Chapter 4

124 5 0
                                    

Aurelis's POV

"Goodmorning! Except sa kaklase nating artistang mattitude."nakangiti kong bati sa mga kaklase ko.

Napatingin tuloy sila sa akin at napailing na lang. Tinignan naman ako ng masama ni Bluster na nangangalumbaba lang sa pwesto niya.

"Late ka nanaman, Miss Mateo."sambit ni Sir na maaga pala ngayon.

"Tsaka pambubully na yang ginagawa mo kay Eliezer hah?"saad niya ngunit hindi ko na lang pinansin.

Naalala ko nanaman tuloy noong pinatawag niya kami ni Bluster, kaya pala niya pinaiwan ito para lang manghingi ng fansign dahil fan na fan ang anak niya ni Bluster.

"Ehem..Nakakainis talaga yung mga nang-aabuso ng kapangyarihan nila no?"hindi ko mapigilang asarin si Sir dahil talagang nagpakita ako sakanya noon para lang uyawin ito.

Napastraight naman siya nang pagkakaupo at tumikhim.

"Magsimula na nga tayong magklase."sabi niya kaya napangisi akong bumalik sa upuan ko. Tinignan ko si Bluster at agad itong inirapan nang mapansin ang tingin niya din sa akin.

Pasimple ko namang nilabas ang phone ko dahil ang boring ng dinidiscuss ni Sir at kahit naman anong aral ko ay walang pumapasok sa utak ko.

Lis: Take your breakfast on time at ubusin ng pagkain. Huwag tularan si @Itsblake

Hindi ko alam kung nababasa ba iyon ni Bluster dahil marami rin namang nagmemention sa kanya tsaka hindi ko nga alam kung ginagamit niya pa ang account niyang iyan.

Isa lang naman din ang naisisgurado ko, ang mga fans niya ang makakabasa nito. Ewan ko ba, parang hindi nabubuo ang araw ko hangga't hindi ko naaasar ang mga ito.

Tinignan ko agad ang notification nang may maglike ng tweet. Kita ko agad na nilike nitong si @blublubluh. Lowkey lang naman siya sa pangbabash ngunit gusto ko din siyang iupdate dahil naging magkaibigan na rin naman kami sa mahigit isang taon naming pag-uusap.

Lis:
Hey! Guess what?

Blublubluh:
What?

Lis:
Dito nag-aaral si Blake!
Do you want me to punch him
for you?

Blublubluh:
H

AHA. Is he really ugly?

Lis:
Ampangit mo naman tumawa.
Kulang ka ba sa aruga hah?
AHDGSHAHAHAGSHA charr

Lis:
Pero medyo..PANGIT nga.

Patawa tawa na ako ngunit agad akong nagulat ng may humablot ng cellphone ko.

"Who the fuck are you talking with?"tanong niya na nakasimangot.

"Ano ba?! Akin na nga yan!"sabi ko at hinila sa kanya ang phone ngunit hindi ko makuha.

"Paano kung ayaw ko?"tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay.

"Miss Mateo! Ang ingay mo! Gusto mo bang ikaw ang magdiscuss dito. Ikaw na ang mauunang magrereport next meeting!"saad ni Sir na nasa harap. Napakamot ako sa ulo sa inis.

"Bakit ako lang, Sir? Dalawa naman po kami ni Eliezer ang nag-iingay."hindi ko mapigilang magreklamo dahil sa akin lang talaga mainit ang dugo nito. Napatikhim naman ito

"Osiya sige. Dalawa kayong magreport next meeting, pag-usapan niyo."sabi niya.

"Huh?! Hindi na po pala. Ako lang pala ang maingay, Sir. Kaya ko na gawan iyan ng report kahit mag-isa ko lang!"hindi ko mapigilang sambitin.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon