Chapter 3

17 4 1
                                    

***
"Tama ka Rain, siguro nga kailangan ko munang hanapin ang sarili ko" saad ko saka siya tinignan.

" “Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko.” Isa siguro yan sa mga  bagay na hindi ko maintindihan sa inyong mga babae. i mean yung konsepto ng soul searching." sagot nya saka nya ako hinarap.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya habang hinahawi ang buhok na humaharang sa aking mukha.

"Bakit kailangan nyo pa nyang soul searching or kung ano man yang tawag dyan" tanong nya sa akin saka nya ako inabutan ng pamuyod.

gamitin ko daw para hindi ako hawi ng hawi sa aking buhok sa tuwing nililipad ito ng hangin sa aking mukha.

"May mga pagkakataon talaga kasi na kakailanganin mong mag-isa. Pupunta sa malayo, at doon mag-iinarte. Maganda naman talaga ang konsepto ng soul searching, dahil makakapagmuni- muni ka sa mga bagay na dapat ay matagal mo na palang inisip." panimula mo habang itinatali ang aking buhok gamit yung pamuyod na ibinigay nya.

pagkatapos kong maitali ang aking buhok, saka ko nagpatuloy sa pagsasalita. "Dito ang kalaban mo lang ay yung sarili mo. At mas makikilala mo kung ano ba ang naging pagkukulang mo hindi lang sa relasyon niyo kundi pati na rin sa sarili mo. Marami akong kakilala, hindi sa Baguio hinahanap ang sarili kundi sa bundok."  saad ko saka siya tinignan. "gets mo ba?" dagdag ko pa

Tumango naman sya saka muling ibinaling ang tingin sa kalangitan.

"Eh bakit dito ka sa Batangas pumunta at hindi sa Baguio?" tanong nya.

"Balak ko sana kaso biglaan ang pagpa-plano ni Ate Crimson kaya nagdesisyon na lamang ako na sumama dito. Hindi pa din kasi ako nakakarating dito, actually ngayon lang ako nakapunta dito" sagot ko saka lumanghap ng sariwang hangin.

Tumango tango na lamang sya bilang tugon sa aking sagot.

"Rain.." mahinang tawag ko sa pangalan nya.

"Hmm?" sagot nya habang nakatingin sa kalangitan.

"Kaiwan- iwan at kapalit palit ba ako?" tanong ko saka sya tinignan.

"Hindi" tipid nyang sagot saka ako tinignan. "Hindi ka kapalit palit" dagdag nya pa.

"eh bakit ganon?" tanong ko sa kanya.

" “Ano bang naging pagkukulang ko? Ano bang naging pagkakamali ko? May mali ba skin?” Eto marahil siguro ang palaging tinatanong sa sarili ng mga taong iniwan gaya mo" panimula nya habang nakatingin sya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" tipid na  tanong ko. Tama sya iniwan ako at ipinagpalit ng taong mahal ko.

Nagpatuloy naman sya sa kaniyang sinasabi habang nakatingin sa akin.

" Kapag nagse-self pity pilit mong hinahanapan ng butas ang sarili mo. Kinakargo mo ang lahat ng pagkakamali at pilit mong ibinababa ang pride mo. Sa totoo lang, hindi mo na naman kelangan malaman ang sagot sa bakit. The fact na iniwan ka, ibig sabihin lang nun hindi ka na niya mahal. Itanim mo sa kukote mo yan. Kasi kung mahal ka niya, kung meron mang pagkakamali sayo, pinilit niya dapat yung ayusin sa course ng relasyon niyo. Pwede ding mahal ka pa niya pero napagod na siya." saad nya.

Pero hindi ba kung napapagod ka magpahinga ka lang, wag kang susuko? Kung wala na yung spark ibalik nyo...baka kasi kailangan lang ulit buhayin yung spark...

Heto na naman ang mga luha ko na nag-uunahan sa pagpatak. Marahil nga'y tama silang lahat, marahil nga'y mahal pa din kita..

"Sige lang, iiyak mo lang yan" sambit ni Rain saka niya iniabot sa akin ang isa pang kahon ng tissue..

When Destiny Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon