Archer's POV
"Babalikan mo ulit ako, okay?"tanong ni Lola sa akin. Agad naman akong napatingin kay Adonis dahil ang usapan namin ay isang beses lang ito. Although, naging masaya naman ako na kakunwetuhan si Lola at umabot pa kami hanggang magdinner. Mabuti na lang ay pinaalam pa ako mismo ni Lola kaninang tinawagan ko si Mama.
Wala kaming ginawa buong araw kung hindi ang magbasa ng mga libro niya. Kinukwentuhan din ako nito tungkol kay Adonis. Si Adonis naman ay natulog lang sa tabi namin. Hindi ko alam kung pinapunta ako nito para lang matulog.
"Hmm.."sambit ko at napatingin pa kay Adonis na siyang pinagtaasan ako ng kilay kasabay pa ng pagngisi niya.
"Oo naman po, dadalawin ko pa rin po kayo paminsan minsan."sambit ko na lang kahit hindi ko sigurado iyon.
"Dapat lang."sabi niya sa akin.
Umalis naman na kami ni Adonis para ihatid na ako nito sa bahay, hindi naman na nawala ang ngiti ko sa mukha dahil madami rin akong nalaman tungkol sa kanya.
"Alam mo ba?"tanong ko ng natatawa.
"Hindi."sambit niya at tinawanan ako nang mawala ang ngiti sa mukha ko.
"Huwag na nga!"masungit kong saad at tumingin na lang sa labas ng kotse niya.
"Ano nga?"natatawa niyang tanong.
"May pinakitang litrato sa akin ang lola mo."natatawa kong saad. Mga litrato niya iyon ng bata siya.
"Mukha kang babae!"turan ko pa ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin. Kita ko din ang pamumula ng tenga niya.
"Nahihiya ka ba?"nakangisi kong tanong at tinusok pa ang tagiliran nito. Inirapan niya.
"Kailan pinakita sayo ni Lola?"tanong niya.
"Kaninang natutulog ka."sabi ko na nakangisi.
"Arggh..Si Lola talaga!"sabi niya at napakamot pa sa ulo niya. Tawa lang ako ng tawa hanggang sa makarating kami sa bahay.
Akala ko ay aalis na ito ngunit bumaba pa siya para ihatid ako sa bahay.
"Tita.."tawag niya kay Mama nang lumabas ito para magtapon ng basura.
"Pasensiya na po kung late ng nakauwi si Archer."sabi niya kay Mama.
"Ayos lang iyon, pinagpaalam na rin naman siya ng lola mo."sabi ni Mama at ngumiti kay Adonis.
"Thanks!"sabi ko sa kanya at kumaway. Natawa pa ako ng mapatingin siya sa hawak ko habang kumakaway sa kanya. Litrato niya kasi iyon noong bata siya. Nanlaki ang mga mata nito at hahablutin sana iyon sa akin. Iyon nga lang ay nakatingin pa sa amin si Mama. Pumasok na ako sa loob at inasar ko pa siya nang kaunti.
"Mukhang masaya sa date, Archer Isabella hah?"tanong ni Aure na siyang nakahiga sa sofa at mukhang wala nanamang magawa. Napailing na lang ako at pumasok na sa kwarto namin. Hindi pa rin mawala sa mukha ko ang ngiti lalo na habang pinagmamasdan ko ang litrato nitong si Adonis. Nilagay ko na 'yon sa wallet ko.
Kinabukasan ay nagising ako mula sa ingay sa ibaba. Totoo nga ang sabi nila na kung masaya ka ngayon, doble ang lungkot kinabukasan. Unti-unting tumulo ang luha ko habang tinitignan ang news tungkol kay Blake na hindi na daw irerenew ng contract niya dahil sa dami ng issues tungkol sa kanya.
Kahit na pa palagi ko pa itong makita sa school, iba pa rin iyong nakikita ko siya sa tv dahil doon ko siya nakilala at doon ko rin siya nagustuhan.
Dumeretso na agad ako sa cafe na pinagganapan ng cupsleeve dahil umaksiyon na agad ang president ng fanclub. Lahat kami ay umiiyak habang gumagawa ng mga placard at petition papers para lang ibalik si Blake.
BINABASA MO ANG
Chaotic Love (Completed)
Novela JuvenilBluster Blake Eliezer decided to lie low by transferring in another school and house but he ended up meeting his number one basher, Aurelis Mateo, with her twin sister, Archer, his greatest fan. Khalid Cain, Blake's closest friend, find himself go...