Chapter 16

77 5 0
                                    

Reese's POV

"Hoy,"tawag ko kay Cain na siyang may hawak hawak na cute na aso. Maliit lang 'yon hindi katulad ng humabol sa amin noong nakaraang umuwi kami ng sabay.

"Hey, Aga mo atang nagising."sabi niya sa akin at ngumiti.

"Hmm, Maglalakad lakad lang kasi sana."sabi ko at ngumiti.

"Awwe. Cute"sabi ko at tumapat sa aso nito na kumakaway kaway ang buntot. Napangiti pa ako lalo.

"You little racist."natatawang biro niya sa akin.

"Kay Blake talaga itong aso na 'to, walang oras para ilabas si Den-den."sabi niya at hinawakan pa itong aso.

"Parang noong nakaraan lang ay takot ka sa aso!"sabi niya pa sa akin.

"Well, malaking aso iyon! Anong gusto mong gawin ko, yakapin?"tanong ko ag nginiwian pa siya. Natatawa naman niyang ginulo ang buhok ko na nakatali. Napatayo siya sa pagkakaupo ng makita niya na babawi talaga ako.

"Hoy!"malakas na sigaw nito at napatakbo hawak hawak si Den-den.

Hinabol ko siya kaya lang ay bigla itong napatigil sa paglalakad nang makita si Mia na kumakaway sa kaniya. Kitang kita ko naman ang pagngiti nitong si Cain.

Napatingin na lang ako sa sapatos ko at napangiti ng mapait. Huwag ka naman kasing umasa kay Cain, Reese, alam na alam mo na sobrang bait nito, hindi lang sayo.

Napaiwas na lang ako sa kanila at nagjogging paiba ng daan.

"Tsk."sabi ko at halos nagpakapagod na para lang makalimutan iyon. Napangisi ako sa sarili.

Tumakbo ako pabalik ng bahay ngunit agad akong nagulat nang makita ko si Cain na nasa tapat ng bahay namin at siyang nakaupo sa tapat ni Den-den. Nilalaro niya ito.

"Hey, Iniwan mo ako."sabi niya sa akin at tinignan ako na tila ba nagpapa-awa.

"Awwe, I thought you were busy."sabi ko na lang at simpleng nginitian siya.

Aurelis's POV

"Aure, Halika dito!"sabi ni Reese.

"Huh? Bakit? Anong meron?"kunit noo kong tanong.

"Si Blake kasi! Kinuha pala siya ni Mrs. Legaspi para mag-host sa mga bata ngayon!"nakangiti nitong saad. Pinakita pa si Bluster na siyang nakaupo sa may harap ng mini stage dito sa village.

"Pake ko?"sabi ko naman at napairap.

"Sus! Bahala ka nga diyan!"natatawang saad niya at kumaway na para patayin ang tawag.

Kaya pala maagang umalis sina Mama at Archer, ni hindi man lang nila sinabi sa akin. Bakit kailangan sabihin sayo, Aurelis?

Hindi ko din alam kung bakit ako nagpapalit ng damit ngayon para lang lumabas.

"Bakit? Magpapahangin lang ako!"sino nga bang niloloko ko?

Well, bored lang talaga ako kaya ako pupunta ngayon doon. Nang makarating ako sa mini stage ay punong puno ito. Pati ang ibang tao ay nakapajama pa, mukhang gulat din na nandito si Bluster. Mahigpit ang security dito sa village kaya sa tingin ko talagang gumising ng maaga ang mga tao para lang manood kay Bluster.

Pinagmasdan ko naman si Bluster na walang kangiti ngiti sa mukha na ineentertain ang mga bata. Itong taong to talaga hindi ko alam kung anong problema sa mundo.

"Wala na ata talaga siyang mga projects kaya maski isang maliit na project ay pinapatos."natatawang saad ng isang medyo mas matanda lang sa akin na babae.

"Oo nga e, nakakaawa naman siya, gustong gusto ko pa naman iyan dahil gwapo kaya lang ay pangit naman pala ang ugali kaya wag na lang."sabi naman ng isang babae. Hindi ko mapigilang mapakunot ang noo ng dahil dito.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon