CHAPTER 23

1 2 0
                                    

Ilang buwan nalang ay maguumpisa nanaman ang pasukan, kinausap ni kisha ang mommy at daddy niya na mamimili na siya ng gamit hanggat maaga kaya naman pumayag ang mga magulang nito. Tinawagan ni kisha si nics at sinabing samahan siya mamili ng gamit. Napilitan na rin bumili si nics kahit maaga pa kaya naman sinamahan na niya si kisha.

Nic's POV

Napabangon ako ng sapilitan dahil tinawagan ako ni kisha, bibili raw siya ng gamit para sa darating na pasukan. " Hays kisha malayo layo pa naman ang pasukan pero mamimili ka na."  pagsasalita ko habang nakaharap sa salamin. Naligo na ako at nagmadaling magbihis dahil baka inaatay na ako ni kisha. Nakarating ako sa kanila at hindi ako nagkamali dahil kanina pa niya ako inaantay.

" tara na?" pagsasalita niya habang nakangiti saakin.

" bakit ba kase kisha ang aga mo mamili ng gamit."

" para hindi na tayo makipag siksikan pa kapag malapit na ang pasukan."

" oo na tara na nga."

°°°
Halos punong puno na ang basket na hawak ni kisha, samantalang ako ay ni isa wala pa. Hindi ko namalayan na nilalagyan na pala ni kisha ang basket ko ng mga gamit. " ayan para di ka na mahirapan ako na mamimili para sayo." inilingan ko nalang siya at saka ko siya pinabayaan kung ano man ang inilalagay niya sa basket na hawak ko pero mukhang pareho lang naman nung sa kaniya.

Masaya naman ako dahil nabalikan at nabili pa namin ang damit na bibilhin ko sana nung nakaraan pero dahil nga nandoon si Matt ay hindi ko nabili. Marami kaming napamili ni kisha bukod sa mga school supplies ay bumili na rin kami ng mga damit. Buhat Buhat namin ang mga pinamili ng bigla namang may humawak sa mga ito kaya nagulat kami ni kisha at napatingin sa lalaki na may katangkaran at may itsura.

" Lexxer?"  pagsasalita ni kisha kaya naman napatingin ako sa lalaki na sinasabing niyang si Lexxer.

" kisha? kilala mo?"  tumango si kisha at naalala ko na ayun pala yung kinukuwento niya saakin.

" Ah yung kinuk— hindi ko na natuloy ako sasabihin ko dahil tinakpan ni kisha ang bibig ko.

"ako na magbuhat niyan?" pagsasalita ni Lexxer sala kinuha ang mga bitbit namin.

Pumayag kami na si Lexxer na ang mag buhat ng mga pinamili namin kahit na nakakahiya sa kaniya. Nakaisip nanaman ako ng kalokohan kaya naman inasar ko si kisha dahil inasar niya ako noong kasama namin si Matt. 

" SANA ALL."  tinignan naman ako ng masama ni kisha kaya natawa ako. Inaya namin kumain si Lexxer bilang pagbawi sa pagbitbit niya ng mga pinamili namin.  Napakatahimik nung dalawa dahil magkaharap sila.

" Lexxer buti naman nagkita kayo nitong si kisha, matagal na niya inaasam na makita ka ulit."  sinipa naman ni kisha ang paa ko mula sa ilalim ng lamesa.

" Lexxer wag mong pansinin ang kaibigan ko na yan gutom lang yan."  pagsasalita ni kisha, bigla naman nagsalita si Lexxer.

"hahaha, ayos lang gusto ko rin naman siyang makita." 

"ayieee SANA ALL kisha gustong makita." inirapan nalang ako ni kisha kaya nararamdaman ko ang inis niya.

ISLY.Where stories live. Discover now