***
5:00 am pa lang pero ginising na agad ako ni Ate Crimson kaya maging si Yssa ay nagising din."What's with waking me up?.. it's still early." reklamo ko habang naguunat ng braso. I really hate getting disturbed while I'm sleeping so my mood really change fast.
"May problema po ba,Ate Crimson?"tanong naman ni Yssa. Umiling naman si Ate Crimson saka nya iniabot sa'kin yung jacket ko. Kunot-noo ko naman itong kinuha saka isinuot. Maging si Yssa ay nagtataka rin.
"Rain is waiting for you downstairs." Nakangiting sambit ni Ate Crimson kaya naman gulat na nagkatinginan kami ni Yssa.
"Anong ginagawa nya dito ng ganito kaaga?" Tanong ni Yssa habang sinusuklay yung buhok ko. "May usapan ba kayo?" umiling naman ako bilang sagot habang naglalakad kami papuntang salas at gaya ng inaasahan ay bumungad na agad sakin ang mukha nyang abot tenga ang ngiti. Hindi ko naman maiiwasang magtaka ng mapansin kong suot nya ang isang black hoodie at white cap.
Hala shit! May napagusapan ba kaming lakad ngayon? Fudge baka meron nga tas nakalimutan ko lang.
"Good morning!" Bati nya sakin.
"Good morning din. May lakad ka?" Tanong ko.
"Tayo. May lakad tayo." sagot nya habang napakalapad ng ngiti nya.
"Saan? Teka hindi pa ako nakakapagpalit!" Kunot-noo kong tanong.
"Basta! 'wag kana magpalit tara na!" aniya na para bang atat na atat kaya naman mas lalo akong naguluhan. Napakamot na lang ako sa ulo saka kinuha yung camera na iniabot ni Ate Crimson.
***
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko habang nakahawak sa dalawa nyang kamay na ngayon ay nakatakip sa mga mata ko.
"You'll find out soon." saad nya kaya naman hinigpitan ko na lamang ang hawak sa kamay nya
Ramdam kong buhangin ang tinatapakan namin ngayon. Naririnig ko din ang pagtama ng alon sa dalampasigan. Naamoy ko din ang simoy ng dagat.
"Keep your eyes closed." Saad nya saka nya ako dahan dahang pinaupo. Nanatiling sarado ang mga mata ko ngunit gayunpaman napakasarap sa pakiramdam ng buong paligid lalo na ang malamig na simoy ng hangin na tumatangay sa mahaba kong buhok. I feel as if I'm free from my thoughts and problems right now.
Naramdaman ko namang naupo si Rain sa tabi ko.
"Pwede mo nang buksan ang mga mata mo." Giit nya kaya naman napatango ako habang nakangiti.
Huminga muna ako ng malalim saka dahan dahang idinilat ang mga mata ko. Nilibot ko ang paningin ko at labis akong namangha nang makita ang unti-unting pagsikat ng araw. Napakaganda nitong pagmasdan kaya naman dali dali kong kinuha ang camera ko saka ko ito kinuhanan ng litrato.
"Shemaaaay! Ang gandaaaa!" Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko.
"Napakaganda nga." Napatingin ako kay Rain na ngayon ay nakatitig sa'kin.
"May dumi ba 'ko sa mukha?" Saad ko saka hinawakan ang pisngi ko.
"Wala naman." Nakangisi nyang saad saka nya inagaw sa'kin yung camera. "Kunan kita ng litrato bilis!"
This is a once in a lifetime experience that I'd get to see the sunrise kaya naman I stand in front of him and wore my most beautiful smile.
After taking a picture of me, he stand up and stand behind me, putting his hands on my waist that caught me off guard. He put the camera in front of us so I just smiled.
Matapos nyang kumuha ng litrato naming dalawa, inilapat nya ang noo nya sa noo ko. Bigla kong naramdaman na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Rain.." mahinang sambit ko sa ngalan nya.
BINABASA MO ANG
When Destiny Hits You
Romance"Hindi ako naniniwala sa destiny, para sa akin kasi hindi naman talaga nag e-exist yan. We aren't living in a Fairy tale where everything has a happy ending." That's what Rose said because she experienced heartbreaks before but what if destiny hit...