Archer's POV
"Hoy, tahimik mo nanaman diyan."hindi ko mapigilang punahin si Reese sa pananahimik niya lang sa isang tabi.
"'Yong kapatid mo kasi, Cher, lagi na lang kasama si Mia."reklamo nito at napasimangot pa lalo.
"Hindi naman sa ayaw kong makipagkaibigan sa ibang tao pero kasi alam mo naman 'yon diba?"hindi niya na talaga mapigilan pang sambitin at napakamot sa ulo.
"Hindi na nga makasabay sa akin sa pag-uwi pero lagi naman kasabay si Mia, Sana kahit na magkaroon naman siya ng bagong kaibigan huwag naman sana akong kalimutan."reklamo pa nito lalo.
"Sinabi mo na ba 'yan kay Aure?"tanong ko sa kanya.
"Hindi, ayaw kong sabihin dahil maliit na bagay lang naman 'yon."sabi niya naman sa akin.
"Hayaan mo na nga! Hindi ko na iisipin pa."sabi niya at napailing. Nagpatuloy na lang kaming dalawa sa pag-aaral.
Nasa library kami ngayon kaya talaga namang tahimik. Halos ilang oras din kaming nag-aaral. Parehas lang kaming tahimik.
"Hey! I thought hindi na ako makakapunta pa dito."sabi sa amin ni Chem.
"Buti natapos na namin 'yong practicum."sambit niya at napaupo na sa tapat namin para mag-aral na din. Ito 'yong isa naming kasamang lalaban sa quiz bee.
"Hey,"agad akong napatingin nang makita ko si Adonis na siyang nandito na pala sa loob ng library.
"Still busy ha?"tanong niya medyo pawis pa ito, paniguradong kagagaling lang ng training.
"Let's take a break muna."sabi ni Reese sa amin.
"Awwe, kadadating ko lang."sabi ni Chem at napanguso.
"Halika na, Chem, ililibre pa kita."natatawang saad ni Reese dito.
"Kain din tayo?"tanong naman sa akin ni Adonis. Ngumiti naman aki sa kanya at tumayo.
Lumabas naman kami ng library katulad ng palagi nitong ginagawa ay umakbay nanaman siya sa akin. Walang kahiya hiya kahit na pawis na pawis pa. Hindi naman siya mabaho e, katunayan ay parang wala pa rin naman pagbabago dito.
"Magpunas ka nga ng pawis mo, Adonis Ayden."sabi ko at binigay sa kanya ang towel ko.
"Matutuyuan ka sa ginagawa mo."sabi ko. Hindi naman niya 'yon pinansin at simpleng pinunasan lang ang katawan.
"Ayden, 15 minutes lang daw ang break sabi ni coach!"sigaw ng isang teammate niya nang makababa kami ng library.
"I know, 5 minutes pa lang naman!"sabi niya at napakibit ng balikat.
"Huwag ka ng sumabay sa akin, baka mapagalitan ka nanaman ng coach mo."hindi ko mapigilang sambitin sa kanya.
"Hindi 'yan."pinagkibit niya lang 'yon ng balikat at nagpatuloy pa rin sa pagpunta sa cafeteria.
"Hey, Ayden, I thought I won't see you today."maarteng saad ni Edilyn na kasama ang mga kaibigan nito. Nakaupo ang mga ito sa madalas nilang pagpwestuhang magbabarkada pati ang mga kaibigan nilang lalaki ay nandirito.
"Dito na kayo maupo sa tabi namin, wala na din kayong mapupwestuhan."nakangiti pa nitong saad sa amin. Puno na rin kasi ang cafeteria at wala ng bakanteng mauupuan. Nilingon naman ako ni Adonis tila inaalam kung anong desisyon ko.
Napatingin naman sa akin ang mga kaibigan niya dahil sa paglingon na ginawa niya.
"Well, huwag mo naman sanang pagbawalan si Ayden na sumama sa amin, Archer."nakangiting saad sa akin ni Edilyn, kung hindi ko lang alam ang ugali nito ay paniguradong nahulog na ako sa mga bitag niya.
BINABASA MO ANG
Chaotic Love (Completed)
Teen FictionBluster Blake Eliezer decided to lie low by transferring in another school and house but he ended up meeting his number one basher, Aurelis Mateo, with her twin sister, Archer, his greatest fan. Khalid Cain, Blake's closest friend, find himself go...