Kisha's POV
Nandito pa rin ako nakaupo at nakaharap sa maraming tao kasama sila mommy and daddy. Wala akong magawa dahil naiwan ko ang phone ko sa kuwarto ko kaya naman hindi ko mapigilan mainip.
Nakita kong paparating si Lexur kaya naman agad akong tumayo at nilapitan siya, sinabi kong samahan niya ako sa labas pero ayaw niya, Pinilit kong hilahin ang braso niya at sa wakas ay naglakad na siya kasabay ng paglalakad ko. Nakarating kami sa labas at umupo sa isang bench. Binalot kami ng katahimikan na para bang hindi nag-usap kagabi.
"What's wrong with you?" pagsisimula niya.
" Lexur nakakainip kasi ron."
"tss. hindi ka lang sanay, let's go may pupuntahan tayo ." tumayo siya at naglakad ng mabilis kaya naman hinabol ko siya. Sa paghabol ko sa kaniya ay bigla akong natapilok.
"aray! shems ang sakit." pagsasalita ko habang nakaupo sa sahig. Tinignan ako ni Lexur na para bang kabang kaba sa nangyari.
"tsss. di ka kase nag-iingat." hinampas ko siya at pinilit kong tumayo pero na out of balance ako kaya naman sinalo niya ang likod ko. Nagkatitigan kaming dalawa kaya naman tumingin ako sa ibang direksiyon. Nakatalikod at siya saakin ngayon at biglang nagsalita.
"sakay." maikli niyang sambit saakin pero hindi ako sumakay sa likod niya.
" sasakay ka o iiwan kita mag-isa jan." napaisip naman ako sa sinabi niya dahil kung iiwan niya ako rito mag-isa baka hindi na ako makabalik sa hotel, bukod sa wala akong dalang cellphone ay na injured din ang paa ko kaya kahit na ayaw ko ay napilitan nalang ako sumapan sa kaniya.
Umupo siya at saka ako isinapan sa kaniyang likuran. Nahihiya ako na makita kami ng ibang tao kaya naman yumuko ako sa kabila niyang balikat.
"alam kong mabango ako wag mo namang isiksik yang mukha mo sa balikat ko." hinampas ko siya dahil napa ka assuming niya.
"iww fyi hindi tama ang sinasabi mo dahil nahihiya lang ako kaya ako yumuko sa balikat mo!" Alam ko na napangisi siya kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya, Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nakita ko na hindi pala siya dumiretso sa loob ng hotel bagkus ay dumiretso siya sa parking lot.
"oy? bat dito?" pagtatanong ko.
" basta manahimik ka nalang jan." napabuntong hininga nalang ako dahil wala akong masabi.
Nang nasa tapat na kami ng isang sasakyan ay may nakita akong isang lalaki na siguro ay driver nila Lexur. "Manong chard, pahatid naman po sa plaza." napansin ko na gumagalang naman pala talaga tong si Lexur sa matatanda, pero wait sa plaza? eh hindi niya ba natatandaan na injured ako.
"anong plaza? injured ako men oh." isinakay niya lang ako sa likod ng kotse at saka siya tumabi saakin. May kinuha siya sa likuran namin at nakita kong benda ito. Inilagay niya sa paa ko ang benda na wala manlang akong naramdamang sakit."infairness ah magaling ka jan." napangiti nalang diya at saka umiling sa akin.
"Huwag mo nga akong binobola tsk. " inirapan ko siya at saka tumingin sa bintana.
YOU ARE READING
ISLY.
General FictionTwo handsome and caring boys fell inlove with a girl named Arkisha. sino kaya ang pipiliin ni Arkisha? ang unang nagparamdam sa kaniya na gusto siya o ang isa na nagsabi ng nararamdaman kung kailan huli na.