Chapter 30

65 2 0
                                    

Reese's POV

"Omyghad! Omyghad! What happened?"malakas na sigaw ni Mia na siyang kadarating lang.

"Shh."pagbabawal sa kanya ng nurse dito sa clinic.

"Are you okay now?"tanong sa akin ni Ian na siyang may hawak ng tubig samantalang seryoso lang akong tinitignan ni Cain na siyang pinapaypayan ako.

"Ano ba kayo? Ayos na ako!"nakangiti kong saad sa kanila.

"Back to work na guys, nahilo lang ako. Pasensiya na sa abala."papailing kong saad at tumayo na para sana tumulong kaya lang ay mabilis na kumilos si Cain.

"Dito ka na lang muna, Reese, pahinga ka muna."sambit niya sa akin.

"Ano? Hindi na! Tutulong ako sainyo. Kaya ko naman na ulit. Tara na't marami pa tayong tatapusin."sabi ko pa ngunit hindi niya ako inayahan na tumayo.

"Just stay here, Reese."seryosong sambit niya sa akin.

"Oo nga naman, Reese, wala ka rin namang naiitutulong, paturo turo ka lang ng mga gagawin kaya manatili ka na lang diyan."maarteng sambit ni Mia na nakatingin pa sa kuko niya. Agad naman akong napasimangot sa sinabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin kahit na hindi naman niya ako binabalingan ng atensiyon.

"Pres, pahinga ka na lang muna. Kami na ang bahala."sabi ng ibang officers sa akin bago sila umalis para ipagpatuloy ang mga kailangang gawin.

Labag na lang akong napatango sa kanila.

"Teka, isama niyo na ako, kahit taga gupit na lang."hindi ko mapigilang sambitin dahil ayos naman na talaga ako.

"Sige na, please."pagpapaawa ko pa kay Cain na siyang katabi ko.

"Kaya ko na talaga, promise. Masiyado lang kasi talagang mainit kanina."pagpapaliwanag ko pa sa kanya. Tinignan naman ako nitong mabuti. Nagpaawa naman akong kaunti.

"Tsaka mag-isa ko lang dito, Cain, ayaw ko naman no'n,"hindi ko mapigilang sambitin na talaga namang tinodo na ang pagpapaawa.

"Dito rin muna ako."sagot niya naman agad sa akin.

"Ano? Hindi pwede! Kailangan tayo ng mgs officers!"mabilis kong sambit dahil walang magaasikaso kung sakali.

"Fine. Siguraduhin mo lang na ayos ka na, Reese."seryosong saad niya na tumango na. Agad naman akong napangiti ng tagumpay dahil pumayag ito. Nagtungo naman na kami sa mga kasama naming officers. Agad akong tumungo sa mga naggugupit ng mga pangdesign. Baka mamaya magbago pa isip nitong si Caim at pabalikin ako doon.

Kasama namin dito sa room ang nagpapaint na sina Sesa at Ian.

"Pres, akala ko ba ay mananatili ka lang muna sa clinic?"tanong nila sa akin.

"Ayos na ko! Tutulong na lang ako sa paggugupit."sabi ko at malapad na nginitian sila.

Tumulong lang ako sa paggugupit habang nakikipagkwentuhan sa kanila. Presko naman dito kaya ayos lang din.

Nang wala na akong gaanong magupit ay lumipat naman ako sa tabi nina Ian at Sesa na parehas seryoso sa ginagawa. Nakatitig lang ako sa pinipintahan nila.

"Boo!"natatawang saad ni Ian na siyang nilagyan ako ng pintura. sa pisngit.

"Siraulo ka!"agad kong sambit, muntikan ko na itong batukan kung hindi lang talaga ako nag-aalala sa pinipintahan nila.

"Ang landi."bulong ni Sesa sa amin. Pinangkitan ko naman ito ng mga mata.

"Pres, alam mo namang crush ka nitong--"bago pa siya makapagsalita ay agad ng tinakpan ni Ian ang bunganga niya. Napakunot naman ako ng noo sa kanila.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon