***
Maaga akong nagising kanina, marahil ay dahil maaga akong natulog kagabi. Madalas kasi gabi na ako nakakatulog kaya't tanghali na ako nagigising.Pagkagising ko kanina ay sinalubong ako ni Aling Selia saka ipinaghain ng almusal. Kanin at Pritong isda ang almusal ko saka isang basong gatas. Tinanong ko si Aling Selia kung nasaan si Ate at ang sabi nya ay may binisita lamang daw na kaibigan hindi malayo dito sa bahay namin.
Dahil masyado pang maaga ay pinanood ko na lamang si Aling Selia habang siya ay abala sa paghahanda ng mga kasangkapan na gagamitin niya sa pagluluto ng tanghalian. Mabait si Aling Selia at tinuruan nya rin akong magluto ng ibang putahe.
Maputi ang balat ni Aling Selia, itim ang kanyang buhok at may haba itong hanggang sa kanyang dibdib. Matangos ang kanyang ilong, kung titignan ay aakalain mong may lahi ito.
Nang magtanghali, gaya ng napagusapan ay sinundo ako ni Rain upang ipasyal sa bayan pagkatapos mananghalian.
Marami kaming pinuntahang lugar, bukod sa pamilihan,malls at parke ay dumaan rin kami sa simbahan. Nasubukan ko din kumain ng mga street foods tulad ng isaw, fishball, kikyam at kwek kwek at gaya ng sinabi ni Rain, masarap nga ang mga ito.
"Ano? masaya ba dito sa Batangas?" tanong sa akin ni Rain habang naglalakad kami pauwi.
Hindi naman kasi malayo kung lalakarin mo mula sa kanto kung saan kami bumaba papasok sa kinatatayuan ng bahay namin. Alas tres na din kasi ng hapon at hindi rin naman ganon kainit kaya't masarap maglakad lalo pa't napapalibutan ang lugar ng mga puno.
"Oo naman" sagot ko. "salamat sa pagpasyal mo sa akin. parang na nga tour guide kita eh haha" pabiro kong sambit at sabay kaming nagtawanan.
"oks lang yon, what are friends are for diba?" sagot nya pa na lalong nagpangiti sa akin.
***
"oh nandito na pala kayo,kamusta ang pamamasyal sa bayan?" tanong sa amin ni Mang Nestor ng makauwi kami."Ayos naman ho Mang Nestor, sa katunayan nga niyan eh ang galing na tour guide ni Rain haha" natatawa kong sambit kaya naman napatawa na rin si Mang Nestor.
Bigla naman akong hinatak ni Rain papunta sa hardin. Hindi naman ako nakaligtas sa mga ngiti ni Mang Nestor. Mukhang gusto pa ata nito na magkatuluyan kami ni Rain.
Pagkadating sa hardin ay nagtungo sa Rain sa puno ng mangga na malapit sa kinatatayuan namin kagabi.
"Rain" tawag ko sa ngalan nya.
"Oh?" sagot nya naman.
"Paano ba makalimot?" tanong ko habang nakatingin sa kalangitan.
Iyan na siguro ang pinakamahirap na tanong na kailangan mong sagutin pagkatapos ng lahat lahat sa inyo. Kahit anong gamitin mong formula, hinding hindi mo makukuha ang sagot. At kahit anong equation, malamang susuko ka sa sagot na hinahanap mo.
"Sa totoo lang ikaw lang naman ang nakakaalam niyan kung paano ka makakalimot." sagot naman nya saka ako tinignan.
"Ha? Paano?"
"Pwede kang maging lasenggera. Iinom mo ng alak gabi gabi lahat ng hinanakit mo hanggang sa makalimutan mo. Pwede ka ding mag-drugs. Pwede mong gawing pariwara ang buhay mo tapos isumbat mo sa kanya na siya ang dahilan kung bakit ka naging ganun. Pero pwede din naman na maging positibo ang pananaw mo sa buhay, depende na lang siguro sa takbo ng isip mo at sariling prinsipyo mo sa buhay." panimula nya pa saka ulit nagpatuloy sa pagsasalita "Pwede ka din namang mapalapit sa Diyos, dun ako nakakasigurong hinding hindimang-iiwan sayo. Marami namang nagmamahal sayo, hindi mo lang pinapansin dahil masyado mong ibinuhos lahat sa minamahal mo. Marami ka ding kaibigan na anjan para sayo, isa na ko don syempre haha" natatawa nyang sambit.
BINABASA MO ANG
When Destiny Hits You
Romance"Hindi ako naniniwala sa destiny, para sa akin kasi hindi naman talaga nag e-exist yan. We aren't living in a Fairy tale where everything has a happy ending." That's what Rose said because she experienced heartbreaks before but what if destiny hit...