***
"Nandyan po ba si Rose sa loob?" tanong ni Rain kay Ate Crimson na ngayon ay kalalabas lamang ng aking silid."Ah oo, kagigising lang nya." sagot ni Ate saka isinara ang pinto "Kagigising lang nya, inihatid ko lamang yung umagahan nya ayaw nya kasing lumabas ng kwarto eh" dagdag pa nito.
"Ah ganon po ba" sagot ni Rain. Nginitian naman sya ni Ate Crimson bago ito nagsalita. "Kung nais mo syang kausapin ay pumasok ka na lamang sa loob" saad ni Ate Crimson saka bumaba ng hagdan at nagtungo sa salas.
Nakahiga ako sa kama at kakatapos lamang kumain ng umagahan ng biglang may kumatok sa pinto.
"Rose?" saad nito. Alam kong boses ito ni Rain.
"Pasok," sabi ko.
Pumasok si Rain. Napaupo naman ako sa aking kama.
Umupo naman sya sa upuan na nasa harapan ko.
"May kailangan ka ba?" tanong ko.
Napakamot naman sya sa batok nya saka nagsimulang magsalita. "Pasensya na kung may nasabi si Yssa na hindi mo naibigan." saad nya.
Tahimik lamang ako habang nakikinig sa sinasabi nya.
"Galit ka ba sakin Rose?" tanong nya. "Ilang araw mo na kasi akong hindi kinakausap,madalas ay narito ka lamang sa kwarto mo. May nagawa ba akong mali?" dagdag nya pa ngunit hindi pa din ako umiimik.
"Uy Rose, pansinin mo naman ako oh, may nagawa ba akong mali na ikinagalit mo?" saad nya.
"Wala" tipid kong sagot saka iniabot ang shopping bag na dapat ay noong isang araw ko pa sana dapat ibinigay sa kanya.
"Para saan to?" tanong nya
"Pa thank you gift ko sayo sa pag comfort mo sakin noong nakaraang linggo" sagot ko. Tama isang linggo na rin kami ni Ate Crimson dito sa Batangas.
Hindi naman ako nagreklamo dahil sa isang linggo na pagtigil namin dito ay nakatulong ito upang makalimot ako sa sakit at mahanap ang aking sarili.
"Pasensya na sa iniasal ko sa mapapangasawa. I just doesn't like how she sounded when she talked to me" saad ko habang nakaiwas ng tingin sa kanya. "Perhaps you hate me now" dagdag ko pa.
"Mali ka ng iniisip Rose" sambit nya ngunit hindi ko pa rin sya tinitignan. Alam ko namang sinasabi nya lamang iyon para mapagaan ang loob ko.
"Look at me Rose, Look at me." saad nya.
Napaangat naman ako ng tingin at nagtama ang aming mga mata.
"I don't hate you. Masyado lamang mabilis ang pangyayari. Isang linggo kana dito at hindi ko alam kung ilang linggo pa ang itatagal nyo. Natatakot ako na baka isang araw pag alis mo, hindi na ulit kita makita. Nakakatakot, Rose." Saad nya pa.
Napangiti naman ako. Tama sya, nakakatakot naman talaga ang mawalan ng kaibigan lalo na kung napalapit na kayo sa isa't isa.
Maya-maya pa'y nagpaalam na si Rain na aalis na raw sya at may iniuutos pa sa kanya si Mang Nestor. Tumango na lamang ako saka tuluyan syang lumabas mula sa aking silid.
***
"Anak i want you to meet Francis Mercedes, anak ng isa sa mga kasosyo ko sa negosyo. Francis I want you to meet my daughter, Rose Lev Ferrer" saad naman ni Dad."Hi, it's nice to meet you" saad naman ni Francis saka hinawakan ang kamay ko.
"Nice to meet you as well,Francis" I said with my gentle calm voice before giving off a warm smile.
BINABASA MO ANG
When Destiny Hits You
عاطفية"Hindi ako naniniwala sa destiny, para sa akin kasi hindi naman talaga nag e-exist yan. We aren't living in a Fairy tale where everything has a happy ending." That's what Rose said because she experienced heartbreaks before but what if destiny hit...