Chapter 10

85 3 0
                                    

Reese's POV

"Congrats, Pres!"malakas na sigaw ni Aurelis mula sa room nila. Napailing na lang ako sa kanya ngunit hindi ko pa rin maiwasang mangiti. Ako kasi yong nanalo sa pwesto ng pagiging student council president.

"Bilisan mo ng maglinis at uuwi na tayo, Aurelis Denise!"sigaw ko sa kanya pabalik at naglakad na pababa, patungo sa room namin.

Maraming bumati sa akin ngunit hindi ko alam kung bakit ko ba hinihintay na batiin ako ng isang tao na hindi ko nga alam kung masaya ba na nanalo ako.

"Lakas nanaman ng ulan kung kailan naman pauwi na."sambit ng mga kaklase ko at nagsisilabasan na sa classroom.

"Hoy, Reese. Congrats!"bati nila sa akin at nakipagkamay pa. Tinanggap ko naman ang mga iyon at nagpasalamat lang sa kanila.

"Thankyou."nakangiti ko pang saad.

Napatingin naman ako kay Cain na siyang palabas na rin ng classroom, nilagpasan lang ako nito at hindi pinansin. Tumikhim naman ako.

"Hmm, Congrats, Cain."mahina kong bulong sa kanya. Lumaban din kasi ito bilang vice at nagwagi naman siya.

"Thanks."sambig lang nito at nilagpasan na ako. Well, ano bang paki ko kung hindi ako batiin nito o ano?

Pumasok na ako sa classroom para kunin ang gamit ko at ng makauwi na rin. Nagulat naman ako ng may makitang payong sa upuan ko. May kasama pa itong note.

"Congrats, Vice"-Cain

Agad akong napangiti doon at napasilip sa may labas. Kita ko naman ang pagkaway ni Cain patalikod, mukhang inaasahan na nalalabas ako.

"Ano yon hah?"halos magulat naman ako sa boses ni Aurelis.

"Anong ano yon?"maang maangan kong tanong at hindi inaasahan na kusa na lang na mangingiti.

"Umuwi na nga tayo."sabi ko na hindi na mawala ang ngiti mula sa aking labi. Binigyan naman ako ng tingin ni Aurelis na nang-aasar.

"Sus, may hindi ka ba kinukwento sa akin?"tanong niya pa at pinanliitan ako ng mata. Hindi ko kasi nakwento sa kanya na nagkasabay kaming umuwi ni Cain last time. Simula noon ay hindi ko inaasahan na mapapalapit kami sa isa't isa.

Archer's POV

Napatawa ako ng mahina nang makita ko si Adonis na umiwas ng daan nang makita ako. This past few days kasi simula noong umiyak ako sa harapan niya ay hindi ako ginugulo nito. Mukhang hanggang ngayon ay guilty pa rin sa ginawa.

Ayos naman na ako, Masiyado lang talaga akong nadala ng nararamdaman noong araw na iyon. Napailing na lang ako sa kanya at dire-diretso na sa classroom para sa huling subject namin.

Maya-maya lang naman ay pumasok na rin ang teacher namin kasunod ni Adonis na hindi man lang makatingin sa gawi ko. Hindi ko alam kung wala lang talaga siyang pake o talagang iniiwasan niya ako.

Nagtake down notes lang ako habang nagtuturo ang guro,natapos ang klase namin na wala naman gaanong ginawa.

Nagpaiwan naman na ako dahil cleaners ako ngayong araw at kahit paano alam ko ang responsibilidad ko.

Napakunot naman ako ng noo nang mapansing walang natirang cleaners kung hindi ako lang. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa orasan.

Isang tao na lang ang natira at mukhang mahimbing na mahimbing ang tulog nito. Sinubukan ko na lang maglinis nang tahimik ngunit kinakailangan kong walisan ang parte niya.

"Hmm, Excuse me."tinapik ko pa ito ngunit hindi pa rin gumagalaw.

"Adonis..Uwian na."hindi ko mapigilang gisingin ito.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon