Chapter 15

2 2 0
                                    

***

Right after Ate Crimson and the others left, I had no choice but to stay with Rain. Kahit anong gawin kong pagmamakaawa, pinagkaisahan nila ako. Wala din namang magawa si Yssa kaya I'm left with no choice but to stay here and clean up with this guy alone.

Instead of complaining, sinimulan ko na lamang maglinis. The faster I clean this up,the faster I'd get away.

Habang abala ako sa paghuhugas ng mga kaserola at kawali, napansin ko naman si Rain na nakaupo pa din at hindi pa inililigpit yung mga pinagkainan namin para mahugasan ko na.

He's just sitting right there, staring at me while wearing those mischievous smile on his lips. I swear, I badly want to throw a dish cloth at his face. Ugh!

"Tumayo ka na nga dyan! Akin na yang mga plato para mabilis na akong matapos sa paghuhugas!" sigaw ko sa kanya. Gusto kong malaman nya na naiinis ako sa kanya ngayon at ayaw ko syang makita.

"Ayoko, kiss mo muna ako" he said while smiling mischievously before puckering his lips.

"Kilabutan ka nga!" Napangiwi naman ako at agad syang binato ng dish cloths.

"Joke lang!" saad nya saka dali daling tumayo at pinunasan yung braso nya. "Nahawa kana siguro sa kabaliwan ni Yssa! Pero okay lang, mahal parin—"

" Just please shut up and start moving!" I screamed at him before he could even finish what he's about to say.

The mischievous smile on his face vanished and in a snap, the room was filled with silence.

I'm still annoyed at him but seeing him like that suddenly makes me feel bad.. what the heck? What are you doing to me Rain?

Hindi ko alam kung may balak syang tumulong kaya sinimulan ko na lamang iligpit yung mga pinggan at dalhin iyon sa lababo.

"Nagseselos ka ba?"

I stopped what I was doing and then looked at him. Parehas kaming hindi nakangiti.

"Excuse me?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Sabi ko kung nagseselos ka ba." He said firmly as he stares at my eyes.

"Ako? Nagseselos? Asa ka!" I said and then turned my back at him.

He chuckled and then helped me pick up the plates.

***

"Ako na maghuhugas dito, doon ka na sa salas." Giit ko habang pareho kaming nakatayo sa harap ng hugasan.

"Bakit naman?" Tanong nya. Nagulat ako ng bigla nyang isuot sa'kin yung apron. Sa sobrang bilis ng ginawa nya hindi na ako nakapalag ng itali nya ito sa likod.

"Kaya ko na 'to! At isa pa, baka gusto mong malaman kung nakauwi ba ng ligtas si Irene." Katwiran ko saka humakbang palayo.

He suddenly chuckled.

"Ang cute mo" aniya saka isinuot sa kamay ko yung plastic gloves. "Hindi ko inakalang ang cute mo pala magselos." Dagdag nya pa sabay ngisi.

"Nagseselos?" I sarcastically said. " Ako magseselos? Kanino? Doon ba sa babaeng kung makalingkis sayo eh kala mo mauubusan ng lalaki sa mundo? Asa ka pa!" I said with my head held high while smirking.

Nagulat ako ng bigla syang yumuko para maging magkapantay kami. Dahan daha nyang inilapit yung mukha nya kaya naman napalunok ako sa sobrang nerbyos.

"Asa ka namang papatulan ko si Irene? Sige sabihin na natin na maganda sya, mapagmahal at matalino, pero kahit ano pang gawin nya, sayo lang ako, Rose." Saad nya at mas lalo pang inilapit yung mukha nya sa mukha ko. Sobrang lapit eh halos magkadikit na ang noo namin. Bago pa man may mangyari ay dali dali ko syang winisikan ng tubig mula sa kamay ko.

When Destiny Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon