CHAPTER 27

4 0 0
                                    

" nics? nakabihis ka na ba?"  pagtatanong ni kisha mula sa telepono.

" friday ngayon tapos P.E naman kaya mabilis lang akong nakapagbihis."

"sige palabas na rin ako." pagsasalita niya habang isinusukbit ang kaniyang bag.

" sige dito na kami sa kanto, intayin ka nalang namin sa labas."  pagsagot ni nics at saka pinatay ang tawag.

Humarap muna sa salamin si kisha at saka inayos ang hairclip niya. Lumabas na siya sa kuwarto at saka dumiretso sa labas dahil narinig na niya na  ang paghinto ng sasakyan. Nakita niya na nakadungaw si nics sa bintana kaya kinawayan niya ito at sinenyasan na isasara niya lang ang gate nila. Naglakad na si kisha patungo sa sasakyan at saka ito sumakay.

"okay ka na ba?" pagtatanong ni kisha kay nics habang si nics naman ay nakatingin lang sa bintana.

Humarap ito at saka nagsalita habang nakapikit. " huwag muna natin pag-usapan yon."  tumango tango naman si kisha at saka nanahimik dahil malapit lapit naman na sila sa school.

°°°
Naglalakad sa hallway sila kisha at nics habang papunta  sa kanilang room ng makasalubong naman nila si Lexur. " kisha, bukas ah don't forget the deal." pagsasalita ni Lexur kaya naman nainis si kisha at binilisan ang lakad para maunang pumasok sa kanilang room, sinundan naman ito ni nics na tatawa tawa lang sa kaniyang likuran.

Umupo na si kisha at yumuko. Naramdaman niya namang umupo na rin si nics at pati na rin si Lexur sa kaniyang gilid. Dumating ang prof nila sa P.E kaya naman nagsitayuan na sila at binati ito ng magandang umaga. Hindi na pinatagal pa ng kanilang prof ang bawat sandali kaya pinalabas na niya ang mga studyante at pinapunta sa   gymnasium.

Nakaupo sila kisha at nics sa sahig habang si Lexur naman ay pumwesto sa kanilang likuran. Pinatayo sila at tinuruan ng ilang basic exercise. Tumabi si Lexur kay kisha habang hawak hawak ang braso at saka nagsalita.

"don't forget the deal ms. red velvet." nilingon ito ni kisha at saka siniko.

"oo na. dun ka sa ibang puwesto." sinunod naman ito ni Lexur kaya lumipat siya ng puwesto pero malapit pa rin kay kisha.

Natapos ang kanilang P.E kaya bumalik na sila sa room. Isang subject pa bago sila mag recess kaya naman inintay nalang ni nics at kisha na matapos ang oras ng second subject nila.

"kisha? di ka ba magrerecess?"  pagsasalita ni nics habang inilalagay ang dalawang notebook sa bag.

Tinignan siya ni kisha na may panglalata. " hindi."

Hinampas siya ni nics at saka nito inilapit ang kaniyang mukha. " ano ba problema mo ha?"

Napahawak si kisha sa kaniyang noo at saka yumuko. " yung deal kase di ko alam kung tutuparin ko ba."

Hinawakan ni nics ang balikat ni kisha at saka ito pinilit na itulak. "hoy tumingin ka sakin."  iniangat naman ni kisha ang ulo niya at saka tumingin kay kisha.

"di ko alam gagawin nics." inayos ni nics ang pagkakaupo.

" kisha kakain lang naman kayo kaya ayos lang yon wala naman siyang gagawing masama sayo, kung meron man ako mismo ang papatay sa kaniya."  pagsasalita ni nics kaya naman tinawanan ito ni kisha.

ISLY.Where stories live. Discover now