nics." wala akong nagawa kundi pagbigyan siya.
" okay sige sige bayaran ko lang to."

Nandito kami ngayon sa isang restaurant kung saan kinakainan din namin ni kisha. Umorder si Mashantie ng dalawang cake at all season juice. Tahimik lang akong nakatitig sa kaniya habang kinakain niya ang cake na nasa harapan niya. Tumingin siya saakin na parang nahiya kaya itinigil niya ang pagkain niya at saka nagsalita.

" sorry gutom lang ako hehe, kamusta ka naman ngayon ate nics?"
" okay naman ako kayo ba ng kuya mo kamusta pag-aaral sa states?"
" hmmm naging mahirap lalo para kay kuya."
" paanong mahirap sa kaniya?"
" eh kase nakita kong palagi siyang tulala sa kuwarto kapag tinitignan yung necklace na parang kalahati ng heart." bigla naman akong napainom dahil akala ko ay hindi na maaalala ni Matt ang kalahati ng kwintas na ibinigay niya saakin.

" ahh ganun ba."
" at nics kaya kita nakilala dahil  minsan narinig ko si kuya habang tulog at binabanggit ang pangalan mo kaya tinanong ko kung sino ka."
"anong sabi niya nung tinanong mo?"
" sabi niya mahalaga ka raw sa kaniya at kailan man ay hindi ka makakalimutan." hindi ko alam pero bigla naman akong ma guilty sa sarili ko dahil kinakalimutan ko si Matt gayung palagi niya pala akong inaalala.
"pero diba may girlfriend siya?"
" Hahaha kaibigan niya lang yon ate nics. "  kaibigan pero grabe ang dikit kay Matt nung nakita ko ang picture nila sa fb.

pagkatapos ng ilang oras ay nagpaalam na ako kay Mashantie at pumayag naman siya kaya tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at nagpasundo sa driver namin para mabilis akong makarating kayla kisha. Marami akong nalaman pero hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan. Pumasok na ako kayla kisha at pinagbuksan niya naman ako ng pintuan. Tinignan niya ako na para bang nagtataka kaya inirapan ko siya.

" hoy nics bat parang hindi ka mapakali ha?"
" shems kishaaaaa! nung isang araw kase parang nakita ko si Matt tapos kanina naman si Mashantie yung kapatid niya inaya akong kumain tapos tapos may nalaman ako pero ewan naguguluhan akoooooo."
" sus huminahon ka nga jan, gumawa ka muna ng grahams saka natin pag-usapan."

Kahit hindi ako mapakali kakaisip sa mga sinabi ni Mashantie ay itinuon ko muna ang sarili ko sa paggawa ng grahams.

Kisha's POV

Napansin kong balisang balisa si nics kaya naman tinulungan ko muna siya gumawa ng grahams at saka pinakalma. Ikukwento ko rin sa kaniya ang mga pangyayari noong nasa Baguio ako para naman kahit papaano ay makalimutan niya ang kung ano man ang bumabagabag sa kaniya. Umakyat na kami sa kuwarto at inayos ito para mamaya sa panonood namin ng movie.

Third person's POV

Hindi na natapos ni kisha at nics ang pinapanood nila dahil nagkuwentuhan nalang sila. Naunang magkuwento si nics kay kisha at nakinig naman ito, sinabi niya na nakita niya nga si Matt at kanina lang ay ang kapatid nito. Ikinuwento rin ni nics ang lahat ng sinabi ni Mashantie patungkol sa kaniyang kuya kaya naman gulat na gulat si kisha dahil buong akala niya rin ay kinalimutan na ni Matt si nics.

Matapos magkuwento ni nics ay kumalma na ito panandalian at nakinig naman sa kuwento ni kisha. Imbis na magseryoso sa pakikinig si nics ay inaasar niya lang si kisha kaya naman hinampas siya nito. Nalaman ni nics na kaya pala hindi siya pinapunta ni kisha sa bahay dahil nga sa pumunta si Lexur sa kanila, kunwariang nagtampo si nics kay kisha pero patuloy pa rin na nang- aasar. Sinabihan ni nics si kisha na huwag ng magpa bebe kay Lexur kaya naman nainis si kisha at saka ito pinag hahampas. Habang nagkukwentuhan ang dalawa ay nagchat naman si Lexxer kay kisha. Buong akala ni nics ay si Lexur ang nagchat kaya inasar niyang muli si kisha.

Kisha's POV

Nagkukuwentuhan kami ni nics ng bigla namang nagchat si Lexxer kaya naman napangiti ako.

Ros Lexxer EilingerUyyy good evening, kumain ka na ah. 7:30PM
Arkisha Avyanna HenrnadezOum, ikaw din kumain ka na hehe. 7:30PM
Ros Lexxer Eilinger: matulog ka ng maaga wag ka na magpuyat. 7:31PM
Arkisha Avyanna Henrnadez: ikaw din pahinga ka na. 7:31PM
Ros Lexxer Eilinger:  goodnight ❤ 7:32PM

Nakita ako ni nics na nakangiti, kanina ay inaasar niya ako kay Lexur ngayon naman ay kay Lexxer hays hindi ko talaga alam sa babae na ito ang lakas ng tama porket nalaman na posibleng totoo ang sinabi sa kaniya ni Mashantie. Pinukpok ko siya ng tsinelas at saka ko sinabing marupok siya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin at inirapan. Matapos naming manood ng movie, magkuwentuhan at kumain  ng kumain ay natulog na rin kami ng maaga dahil bukas ay maaga raw siyang  magluluto ng masarap na pagkain.

END OF CHAPTER 13.

helloooo! salamat sa pagbabasa ng "ISLY" muwahhhhh! team lexxer o team lexxur HAHAHAHA.

Love kayo ni Matt hihi.

ISLY.Where stories live. Discover now