Prologue

1.2K 18 0
                                    

Archer's POV

"Blake Eliezer, gaining fans in just short period of time, now, on the edge of his career. READ here: ily. com"

"Cher, tignan mo yung news."nilingon ko si Ate Haisley na napatawa ng mahina pagkatapos makita ang maga kong mata.

"Mukhang nakita mo na pala."sabi niya at patawa-tawa pang umalis sa loob ng kwarto ko.

"I hate you!"malakas kong sigaw sa kanya ngunit tinawanan lang ako tuluyang umalis na.

Hindi ko mapigilang mapahikbi ng malakas habang pinapanood ang mga news tungkol sa crush kong si Blake Eliezer.

Nagkaroon ng iba't ibang balita tungkol dito. Mga balitang nakakasira talaga sa pangalan niya. Tuloy tuloy lang ang luha ko ngunit napatigil ako ng may bumato sa akin ng unan.

"Ang ingay mong umiyak, nakakabadtrip!"malakas na sigaw ni Aure sa akin. Ang kapatid kong walang ginawa kung hindi ibash si Blake.

"Ano bang paki mo?!"sigaw ko sa kanya at inirapan pa siya. Tinawanan lang ako nito.

"Aba, ikaw, ang lakas lakas mong manigaw sa akin ngunit hindi mo naman malabanan yung mga nambubully sayo."sabi niya at inirapan pa ako. Ibinalik ko iyon sa kanya.

"Tigil mo nga iyang pag-iyak mo sa pangit na yan."sambit niya. Kulang na lang ay hambalusin na ako nito dahil halos buong araw na akong umiiyak dahil sa mga sunod sunod na balita tungkol kay Blake.

"Exposed: Blake Eliezer REAL attitude behind the cam."malakas pa ang pagbabasa ni Aure para lang marinig ko.

"Nanigaw daw ng camera man o. Tsk tsk."sabi niya pa sa akin at umaling iling.

"Kita mo na, baho ng ugali no? Siguro mabaho din iyan."tumawa pa ito ng nakakaloko.

"Pwede ba, Aure?! Manahimik ka na!"inis kong sigaw sa kanya at binato pa ang unan na nasa tabi ko. Hindi naman siya natamaan kaya nagbasa nanaman ng isang news.

"Blake Eliezer caught by the police drunk driving, sus, wala bang pera itong idol mo at walang sariling driver."sabi niya at umiling iling pa.

"Kaka18 pa lang tapos may kaso na. Hindi magandang halimbawa."sambit niya pa na wari'y walang makakapigil sa kanya.

"Hindi pa naman totoo iyan, Allegation pa lang."pagtatanggol ko ngunit inilingan lang ako ni Aure.

"Weh?"natatawang pang-aasar niya pa sa akin.

"Anong weh?! Totoo nga!"inis kong sambit at sinimangutan siya.

"Nakakainis ka!"gusto ko na itong sugurin sa mapang-asar na mukha niya ngunit pinigilan na lang ang sarili.

"Hindi ako maniniwala sa lahat ng iyan hangga't wala pang sinasabi si Blake ukol sa mga balitang hindi naman nakuhanan ng sapat na ebidensiya."sabi ko pa at napaupo na lang sa kama ko.

"Then don't. Hindi naman kita pinipilit."sabi niya at napakibit ng balikat. Lumabas na ito ng kwarto namin mukhang tatambay nanaman sa bahay ng best friend niyang si Reese.

"Archer! Aurelis!"sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Po?"sigaw ko naman pabalik kahit na ramdam ko ang pamumula ng buong mukha dahil sa pag-iyak.

"Ipamigay mo nga ito sa mga kapitbahay."sabi niya kaya lumabas ako.

"Nasaan si Aure?"tanong niya sa akin pagkalabas ko.

"Tsaka ano nanaman ginawa mo sa mukha mo? Umiyak ka ba o ano?"tanong niya.

"Wala po, Ma. Nasa labas po si Aure, pumunta ata kina Reese."sagot ko at kinuha na ang mga binake niya na ipamimigay sa mga kapitbahay.

"Tsaka may bagong lipat diyan sa kabilang bahay, ito ang ibigay mo hah?"sabi niya kaya simple lang akong tumango at naglakad na patungo sa labas.

Inuna ko na munang bigyan ang kapitbahay naming sina Reese. Ang hampaslupa pang si Aure ang nagbukas ng pintuan nila.

"Akin na."sabi niya at matamis pa akong nginitian.

"Para kina Reese ito. Huwag ka ng makikain, mahiya ka naman, Aure."sabi ko sa kanya.

"Uuwi ako mamaya pag-ubos na itong kina Reese."natatawang sambit niya kaya napailing na lang ako.

"Ang kapal talaga ng ampog mo."sabi ko at iniabot na lang. Tinawanan niya lang ako at pumasok na sa loob ng bahay nina Reese na wari'y bahay niya rin.

Nang ibibigay ko na sa kabilang bahay, nakita ko ang dalawang lalaking nakatalikod at mukhang inaayos ang ibang gamit.

"Hmm, Excuse me po, My mom wants--"hindi ko na naituloy ang sasabihin ng mahulog ang binake ni Mama mula sa mga kamay ko.

BLAKE ELIEZER IS OUR NEW NEIGHBOR?!

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon