Chapter 23

4 1 0
                                    

***

"Anak, are you sure that you're okay?" Tanong ni mommy habang hinahaplos nya ang buhok ko. I've been staying here in the hospital for three days now. Kahapon lamang dumating sila mom and dad galing sa Canada pero ako agad yung inuna nila imbes na magpahinga sila dahil galing sila sa mahabang byahe.

"Mom, pang ilang beses mo na bang tinanong yan?" Pabiro kong saad kaya naman napangiti sya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag doubt sa mga kinikilos nila kahapon pa lang.

"Pasensya ka na anak, worried lang si mommy mo." Giit ni dad na kakapasok lang ng kwarto at may dala pang mga pagkain. Napangiti naman ako ng halikan ako nito sa noo.

"Don't worry about me, okay lang po talaga ako." I reassured them and gaved them a smile so they'd stop worrying.

Isang oras din ang nakalipas bago nagpaalam sila mom at dad na uuwi muna sila sa bahay para makapagpahinga.

***

"Pang limang slice mo na ng apple yan ah! Akala ko ba para sakin?" Pabiro kong saad habang tinitignan si Yssa na kinakain yung last slice ng apple.

"Ay! Sorry hahaha oh eto na!" Saad nya saka nya iniabot sakin yung kakabalat lamang na mansanas. "Wait penge pa nga isa lang!" Hirit nya pa kaya naman inabutan ko sya ng isa pang slice.

"Tsk. Basta pagkain talaga eh haha" biro ko sa kanya kaya naman nagtawanan na lamang kaming dalawa. Habang abala kami sa pag aasaran ay biglang bumukas yung pinto. Otomatiko naman kaming napalingon ni Yssa sa nurse na pumasok.

"Hi! Ikaw si Rose diba?" Bati sakin nung nurse saka sya ngumiti kaya naman ngumiti na lang din ako pabalik.

"Hello po." Bati ko sa kanya habang chine-check nya yung IV droplets ko.

"Today's my first day here but I've heard so much about you." Saad nya. Madami pa syang sinabi pero puro blablabla na lang yung naririnig ko. Naalala ko tuloy si Yssa haha madaldal din sya kapag kaming dalawa lang. "Ay pasensya na! Nadala lang kasi ako eh. Kailangan nga palang magpahinga ni Ms. Ferrer. Naalala ko pa sabi ni Doctor Alvarez sa lahat ng pasyente nya, ikaw daw dapat ang mas pagtuonan ko ng pansin kasi para ka daw time bomb, any minute pwedeng ka daw ulit tumigil sa paghinga kagaya noong nakaraang araw because of your heart condition and your pancreas is already rotting at it already affected the other organs-" hindi na nya natapos pa ang sasabihin nya ng bigla syang pinigilan ni Yssa.

"Tapos ka na? You may go out now." Giit ni Yssa habang itinutulak nys palabas yung nurse.

Sa isang iglap para akong tinakasan ng lakas. Nangangatal ang mga kamay ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng nurse. The truth that she accidentally spoke of is the truth that everyone has been hiding from me ever since the other day.

Halos sumikip ang dibdib ko dahil hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

"Rose, dont mind her, she's spouti-" hindi na natapos ni Yssa yung sasabihin nya ng bigla akong magsalita.

"Totoo ba?" Tanong ko habang unti-unting umaagos ang mga luha ko. "

"Rose, please calm dow-" hahawakan sana ako ni Yssa pero iwinaksi ko ang kamay nya.

"Just answer the damn question! Totoo ba ang sinabi nya?! Am i dying, Yssa?!" Tuluyan na akong napasigaw habang tuluyan nang naiyak si Yssa.

Yssa didn't say anything. She just stood there crying.

"Out. Get out!" saad ko saka ko sya tinulak palabas at pinagsarhan ng pinto.

Unti-unting nagtagpi ang lahat sa isipan ko.

When Destiny Hits YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon