Chapter 17

78 5 0
                                    

Aurelis's POV

Ilang buwan din ako halos hindi nakapag-open ng dummy account ko kaya balak ko sanang buhayin ngayon kaya lang ay agad akong napatingin sa may labas ng may magarang sasakyan na dumaan at mukhang papunta sa bahay nina Bluster.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Lumabas ako ng bahay namin para lang pumunta sa bahay nila. Nagtago ako sa magarang kotse na nakaparada. Kita ko naman na lumabas si Bluster sa loob ng bahay nila para harapin ang isang medyo may edad ng babae.

Napatakip ako sa bunganga ko ngunit agad ko ding tinuktukan ang sarili sa naiisip. Aalis na sana ako dahil balak ko lang naman silipin kung sino iyon kaya lang ay nagsalita na ang babae.

"Marami ang petition na gusto kang pabalikin sa showbiz, Blake, huwag mo namang sayangin ang oportunidad para sayo."sambit nito, kita ko naman ang seryoso lang na mukha mi Bluster na nakikipag-usap dito.

"I told you, I won't sign up a contract again."malamig na saad ni Bluster tila ba walang paki sa sinasabi nang babae.

"Mas maluwag na ang kontratang ito kumpara sa kontrata mo noon, Blake! Sasayangin mo na lang ba 'yon?!"tanong pa ulit nito ngunit mukhang desidido lang talaga si Bluster sa desisyon niya.

"I can assure you na hindi ka na pipilitin pa sa mga love team na 'yon."sabi pa ng babae ngunit mukhang walang balak makinig si Bluster.

"You can go now, Miss. Hindi na po ako babalik sa pag-aartista."sabi pa niya.

"Sinasabi ko sayo, Blake. Pagsisisihan mo 'yan."sabi naman ng kausap niya at sumakay na sa kotse. Hindi ko naman alam ang gagawin ko nang ipaharurot nito ang sasakyan kaya hindi na ako nakapagtago pa.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Bluster na siyang nakasandal pa sa bakuran nila. Tumikhim naman ako at umayos ng pagkakatayo.

"Nakita kita ng para kang dagang nagpunta dito."sabi niya at inasar pa ako lalo. Nginiwian ko naman siya.

"Maglalakad lakad lang ako!"sabi ko at inirapan siya.

"Hmm."sabi niya at napatango tango pa na tila hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"I accidentally hear what are you talking about.."hindi ko mapigilang sambitin dahil paniguradong hindi ako makakatulog kung sakaling hindi ko siya maitatanong.

"Aksidente ba talaga?"tanong niya at nginisian ako.

"Well, pinakinggan ko! Ayos na?!"masungit kong saad.

"Blake, ready na foods."sabinng kakalabas lang na si Khalid.

"Hey, nandiyan ka pala, Aure. Kain ka muna sa loob."sabi nito. Tumango naman ako dahil marami akong gustong itanong kay Bluster. Dumeretso naman kami sa hapagkainan nila. May pasta ng nakahanda.

"Bakit ka pala nasa tapat ng bahay, Aure?"tanong ni Khalid na siyang inumpisahan ng kumain.

"Well, may itatanong ako dito sa kaibigan mo."sabi ko at nilingon na si Bluster na siyang pinaglalagay ako ng inumin.

"Akala ko ba hindi nairerenew ng agency mo ang kontrata dahil sa mga issues tungkol sayo?"tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumasagot at naupo na sa tabi ko ng matapos maglagay ng inumin.

"Palabas lang nila iyon."sabi ni Khalid na siyang sumagot sa tanong ko napatingin naman ako sa kanya ng dahil dito.

"Lahat ng issues tungkol kay Blake, sila mismo ang gumawa dahil ayaw ng pirmahan ni Blake ang kontrata--"hindi pa natatapos sa pagkukwento si Khalid ramdam ko na agad ang pagsipa ni Bluster sa paa nito.

"Ano?"hindi ko mapigilang itanong at sinamaan ng tingin si Bluster.

"Ayaw na kasi ni Blake na magrenew sa kanila kaya para hindi na mapapirma sa ibang agency, siniraan nila ito."patuloy na pagkukwento ni Khalid hindi inaalintana ang masamang tingin mi Bluster.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon