Epilogue

294 9 8
                                    

Ayden's POV

"Hoy! Himala nakikinig ka ngayon."natatawang saad sa akin ni Olive. Sinamaan ko lang siya ng tingin at napatitig lang sa harap, hindi ako nakikinig, tinititigan ko si Archer.

"Crush ko 'yan, pre."turo niya kay Archer na siyang nagrereport sa harap. Binatukan ko naman siya.

"Aray! Bakit nanaman?"inis niyang tanong.

"Paki ko?"sambit ko at inirapan siya.

"A-adonis.."nakasimangot kong minulat ang mga mata at handa na sanang basagin ang mukha nang nagtatawag ngunit nang makita ko kung sino, napaayos pa ako ng upo.

"What?"tanong ko sa kanya. Mukha naman siyang natakot sa akin kaya medyo napaatras pa.

"A-adonis, 'yong assignment mo daw, pinapatanong na ni Ma'am."naguutal pang sambit nito. Ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa pangalan kong 'yan. Hindi ko alam sa mga magulang ko kung bakit 'yan ang pinangalan sa akin ngunit kung siya ang tatawag ay ayos lang naman.

"Wala ako no'n."sambit ko at agad na sinubsob ang mukha sa lamesa dahil kumpara sa akin, napakasipag nito.

"Hoy!"

"Pucha!"napahawak pa ako sa dibdib ko.

"Tangina!"mas lalo pa akong nagulat nang makita ko ang mukha nito.

"Archer?"gulat kong tanong.

"Bobo, hindi. Aurelis, kapatid ko 'yang sinisilip mo sa room."natatawang saad niya at naglakad ng kamay, napatingin naman ako sa classroom nang makitang nandoon pa rin naman si Archer.

"Crush mo kapatid ko?"nakangisi niyang tanong.

"Archer!"malakas na sigaw niya kaya napadiretso ako ng tayo at nagtangkang aalis na lang dahil lumapit si Archer sa amin.

Ngumiti ito sa akin, pucha, para akong bakla na hindi makatingin sa kanya.

Siniko ako nitong kapatid niya na pakialamera. Pinagkunutan ko siya ng noo.

"Anong pangalan mo na?"tanong sa akin nito.

"Ayden."sabi ko naman.

"Cher, si Ayden, Ayden, Si Archer."pagpapakilala niya.

"I know him, Aure, kaklase ko siya."mahinhin na saad ni Archer.

"You know each other?"naguguluhang tanong niya.

"Hindi, nakita ko lang siya diyan sa tapat ng room niyo na--"hindi ko na siya pinatapos pang magsalita dahil balak ata ako nitong ilaglag. Napatawa naman ito.

"Nakita ko na gusto niyang tumulong sa paglilinis e."sabi sa kanya. Ngumiti naman si Archer sa akin nang malawak.

"Talaga?"nakangiti nitong tanong. Pucha, napatulala nanaman ako sa kanya.

"Pre!"tawag sa akin ni Olive.

"Oh?"tanong ko na hindi pa rin umaalis sa pagkakaupo.

"Tara na!"sabi niya sa akin.

"Mauna na kayo, susunod ako, cleaner ako."sambit ko.

"Pucha! Maglilinis ka pa? Huwag na!"natatawng saad niya.

"Saka kailan ka pa natutong maglinis, lagi ka ngang tumatakas! Tara na!"yaya niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin at pinaalis na lang. Naiwan kami nina Archer dito.

"Wow, maglilinis ka, Ayden?"natatawang sambit ng mga kaklase kong cleaners ngunit hindi ko sila pinansin at naglinis linis na lang.

"Ako na."mahina kong saad kay Archer nang subukan niyang buhatin ang mga upuan para itaob.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon