Nic's POV
I'm Nicole Vervia 17 years old, makulit akong nilalang pero karaniwan sineseryoso ko talaga ang bawat bagay, iisang anak lang din ako katulad ng bestfriend kong si Arkisha. Masaya ako sa buhay ko kahit na palagi akong naiiwan sa bahay mag-isa dahil busy ang parents.
Mahilig akong kumain as in kahit anong pagkain pa yan HAHHAAHA hindi kasi ako maarte sa pagkain, marami akong ka M.U dati pero isa don ay wala akong sineryoso. si Matt Steven Crizil ang mabait, tahimik at na lalaking pinaka crush ko kaso hindi ko alam kung bakit palagi niya ako iniiwasan.
*Flashback*
Naglalakad ako sa corridor ng makita ko si Matt kaya naman kinawayan ko siya pero hindi niya ako pinansin, yumuko siya at biglang tumakbo palayo saakin. Nagtaka ako sa araw nayon kaya naman naisipan kong dumiretso nalang sa canteen at bumili ng pagkain. Bumalik ako sa room na wala pa rin kaming propesor kaya naman lumabas muna ako at pumunta sa garden ng school. Uupo na sana ako sa damuhan ng makita ko nanaman si Matt kaya imbis na umupo ay lumakad ako papalapit sa kaniya.
"uyy Matt kanina ka pa jan?" pagsasalita ko ngunit hindi niya manlang ako tinapunan ng tingin at hindi siya nagsalita kaya naman tinabihan ko siya, Nakaupo na ako pero bigla siyang tumakbo papalayo.
"tsk, ang weird ah." pagsasalita ko mag-isa. Bumalik ako sa room at wala pa rin ang propesor namin kaya naman umupo nalang ako at inintay na mag- uwian, hindi kami magkaklase ni kisha kaya naman palagi akong sabik na umuwi.
Nag-aantay ako ngayon sa labas ng school ng makita ko si kisha na naglalakad kaya naman nilapita ko na siya at inakbayan at bigla siyang magulat at hinampas ako.
"hilig mo talaga manghampas e."inirapan niya lang ako at parang wala siya sa mood.
"kamusta ka naman bat parang wala ka sa mood?" pagtatanong ko sa kaniya pero imbis na sagutin niya ang sagot ko ay ginaya niya lamang ito.
"kamusta ka naman bat parang wala ka sa mood" inalis ko ang pagkaka akbay sa kaniya at saka nagsalita.
"si Matt kase hindi ako pinapansin kahit na lapita ko pa siya bigla bigla nalang tumatakbo." tumawa si kisha at saka ako binatukan.
"aish baka naman kase natatakot sa pagmumukha mo." nainis ako kaya naman binatukan ko na rin siya. Naglakad kami upang intayin ang sasakyan na susundo saamin dahil ipinaalam ko na sa mommy ni kisha na kami na ang maghahatid sa kaniya sa kanilang bahay.
Dumaan muna kami sa bahay upang kumuha ako ng mga damit dahil doon ako mag oovernight kayla kisha, Matapos ng ilang oras ay nakarating na kami sa bahay nila. Pumasok kami at dumiretso agad sa kaniyang kuwarto.
Hindi muna kami magbihis dahil inayos pa namin ang mga gagamitin mamaya sa panonood ng movie, sabado naman kase bukas kaya napag-isipan naming gawin ito. Nang matapos na kami sa lahat ay kumain muna kami ng dinner kasama ang mommy and daddy ni kisha at nagpaalam na babalik na sa kuwarto.
Nakaupo kami ngayon ni kisha sa kaniyang kama kaharap ang malaking tv niya. Naghahanap kami ng magandang panoorin ng bigla siyang nagsalita.
" uyy magkuwento ka nga muna, alam kong may problema ka eh." pagsasalita ni kisha.
YOU ARE READING
ISLY.
General FictionTwo handsome and caring boys fell inlove with a girl named Arkisha. sino kaya ang pipiliin ni Arkisha? ang unang nagparamdam sa kaniya na gusto siya o ang isa na nagsabi ng nararamdaman kung kailan huli na.