Chapter 31

63 4 0
                                    

Aurelis's POV

Natahimik akong napasunod na lang kay Bluster na masama pa rin ang tingin sa akin. Pinapatulong na lang ako nito sa pag-aayos ng booth namin.

"Sasama na lang ako sayo."sabi ko at ngumiti ng malapad. Magpapractice kasi sila sa music room ngayon dahil magpeperform siya para sa last day ng foundation. Wala rin naman akong maitutulong sa booth namin at saka 'yon din naman kasi ang plano ko kung hindi lang ako niyaya nina Olive na magcutting.

"Aure!"malakas sigaw nina Theo na mukhang tumakbo patungo dito dahil sa hingal nila.

"Ayos ka lang? Nahuli ka ng officers?"sunod sunod na tanong ng mga ito. Natawa lang ako ng mahina dahil sa paputol putol na tanong ng mga ito.

"Hindi."sabi ko at umiling.

"Gago, si Blake pala kasama, dre."sabi ni Theo kay Olive. Nakipagsamaan naman ng tingin itong si Bluster sa kanila. Siniko ko naman si Bluster.

"Tara na!"sabi ko at hinila siya.

"Bye! Hindi na ako magkacucutting!"sabi ko kina Olive dahil baka mamaya ay mag-away pa sila ng isa pang mayabang na si Bluster.

Nakarating naman na agad kami sa loob ng music room. Wala pa 'yong mga kasama niyang kakanta kaya kami lang dalawa.

"Sing a song for me."sabi ko at nangalumbaba sa kanya.

"Mahal talent fee ko."sabi niya sa akin.

"Ililibre naman kita ng drinks mamaya."sabi ko sa kanya na tumawa ng mahina. Napangisi rin naman siya. Kumanta ito, uto uto amp. Kahit ilang beses na 'tong kumanta hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa boses niya.

Nakatitig lang ako sa kanya, pakiramdam ko matutunaw na 'to kung hindi ko pa iiwas ang tingin.

"Come here, turuan kita."sabi niya sa akin at nginuso ang gitara.

"Sus, tiyansing ka lang. Marunong ako no!"sabi ko at ngumisi sa kanya saka inagaw 'yong gitara niya. Nagsimula naman akong magstrum doon, nakatitig naman siya sa akin. Nagkamali tuloy ako dahil nadidistract sa tingin nito, tinawanan tuloy ako.

"Aba't perfect ka?"inis kong tanong sa kanya. Mas lalo lang siyang natawa sa pagkapikon ko sa kanya. Lumapit pa siya lalo sa akin para mas maasar ako.

"I'll sing, you strum."sabi niya sa akin. Ganoon naman ang ginawa. He's started singing a song while looking at my eyes. Samantalang ako ay sa kanya din ang tingin. Ang lakas ng tibok ng puso ko lalo na't nang maglapit ang mga mukha namin at napapikit pa ako. Akala ko dadampi na ang makapal nitong labi sa akin ngunit ramdam ko lang 'yong pagpitik niya sa noo ko. Napadilat ako doon at agad na napatikhim samantalang siya ay mas lalo lang na natawa sa akin. Pinagtitripan ako. Sinamaan ko siya ng tingin. I faked a coughed.

"Bili na ko ng inumin."sabi ko sa kanya. Tumayo na ako sa pagkakaupo. Agad akong dumeretso sa cafeteria. Ramdam ko pa ang pagkapula ng mukha dahil sa hiya, gustong gusto kong pukpokin ang sarili ko.

"Napakadaya talaga, Aure."sabi sa akin ni Theo ng makasalubong ko sila. Dito pala tumambay ang mga ugok sa cafeteria. Palamon lamon lang. Nakipagtawanan muna ako sakanila bago ako bumili ng inumin at bumalik doon sa music room.

Napatagal pa ako sa pagbalik dahil nga sa mga kumakausap sa akin.

"Have you heard the news, guys?"malakas na tanong ng malditang si Irish sa mga kaibigan nito.

"What's the tea, sis?"tanong naman ng isa sa kanila.

"Si Aaliyah! She's here! Mukhang totoo ngang sila ni Blake."sigaw nito. Napatigil naman ako sa paglalakad habang hawak hawak itong inumin na binili ko para kay Bluster.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon