CHAPTER 3

20 2 0
                                    

Arkisha's POV

Gumising ako ng wala na sa tabi ko si Nics kaya naman bumangon ako kahit na sumasakit ang ulo ko. Hinanap ko siya sa sala ngunit wala siya roon kaya naman pumunta ako sa kusina at nakita kong nagluluto siya. Marunong talagang magluto tong si Nics sa katunayan masarap ang mga niluluto niya.

" hanga ka nanaman sakin." pagsasalita niya ng madatnan niya akong nakatingin sa kaniya.

" tsss." maikli kong tugon.

"kunin mo yung mangkok para mailagay ko na ito." kinuha ko naman ang mangkok pati na rin ang mga plato, baso at kutsara at inilapag sa lamesa.

"tadah!" pagsasalita niya, akma ko na sanang tutusukin ng tinidor ang niluto niyang adobo pero tinabig niya ang kamay ko.

"tsk sandali pipicturan ko muna pang IG!" napailing nalang ako at inintay na matapos siya sa kaniyang ginagawa.

"done! pwede na kainin." habang nginunguya ko ang niluto niya ay bigla nanaman siyang nagsalita.

"ano? masarap diba?" tumango nalang ako bilang sagot dahil sumasakit nanaman ang ulo ko. Matapos kumain ay naghugas na kami ng pinagkainan at napag pasiyahang manood ng movie sa Laptop dahil mag aalauna na rin naman.

Nakaupo kami ngayon sa lapag at kaharap ang Flat screen na tv, hinipo ni Nics ang leeg ko at saka niya ako binatukan.

"aray naman bakit nanaman ba? pagsigaw ko sa kaniya habang humahawak sa ulo ko.

" anong bakit? di mo naman sinabi na masama pala pakiramdam mo edi sana hindi na kita binabanas kanina!" saka siya tumayo at kumuha ng gamot sa cabinet, inihagis niya saakin iyon. Palabas na sana siya upang kumuha ng tubig ng bigla ko siyang pigilan.

"ako na kukuha kaya ko naman." masama ang tingin miya saakin

" hay nako oo na sige na ikaw na kumuha baka sumama pa lalo ang pakiramdam mo kung makikipagtalo pa ako sayo!" lumabas na ako habang naka earphones at dumiretso na sa kusina.

ako'y kinikilig sa tuwing ika'y lumalapit ako'y nangingin- ting* tinignan ko ang nag pop up sa messenger ko at pangalan ni Lexxer ang lumabas.

Ros Lexxer Eilinger: Hoyyyy 1:40PM
Arkisha Avyanna Hernandez: ow? 1:41PM
Ros Lexxer Eilinger: kumain ka na? 1:42PM
Arkisha Avyanna Hernandez: oo HAHAHAHA wait lang ah.1:43PM

Hindi ko na inantay ang reply niya dahil napagpasyahan ko munang uminom ng gamot. "boom!" naibuga ko ang tubig sa sobrang gulat kay Nics.

"tss parang timang to bigla bigla nang gugulat!" tatawa tawa lang siya ng makita na nabasa ang itaas ng damit ko.

" ikaw naman kase kanina ka pa pindot ng pindot jan sa phone mo!" inirapan ko siya at lumakad upang bumalik sa kuwarto at magpalit ng shirt.

ISLY.Where stories live. Discover now