CHAPTER 20

1 2 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ni nics ay inaya ko siya na pumunta sa park kaya naman pumayag siya. Naglalakad kami sa park ng makita ko yung dati naming kaklase na rito rin nakatira. Papalapit na kami sa kaniya habang siya naman ay may kasamang bata.

"Uyy mica! kamusta?" pagsasalit ko.

" uyy kisha, okay naman ako kayo ba?"

" okay lang din kami ni nics, anong ginagawa mo rito?"

" ah sinamahan ko itong kapatid ko hehe."

Naglakad lakad kami habang kasama namin si mica, habang naglalakad ay hindi namin maiwasan ni nics na patawanin ang kapatid niya dahil sobrang cute nito. Umupo kami da isang bench habang si nics ay nilalaro ang kapatid ni Mica.

" maganda ka pa rin kisha."

" ayy, hehe salamat" tipid kong sagot kay mica.

"may boyfriend ka na?"

" uyy wala, pero may isang tao na naging importante saakin."

"sino naman?" pagtatanong niya saakin

"naalala mo yung iniabot mo saakin na calligraphy pen? siya yung tao na yon."

Tumawa si Mica at napailing kaya naman nagtaka ako pero hindi ko na tinanong dahil inaya na ako ni nics umuwi dahil nagugutom nanaman siya hays takaw talaga. Nagpaalam na kami kay Mica at ganun din naman siya saamin.

Lexxer's POV

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa paggawa ko ng kuwintas na para kay kisha. Nag-inat muna ako ng dalawang kamay dahil pagod na ito. Naligo muna ako at kumain dahil patapos na rin naman na ang kuwintas na ginagawa ko. Tatayo na sana ako nang biglang may nagchat sa phone ko.

Mica Leiny: Supppp
Ros Lexxer Eilinger: oww? bakit?
Mica Leiny: kailangan natin mag-usap HAHAHA
Ros Lexxer Eilinger: ha? bakit?
Mica Leiny: bastaaaa
Ros Lexxer Eilinger: sige kailan ba?
Mica Leiny: pag wala na akong ginagawa sa bahay.
Ros Lexxer Eilinger: sige, bye muna.

Nagtaka ako at napaisip sandali pagkatapos kong patayin ang phone ko dahil sa biglaang pagchachat ni Mica, ipinagptuloy ko na ang ginagawa kong kuwintas.

Matt's POV
gustong gusto ko na talaga makausap si nics pero wala naman akong maisip na ibang paraan kung paano. Nakatulala ako sa kuwarto ko at hindi alam ang gagawin dahil sa kakaisip kay nics.

"arghhhhhh! nics paano ba kita makakausap ulitttt."

" dali dali lang ng pinoproblema mo tskk!" biglang pagsasalit ni Mashantie na ngayon ay nasa pintuan ng kuwarto ko.

"ayaw mo naman kasi akong tulungan."

" ikaw ang may gusto kay ate nics kaya ikaw din dapat ang gumawa ng paraan." napailing nalang ako sa kaniya dahil pumunta lang pala siya dito para inisin ako. Naisipan ko na maligo at napagpasiyahang pumunta na talaga sa bahay nila nics.

ISLY.Where stories live. Discover now