When Destiny Hits You

25 4 0
                                    

This book is a work of Fiction. Names, characters,places and incidents are all products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

***
Prologue

Ano nga ba ang Tadhana? Siguro maide-describe mo ang salitang tadhana sa katagang halos lagi nating naririnig sa mga broken hearted.

Marami sa atin ang naniniwala sa tadhana. Umaasang matatagpuan ang tadhana nila. At hanggang sa ngayon naghihintay ng nakatadhana para sa kanila. "Kung para talaga kayo sa isa't isa, kayo talaga". Madalas palusot ng mga nang-iwan. Pinanghahawakan ng mga umaasa. Kadalasang advice na makukuha natin sa mga kaibigan. Na halos palagi nating naririnig tuwing inuman at usapang lovelife.

Kumbaga sa Crayola, medyo pudpod na. Kumbaga sa ice cream, tunaw na. Kumbaga sa empleyado, pa-retire na. Pilit tayong umaasa at naniniwala sa bagay na alam naman nating masasaktan lang tayo. Naghiwalay kayo, tapos iaasa mo sa tadhana kung may pagasa pa bang magkabalikan kayo na wala naman talagang kasiguraduhan kung mangyayari ba talaga.

Paano mo ba masasabing destiny? Kapag ba ang unang pagkikita niyo nasundan pa ng isa pang pagkakataon eh matatawag mo nang tadhana? Eh yung naghiwalay kayo pero nagkabalikan pagkatapos ng maraming taon? Pwede ding naka-survive kayo ng limang taon pero sa bandang huli maghihiwalay din kayo at sasabihin mong tadhana ang nagdikta sa inyo. Pwede din namang hindi ka pa nagkakaroon ng karelasyon, o hindi mo pa naranasang mahalin dahil hindi pa dumadating yung nakatadhana sa yo. Pwede din namang nanloko ka, tapos isisisi mo sa tadhana para pagtakpan ang lahat ng pagkakamali mo na wala namang kinalaman sa tadhana dahil una, ikaw yung nagloko kaya nawala sya sayo.

Ganyan ang mga rason na pumapasok a aking isipan sa tuwing may magtatanong kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng tadhana. Hindi ako believer ng tadhana noon dahil ang rason ko "Hindi ako naniniwala sa destiny, para sa akin kasi hindi naman talaga nag e-exist yan. We aren't living in a Fairy tale where everything has a happy ending." Na syang tunay naman dahil sa realidad, hindi lahat ng love story ay nauuwi sa happy ending.

Pero paano kung tadhana ang gumawa ng paraan para makilala mo si the one? maniniwala ka na ba na totoo ang tadhana o mas pipiliin mong pakinggan ang puso mo dahil natatakot ka na masaktan ulit?

***
Author's Note:

Hello everyone I am Leia, the author of this story. This would be my very first story to write so expect that there are some errors ahead. I wrote this story because i was inspired by the movie "That thing called tadhana". The Characters in this story is derived from my friends. So enjoy! ;)

When Destiny Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon