Archer's POV
"Ayden, 'Yong order doon!"turo ni Edilyn kay Adonis na tumutulong pa rin kahit last day na rin ng foundation.
Napatingin ako sa kanya, pawis na pawis na ito at mukhang medyo napapagod na rin sa dami ba namang tao dito sa booth, halos buong school din naman dahil nga last day na.
Kami naman itong nasa labas, 'yong mga boys sa room itong kumukuha ng order. Lumayo ako sa booth para lang bumili ng lemonade sa kabilang stall.
Nang makabili ay agad akong lumapit kay Adonis at iniabot ito. Rinig ko na agad ang pangangantiyaw ni Edilyn.
"Bakit si Ayden lang 'yang may lemonade, ha?"tanong ni Edilyn ngunit hindi ko ito pinansin at lumabas na lang ulit para kumuha ng customer.
Nang humupa na rin ang mga customer ay agad akong hinila ni Adonis.
"Uyy, bakit?"nanlalaki ang mata na tanong ko sa kanya.
"Edilyn, aalis na kami, kayo na bahala diyan."sabi niya kina Edilyn. Tumango lang ito at kumaway pa sa amin.
"Let's enjoy this foundation. Ni hindi ka nakapaglibot."sabi niya sa akin habang inaalis ang apron niya.
"Ano ka ba? Ayos lang sa akin 'yon."sabi ko at ngumiti dahil nag-enjoy rin naman ako kahit paano sa booth namin.
"Tara na."sabi niya at hinila na lang ako. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Teka, bili tayo ng cotton candy!"sabi ko nang may makitang stall ng cotton candy sa isang tabi.
"Wow, bata."mapang-asar niyang saad.
"Sabagay, bagay naman sa height."natatawa pang sambit nito sa akin kaya agad ko siyang kinurot sa tagiliran.
Bumili naman na siya ng cotton candy. Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko ngunit nakabili na agad ito.
"Hala, ako na."mahina kong sambit. Tinignan niya lang ako ngunit hindi na rin pinansin. Umalis naman na kami doon at naglibot libot.
Napahinto naman kami sa isang balloon pop. Nasa loob 'yong price. Sumubok ako ngunit talagang walang hilig sa akin ang physical na laro. Napatingin naman ako kay Adonis na nakailang keychain na.
"Here."bigay niya sa ilang keychain na nakuha sa game. Agad akong napangiti.
"Thankyou!"nakangiti kong sambit sa kanya. Ngumiti naman ito pabalik at gaya ng nakasanayan, ginulo nanaman nito ang buhok ko.
"Doon naman tayo!"malakas kong sambit at hinila siya patungo sa isang face painting na booth.
"Wow, bata talaga.."natatawang saad niya dahil halos mga grade school ang nandito sa loob ng booth na ito.
"Huwag na diyan,"sabi niya ng natatawa at sinubukang hilain ako ngunit hindi ako nagpahila.
"Please.."sambit ko at nagpaawa pa sa kanya.
"Fine."natatawang saad niya kaya naghintay kami sa loob ng booth.
"Magpapaint ka rin, Ayden?"natatawang saad ng isang lalaking nagpapaint kay Adonis.
"Bawal?"maangas na tanong nitong si Adonis kaya agad kong hinila ang laylayan ng damit niya.
"Nah."napatawa lang 'yong lalaki.
Nang kami na ay binulungan ko 'yong lalaki.
"Butterfly o di kaya flower ipaint mo."sambit ko.
"Huwag mo akong utusan."pabiro niyang saad sa akin.
Nagsimula naman na silang pintahan ang mukha namin ni Adonis, napangisi pa ako kay Adonis nang makita ko ang mukha nito na hindi kumportable na pinipintahan.
BINABASA MO ANG
Chaotic Love (Completed)
Teen FictionBluster Blake Eliezer decided to lie low by transferring in another school and house but he ended up meeting his number one basher, Aurelis Mateo, with her twin sister, Archer, his greatest fan. Khalid Cain, Blake's closest friend, find himself go...