Rose's POV
Tatlong magkakasunod na katok ang narinig ko,kasabay nito ay ang boses ni Ate Crimson. "Rose bangon na anong oras na" sambit nya pa saka nagpatuloy sa pagkatok "Rose,bunso gising na" saad nya pa.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at saka tinignan ang oras. Alas-Diès na ng umaga (10:00 am). Tumayo ako sa aking higaan at saka ito iniayos. Pagkalabas ko ng kwarto ko ay si Ate Crimson ang bumungad sakin. "Good morning!" sambit nya saka iniabot sa akin ang aking tiwalya. "Good morning Ate" bati ko naman pabalik saka humikab.
"Kumain kana ng almusal mo" saad nya pa. Tumango na lamang ako saka nagtungo sa kusina kung saan nakahain na aking ang almusal. Umupo ako sa upuan at saka nagsimulang kumain.
Habang ako ay kumakain ng umagahan, abala naman si Ate Crimson sa pagpipinaw ng mga damit na aming nilabhan kahapon. "Hindi mo ba ako sasabayan sa pagkain?" tanong ko sa kanya. pansamantala nyang itinigil ang kanyang ginagawa saka ibinaling ang tingin sa akin. "Kakatapos ko lang mag umagahan" sambit nya.
Nagpatuloy na ulit siya sa kanyang ginagawa habang ako naman ay tinatapos ang aking umagahan.
"Sya nga pala, pagkatapos mo riyan ay maligo kana" saad nya pa at ngayon ay ipinapatas na ang mga damit na kanyang tinupi.
"Bakit?" tanong ko saka inilapag ang baso ng gatas na kanina'y aking iniinom.
"Samahan mo ako" sambit nya saka ngumiti.
"Saan Ate?" tanong ko habang nakatingin sa kanya
"We're going to Batangas for vacation" sagot nya. Napansin ko ang dalawang maleta sa salas at isang hand carry na bag.
"Hindi ba biglaan naman ata ang pagbabakasyon natin?" tanong ko sa kanya.
Lumapit sakin si Ate Crimson saka niya ako niyakap. "Alam ko kasing hindi ka pa nakaka get over sa break up nyo ni Henry" saad nya pa.
Napansin nya siguro na natahimik ako. Hindi ko kasi ibig na marinig ang pangalan ng lalaking iyon lalo pa't may masakit na alaala ang kaakibat ng kaniyang ngalan.
"P-pasensya na, Hindi ko dapat binanggit ang ngalan niya" sambit ni Ate Crimson na ngayon ay nag-aalala.
Ngumiti na lamang ako saka tinapik ang kaniyang kamay "Okay lang Ate" saad ko saka niya kinalas ang pagkakayakap sa akin. Agad naman akong tumayo at isinukbit sa balikat ko ang tiwalya na ibinigay nya. "Sige Ate, maliligo na ako para hindi tayo ma late sa ating byahe" Tumango na lamang siya.
***
Nang matapos akong maligo ay napaharap ako sa salamin na nasa aking gilid. Pinunasan ko ito gamit ang aking kamay saka pinagmasdan ang repleksyon ko. I haven't been myself lately. I wasn't as cheerful and outgoing as i am before. I shook my head and then just smiled a little.Hindi ko na ipagkakaila na sobra akong naapektuhan sa paghihiwalay namin ni Henry. Pakiramdam ko kase he took my other half away, now i don't know how to start over again. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako kahit pa anim na buwan na ang nakalipas. Habang pinagmamasdan ko ang aking repleksyon ay bigla na lamang bumalik ang alaala na pilit kong ibinabaon sa limot;ang panghihiwalay namin ni Henry.
—flashback 6 months ago—
Kakarating lamang ng eroplanong sinasakyan ko dito sa Vancouver,Canada. Nais ko sanang i-surprise ngayon si Henry dahil bukas ay 6th anniversary na namin. Plinano ko talaga to dahil gusto kong maging espesyal ang anniversary naming dalawa. Pagkalabas ko sa Airport ay pumara ako ng taxi and nagpahatid papunta sa bahay ni Henry, hindi naman traffic kaya't mabilis kaming nakarating.
Pagkababa ko ng taxi ay sinalubong ako ng kasambahay nila. When i entered their house, i saw Henry's little sister, Claire sitting on the sofa. She looked so shocked when she saw me. Her reaction was as if she saw a ghost.
BINABASA MO ANG
When Destiny Hits You
Roman d'amour"Hindi ako naniniwala sa destiny, para sa akin kasi hindi naman talaga nag e-exist yan. We aren't living in a Fairy tale where everything has a happy ending." That's what Rose said because she experienced heartbreaks before but what if destiny hit...