Chapter 22

60 3 0
                                    

Aurelis's POV

"Aure, get ready na."sabi sa akin ni coach. Laban na kasi ngayon para sa championship namin sa badminton. Napatingin naman ako sa paligid ngunit agad din na dismaya nang hindi ko makita si Mama kahit saan. Mukhang hindi pa tapos ang laban nina Archer.

"Hey, Halika na?"tanong sa akin ng kadoubles ko.

"Ayos ka lang ba?"tanong niya pa ulit.

"Hinahanap ko kasi si Mama kaso mukhang wala pa ata siya."hindi ko mapigilang sambitin.

"Ayos lang yan, Ako nga, kahit wala parents ko lumalaban pa rin."natatawang saad niya. Paki ko?

Hindi ko na lang pinansin at sumunod na sa kanya sa paglalakad kaya lang ay agad akong napatingin nang may humawak sa braso ko.

"Good luck, Lis."bulong sa akin ni Bluster. Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil akala ko ni isa walang susuporta sa akin ngayon.

Nakahoodie itong itim at nakashades pa kaya siguro hindi siya gaanong napapansin ng mga tao pero paniguradong kung alam nilang nandirito ito, nagsisitakbuhan na para lang makakuha ng litrato kasama siya.

"Thankyou.."mahina kong saad at napayakap sa kanya. Medyo nagulat naman ito sa akin. Hindi ko kasi alam sa sarili ko, madalas akong kabahan lalo na kapag pakiramdam ko wala ni isang sumusuporta sa akin.

"Aure, tara na!"sambit sa akin ng kadoubles ko.

"Galingan mo."nakangiting sambit sa akin ni Bluster.

"Ako pa?"tanong ko at napangisi.

Nagwarm up muna saglit bago nagsimula ang game. Championship na ito kaya talaga namang parehas kaming kinakabahan ng kadoubles ko.

Minsan ay napapatingin lang ako kay Bluster na parang mas kinakabahan pa sa akin, mas lalo naman nawawala ang kaba ko dito dahil natatawa na lang ako sa kanya.

"Inspired, Aure?"tanong sa akin nitong kadoubles ko.

"Focus muna."sabi ko at simpleng nginitian ito.

Natapos ang unang set na kami ang nanalo. Napangiti ako nang mapatingin ako kay Bluster na talaga namang ngiting ngiti sa pwesto niya. Nagthumbs up pa ito kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Maya-maya lang ay kami ang nanalo kaya masayang masaya akong napatakbo agad papuntang audience ngunit napatayo pala si Bluster sa kinatatayuan niya kaya agad niyang nakuha ang mga atensiyon ng audience at agad siyang namukhaan ng mga ito.

"Si Blake!"

"Hala! Oo nga!"

"Ngayon ko lang ulit siya nakita, mas lalo pa itong gumwapo."

Napatigil tuloy ako sa paglapit sa kanya ngunit hindi katulad ng dati,  mas madali niyang natakasan ang mga ito.

"Congrats!"malakas na sigaw nito at agad niya akong niyakap. Ang laki naman ng ngiti ko habang nakayakap din dito kaya lang ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na marami pa lang mga mata ang nakasubaybay sa amin.

Agad akong napabitiw sa kanya at agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Tiyansing!"sabi ko at pinanliitan siya ng mata. Inilingan niya lang ako at mahinang tumawa. Napatingin naman ako sa mga babaeng medyo nagulat sa pagngiti niya at halos maestatwa na sa mga kinatatayuan. Kahit pala ilang buwan na rin itong wala sa showbiz, ang dami dami pa rin niyang fans.

"Blake!"

"Blake! Papicture!"

"Kuya Blake! Pakiss!"

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon