Chapter 2

17 4 0
                                    

***
Hindi na kita mahal...makakaalis kana...

"Rose?..Rose gising nandito na tayo" nagising ako ng tapikin ni Ate Crimson ang aking balikat. Pinunasan ko naman ang mga luhang kumala mula sa aking mata. Ayan na naman, ang alaala na pilit kong ibinabaon sa limot ngunit hindi ko magawa.

"Rose, ayos ka lamang ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Ate Crimson

"Ayos lang ako Ate, masama lamang ang aking napanaginipan kaya't napaiyak ako" saad ko sa kanya. Hinawakan naman ni Ate Crimson ang kamay ko saka ngumiti sakin.

"Kung kailangan mo ng kausap at mapapaglabasan ng sama ng loob, nandito lang ang ate ha?" sambit nya saka hinalikan ang aking noo. Tanging tungo na lamang ang aking naging tugon.

Tinanggal ko ang aking seatbelt saka bumaba ng kotse. Sinalubong naman kami ng Dalawang lalaki, yung isa ay matanda na at marahil ay nasa 60's na ang edad habang yung isa naman ay ka-edad ko lamang.

"Ma'am Crimson, bakit hindi ho kayo nagpasabi na darating kayo" tanong nung matandang lalaki habang yung anak nya naman ay abala sa pagkuha ng gamit namin mula sa likuran ng kotse.

"Pasensya na ho Mang Nestor kung biglaan ang aming pag dating, na miss ko ho kasi itong probinsya natin saka isa pa, nais kong makita ng kapatid ko ang lugar kung saan ako lumaki" Saad ni Ate Crimson saka ako inakbayan. Tumingin naman sakin si Mang Nestor saka ngumiti.

Si Ate Crimson lamang kasi ang ipinanganak ni Mama at lumaki dito sa Batangas habang ako naman ay ipinanganak sa Canada, kung saan ako lumaki at kung saan ko din nakilala si Henry.

"Kayo po marahil ang bunsong anak nila Ser Raymond, Magandang Hapon ho Ma'am" bati nito sa akin.

"Magandang hapon din po, Rose na lamang po ang itawag nyo sa akin" saad ko naman saka lumingon sa paligid. Napakaganda ng lugar na ito, sariwa ang hangin at maraming puno.

"Tara na ho, pasok na tayo sa loob" sambit ni Mang Nestor. Tumango na lamang ako saka pumapasok sa loob ng bahay. Mukhang Luma kung titignan sa labas ang bahay ngunit moderno naman ang disenyo nito sa loob. Napakalaki ng salas, pagpasok mo pa lamang ay makikita mo na ang mga larawan nila Lola maging nila Mama na nakasabit sa pader at ang ilan naman ay nasa picture frame pa.

Pagdating namin sa salas ay sinalubong kami ng isang babae siguro'y nasa 50's ang gulang at marahil ay matagal na syang naninilbihan dito.

"Nakuuu Crimson, ang alaga ko" saad nya saka yinakap si Ate "Ang laki laki mo na at ang ganda mo!" dagdag nya pa, napangiti naman si Ate ng marinig niya ang pagpuri sakanya ng babae.

"Manang Selia, kamusta na ho? Ang tagal ko ng hindi natitikman ang mga luto niyo" sambit naman ni ate saka sumenyas na lumapit ako sa kanya.

"Mang Selia, This is Rose my little sister" pagpapakilala sakin ni Ate Crimson. Binalingan naman ako ng tingin ni Manang Selia saka ngumiti "Magandang Hapon po" bati ko sa kanya

"Napakagandang Dalaga" sambit ni Manang Selia "Magandang Hapon din Ineng" saad nya pa.

Isang oras din mahigit nagkwentuhan si Ate Crimson ang Manang Selia bago sila Nag-aya na kumain ng Hapunan. Kaldereta, ang ulam namin na si Manang Selia ang nagluto. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako kay ate na sa balkonahe na lamang muna ako at magpapahangin, pumayag naman sya.

***
Nang makarating ako sa balkonahe ay isang malamig na Hangin ang sumalubong sa akin, buti na lamang at suot ko itong Cardigan ko. Abala ako sa pagmamasid sa buwan ng bigla may magsalita mula sa aking gilid.

"Ang ganda ng buwan diba?" saad nya pa.

"Yup, napakaganda nya talagang pagmasdan" sagot ko naman saka sya nilingon. Siya yung anak ni Mang Nestor na nag akyat ng mga bagahe namin dito sa bahay.

When Destiny Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon