Naghikab ako ng iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa bintana ng sasakyan, rito pala kami pumunta sa Baguio hindi ko kase natanong kaya nagulat nalamang ako at namangha dahil huling punta ko rito ay noong 10 years old pa ako. Bumaba na ako sa sasakyan inilibot ko ang aking mga mata sa nag gagandahang tanawin dito kahit na medyo madilim na.
Naglakad na kami papunta sa isang maganda at malaking hotel dito sa Baguio. Pumasok kami at binati kami ng mga tao na nadaraanan namin, hindi na ako magtataka kung kilala nila sina mommy at daddy dahil baka isa sa kanila ay clients or business partners.
Dumiretso kami sa Dalawang kuwarto, dalawa dahil saakin ang isa at sa kabila naman ay para kay mommy at daddy. Pagkapasok ko palamang ay napangiti na ako sa nilalaman ng loob nito, kumpleto sa kagamitan at may malaking kama at balcony na matatanaw mo ang bawat bahay na nasa ibaba, kabundukan at mga buildings.
Humiga ako sa malaking kama at nagpagulong gulong, niyakap ko ang dalawang unan at saka tumitig sa kisame na may disenyong strawberry, kinuha ko ang phone ko para kuhanan ito ng letrato. Itinaas ko ang kamay ko at itinapat ito sa strawberry na nasa kisame at saka ko kinclick ang camera. Inedit ko ito at inilagay sa IG.
Matapos kong humilata sa kama ay bumangon ako at pinagbuksan ang taong kumakatok sa pintuan.
"kisha right?" tanong ng matangkad na lalaki na nasa harap ko ngayon.
"yes? anong kailangan mo?" tumawa ang lalaki at saka nagsalita muli.
" tsss. wala akong kailangan, ikaw meron." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"huh? anong ako?nananahimik ako rito oh." pagsusungit ko sa kaniya.
"pinapunta ako rito dahil kailangan kitang turuan para sa event bukas." napangiwi nalang ako dahil naalala kong event nga pala ang ipinunta namin dito.
" kunin mo na ang jacket mo para makaalis na tayo." pagsasalita niya pero lumabas ako sa pintuan at isinara ito.
"wala akong jacket tara na." hinarangan niya ako at muling nagsalita.
" stop!" lumakad siya papasok sa kabilang kuwarto.
" hoy? iiwan mo nalang ako rito? tsk."sinundan ko siya ngunit ng papasok na ako sa pintuan ay bigla niyang sinara ng malakas.
" tsss. arte naman kala mo mananakawan pag pumasok ako." bumukas ang pintuan at iniaabot niya saakin ang isang black na may halong pink na jacket.
"wear it." maikli niyang sambit saakin, ang cute nung jacket pero kailangan ko siyang sungitan dahil pinagsaraduhan niya ako ng pintuan kanina.
" no need tara na." nag smirk siya saakin at muling nagsalita." isusuot mo o hindi? kase kung hindi bahala ka jan hindi kita tuturan para bukas." kinabahan naman ako sa sinabi niya dahil baka bukas ay mapahiya ako sa event.
" oo na oo na isusuot ko na." napailing siya saakin.
" isusuot mo rin pala dami pang sinasabi tsk." inirapan ko siya at dumiretso muna sa pintuan ng kuwarto ko dahil hindi pa ito naka lock.
YOU ARE READING
ISLY.
General FictionTwo handsome and caring boys fell inlove with a girl named Arkisha. sino kaya ang pipiliin ni Arkisha? ang unang nagparamdam sa kaniya na gusto siya o ang isa na nagsabi ng nararamdaman kung kailan huli na.