Chapter 37

67 3 0
                                    

Blake's POV

"Blake! Pupunta ka nanaman sa bahay ng lola mo? Sinasabi ko na sayong wala na ang Mama mo doon!"sabi ng tatay ko. Kumaway lang ako at nagtungo sa bahay ng lola ko.

Napatingin ako sa kapitbahay nila lola nang may lumabas na isang batang babae, tinakasan si Lola Milinda. Napatawa ako nang mahina dahil wala 'tong pakialam na nagtatakbo paalis.

"Sino 'yon, La?"hindi ko maiwasang itanong.

"Apo ni Linda, nagbabakasyon sa kanila ngunit ubod ng pagkapasaway. Tinatakasan si Linda para gumala."sabi ni Lola. Napatango naman ako.

Agad akong napakunot ng noo nang mapagtanto na may nanonood sa aking kumanta. Napaatras pa siya nang imulagat ko ang mata.

"Crush mo ko no?"tanong ko sa kanya. Inosente lang ako nitong tinignan gamit ang maganda nitong mga mata.

"Baka nga."sabi pa niya na ngumiti sa akin. Mas lalong lumawak ang ngiti ko.  Kitang kita ko ang pagkahiya sa mukha niya ngunit makikitaan pa rin nang matapang na mukha.

Aurelis. Iyon ang pangalan niya.

"Blake! Saan ka nanaman pupunta?"tanong ni Papa.

"Kina Lola, Pa!"sigaw ko. Sa kabilang bayan lang ang bahay nila Lola, malapit lang dito.

"Hoy, ano? Susuko ka na lang doon?"tanong niya sa akin na malakas pang tinapik ang braso ko pagkatapos nang isang malaking rejection sa audition ko.

"Walang susuko hanggang hindi mo pa namimeet ang Mama mo. Hanggang hindi ko pa namimeet ang future Mama ko."natatawang biro niya. Natawa na lang ako sa kanya, alam na alam talaga nito kung paano pagaanin ang loob ko. Iniabot niya sa akin ang isang bottled water na mukhang nainuman niya na. Tinignan ko 'yon.

"Hala, huwag ka ng maarte! Wala na akong pera no, wala akong pamasahe na niyan."sabi niya sa akin. Naguilty naman ako doon dahil sinamahan niya pa talaga akong mag-audition kahit na medyo malayo ang bahay nila dito.

"Sorry."mahina kong sambit.

"Hala! Hindi ko naman sinasabi na kasalanan mo kahit parang ganoon na nga."natatawang saad niya. Nginiwian ko lang siya at pabirong inirapan 'to.

"Wow! Totoo ba?! Good luck!"malakas niyang sigaw nang ibalita kong makakasama ako sa isang movie. Mas excited pa 'to sa akin. Agad niya akong niyakap. Napangiti ako doon.

"Congrats! Sobrang proud na proud ako sayo!"malakas niya pang sigaw na nagtatalon walang pakialam sa sasabihin ng iba.

"Alam mo kapag naghit ang movie mo, hindi blockbuster ang tawag."sabi niya habang ngumunguya nguya. Nagtataka ko naman 'tong nilingon.

"Blockbluster na."sabi niya at humagalpak sa sarili niyang joke. Tinignan ko lang ito at agad na napailing.

"Delete that article!"inis kong sambit.

"Ano bang kinakagalit mo, Blake? Mas madali kang makakagain ng fans mo kung malilink ka kay Aaliyah!"galit ding saad nito sa akin.

"Bullshit. I sign this up hindi para malink sa kung sino."I sound really frustrated.

"Pero kasama 'yan sa trabaho mo."saad naman nito.

"Fuck!"napasabunot na lang ako sa ulo dahil wala rin naman akong magagawa. I fucking sign that fucking contract.

Napatingin ako sa phone ko nang makitang may text galing kay Aurelis.

"Pucha!"malakas kong bulong nang maalalang magkikita nga pala kami ngayon.

Sinubukan ko 'tong tawagan ngunit hindi ko na talaga siya matawagan pati sa social media ay nagdeactivate na 'to.

"Hoy! Akala ko ba ipapakilala mo na ako sa chix mo?"tanong ni Khalid sa akin. Tinignan ko lang siya na naiinis.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon