Archer's POV
"Archer, anak?"gulat akong tinignan ni Mama nang makitang nagluluto ako ng almusal.
"Good morning, Mom."hindi ko mapigilang sambitin.
"Ang aga mo, Anak. Ako na diyan."sabi niya sa akin ngunit hindi ako nagpaawat. Pinagluto ko na sila ng breakfast ngunit nilagay ko ang iba sa baunan.
"Papasok ka na?"gulat niyang tanong ng makitang nakabihis na ako pang pasok.
"Opo, Ma."sagot ko naman sa kanya.
"Magpahatid ka na sa Ate mo."sabi niya na hindi tinanong kung bakit.
"Hindi na po, Ma. Masiyado pang maaga, tulog mantika pa naman 'yang si Ate."natatawa kong sambit pagkatapos kong maayos ang almusal na niluto.
"Alis na po ako."sabi ko sa kanya, nagtataka ako nitong tinignan ngunit tinanguan niya ako.
Nang makarating ako sa school, maliwanag na ngunit masiyado pang maaga para pumasok ang mga estudyante.
"Ang aga mo naman pumaso, Neng."bati sa akin ng guard.
"Good morning po, Manong."sambit ko na lang at dire-diretso ng naglakad papasok sa loob. Dumeretso ako sa gym, nang makarinig ako ng tunog ng bola, sigurado na agad ako na nandito si Adonis.
Pumasok ako sa gym, nagsisimula na itong magtraining, nakaayos na lahat ng training equipments nila, mukhang kanina pa siya dahil pawis na agad ito.
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko siya. Ni hindi niya napansin na may tao na nakapasok sa loob. Lumapit pa ako lalo sa likod niya.
"Good morning."bulong ko dito, kinakailangan ko pang tumingkayad para maabot ang tenga nito.
"Fuck!"nagulat siya doon at muntikan na akong suntukin kung hindi lang ako nakita.
"Anong ginagawa mo dito, Isabella?"gulat na tanong niya na nanlalaki ang mata.
"Good morning!"bati ko ulit sa kanya at ngiting ngiti na ngayon. Pinagkunutan niya naman ako ng noo.
"Well, nabalitaan ko lang naman kasi na maaga ka daw nagtetraining, gusto ko lang tignan kung totoo."sabi ko at ngumiti.
"Wow, gigising ka talaga ng maaga para lang tignan kung totoo?"tanong niya sa akin at pinakunutan pa ulit ako ng noo.
"Matulog ka na lang ulit, Liit, kaya hindi ka tumatangkad e."natatawang saad niya sa akin kaya agad ko siyang inirapan.
"Aba't napakayabang mo talaga."sambit ko.
"Hmm, tsaka dinalhan kita ng breakfast kung ayaw mo, sige uuwi na lang ako."sabi ko sa kanya at nginisian siya. Nagkunwari naman akong maglalakad na paalis ng gym ngunit agad niya akong hinila palapit sa kanya.
"I'm just kidding."sabi niya at agad na hinila ang lunchbox sa kamay ko. Tinaas niya pa ito nang tinangka kong kunin. Tinawanan niya lang ako nang hindi ko 'yon maabot.
"Mamaya ka na kumain!"agad kong sambit dahil hindi ako sigurado kung masarap ba 'yon. Agad kong nahila sa kanya ang lunchbox.
"Magtraining ka muna!"sabi ko at nilayo sa kanya. Para gutumin ito, kapag gutom, hindi na alam kung ano ang masarap sa hindi, talino ko no? Tinawanan niya lang ako at tumango na lang.
Wala akong magawa habang pinapanood ko ito kaya naman sinubukan ko na lang na magshoot sa kabilang ring. Natawa ako dahil wala talagang hilig ang sports sa akin samantalang si Aure ay halos lahat ata ng sport ay magaling siya.
"Hindi kasi ganyan."natatawang sambit ni Adonis na nasa likod ko na. Inalalayan niya ako at tinuro ang tamang poisture, sa unang pagkakataon ay nakashoot nga ako.
BINABASA MO ANG
Chaotic Love (Completed)
Teen FictionBluster Blake Eliezer decided to lie low by transferring in another school and house but he ended up meeting his number one basher, Aurelis Mateo, with her twin sister, Archer, his greatest fan. Khalid Cain, Blake's closest friend, find himself go...