Chapter 7

96 5 0
                                    

Archer's POV

Napakagat ako sa aking labi ng makita ko si Adonis na tamang tayo lang sa hallway kausap ang mga kaibigan nito. Napa-Uturn ako ng di oras dahil lagi akong kinukulit sa utang ko daw sa kanya. Pasimple akong naglakad kasabay ng grupo ng mga babae.  Nakalagpas na ako sa kanila ng may biglang sumigaw sa mga kaibigan nito.

"Uy, Ayden! Ayon ang hinahanap mo o!"malakas na sigaw nito, hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy nito ngunit agad akong nakahinga nang may ibang hinarang sila.

"Malaki ba atraso niyan sayo?"tanong pa nito.

Napalingon naman ako sa gawi nila, tinitignan kung nandoon pa siya at kung anong gagawin nila sa hinarang na lalaki.

"Ay puki ng ina mo!"gulat akong napasigaw nang makita si Adonis na nasa gilid ko na. Malaki ang ngisi nito.

"Takas ka pa."natatawang sambit niya. Madali naman akong pinamulahan ng mukha lalo na nang umakbay ito sa akin. Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao.

Natatawa niya naman na binatawan ako nang mapansin na hindi na kumportable.

"Ano? Kailan ka pupunta sa bahay?"tanong niya sa akin.

"Huh?"agaran kong tanong dahil pinapapunta ako nito sa bahay nila para bayaran ang utang ko daw sa kanya.

"Hindi ako bayarang babae."nauutal ko pang saad at kung mapula na ang mukha ko kanina, mas lalo pa ngayon. Napatigil naman kami parehas sa paglalakad, hiyang hiya naman ako dahil humagalpak ito ng tawa at halos hindi na makahinga. Napapikit ako sa kahihiyan at nagtangkang umalis kaya lang ay hinakawan nito ang kamay ko.

"Ano nanamang iniisip mo?"natatawang tanong niya at napailing.

"Of course not! I won't even try to lay my finger on you."sabi niya sa akin.

"Hindi rin kita aakbayan, hahawakan sa kamay, o kahit na ano pang ayaw mo without your consent. Promise!"sabi niya na seryoso na ngayon.

"Gusto lang talaga ni Lola na magdala ako ng babae sa bahay, Isang beses lang, promise!"sabi niya pa.

"What? Madami ka namang babaeng pwedeng dalhin sa bahay niyo."hindi ko mapigilang sambitin dahil madami naman talaga itong kaibigan o di kaya ay babae. Hindi ko alam kung totoo lahat ng bali-balita tungkol sa kanya pero ang sabi nila ay madami itong naging girlfriend na magaganda.

"Well, ikaw gusto ko e."simpleng sambit niya kaya napatigil ako doon ngunit agad ding natauhan.

"Huh?"tanong ko ulit, baka nabingi lang ako.

"Ang sabi ko ikaw ang gusto ko."walang kagatol gatol na saad nito. Gustong gusto ko ng kurutin ang sarili dahil pakiramdam ko ay hindi ko nanaman mapipigilan ang sarili kung sakali.

Wala sa sarili naman akong naglakad papasok sa classroom ngunit nakasunod pa rin si Adonis sa akin.

"Ano? Payag ka na kasi. Promise kapag katapos ng araw na iyon, hindi na kita guguluhin pa!"sabi niya at ngumiti pa ng malapad sa akin. Napalingon naman ako sa kanya ng dahil dito.

"Sige."sabi ko sa kanya.

"Ayaw mo talaga na ginugulo kita no?"natatawang saad niya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niyo at naupo na ako sa unang hanay dito sa room. Naupo siya sa likod ko. Parehas na kaming natahimik pagkatapos ng usapan na iyon.

"Bakit?"tanong ko kay Adonis dahil kanina pa ako nito kinakalabit ngunit hindi ko iyon pinapansin.

"Wala lang."nakangisi niyang sambit. Napailing na lang ako sa kakulitan nito. Gustong gusto ko na itong singhalan ngunit pinakalma ko ang sarili.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon